"Bea, happy birthday, tagal mo na hindi pumupunta sa bahay", si Bong habang yakap siya.

"Oo nga anak, bakit hindi ka dumadalaw, umalis lang si Thirdy, hindi ka na pumupunta", si Mozzy naman habang nagbebeso sila.

"I'm sorry Tito Bong and Tita Moz, medyo busy lang po talaga sa work and training but I'll make bawi to you. Anyways, I am happy to see you both. I missed you na nga po e", nakangiting sagot ni Bea kahit medyo awkward.

"I missed you too Ija, anyways, have you seen Julia? Andito siya, sinama na namin siya kasi nasa bahay siya kanina", si Bong.

"Ah, yeah Tito, andun siya sa table ng mga Babbles, pupuntahan ko po sila, kain lang po kayo ha, I'll go ahead Tito and Tita", paalam ni Bea.

So Julia arrived together with the Ravena's? And nakatira si Julia sa bahay nila Thirdy? Kung ganun nagkatuluyan din sila Thirdy and Julia. May gumuhit na sakit sa dibdib ni Bea. Sa halip na dumiretso sa direksyon ng mga bisita, lumiko si Bea at pumusok siya sa loob. Umupo sa upuan malapit sa mini bar nila at kumuha ng alak.

Bakit ganun, bakit masakit? 3 years na, akala niya nakamove-on na siya pero bakit masakit pa din. Dapat wala na siyang mararamdaman kaso mali siya. Hindi niya namalayan na tumutulo na pala yung luha niya. Uminom siya ng alak.

"Bei", narinig niya yung boses na papalapit sa kinaroroonan niya. Pinahid naman niya yung luha niya bago alamin kung kanino yung boses.

"Uy, Julia, ikaw pala", pinilit niyang ngumiti at nagbeso kay Julia.

"Happy Birthday Bei, are you crying?", tanong nito sa kanya.

"No, no, I'm ok. Thank you for coming, I'm glad to see you here", sabi niya at giniya niya ito paupo sa may counter. Sinalinan niya ito ng alak.

"You are so beautiful as ever Bei, grabe", puri ni Julia sa kanya habang umiinom ng alak.

"Haha, funny, you're joking. Kamusta naman ang beauty mo, super blooming ka kaya, no wonder kaya inlove na inlove si Thirdy sayo", sabi ni Bea. Medyo natigilan siya dun sa huli niyang sinabi.

Biglang lumungkot naman ang mukha ni Julia. Uminom ito ng alak at tumawa.

"Sira, anyways, how are you na?", sabi ni Julia.

"I'm good. Quite busy because of my schedule sa company and sa training but yeah, luckily, namamanage naman, ikaw? How are you?", sabi ni Bea.

"That's good to know, me, I'm okay", tipid na sagot ni Julia sabay hinga ng malalim.

"Ow, what's that, is there any problem? Care to share with me?", sabi ni Bea.

Huminga ulit ito ng malalim at inubos ang laman ng baso sabay salin ulit ng alak sa basong walang laman.

"It seems that you have a problem, medyo napaparami na ang inom mo", sabi ni Bea kay Julia.

"Yeah, meron nga Bei. Actually hindi sana ako pupunta here pero pinilit ako nila Mama Mozzy and Papa Bong", sabi nito.

Mama and Papa, so official nga sila ni Thirdy. Naisip ni Bea. Hinayaan lang ni Bea si Julia na magsalita.

"So sumama ako, isa pa I really want to talk to you talaga", sabi ni Julia at lumagok ulit ng alak.

Tumango lang si Bea. Go signal yun para magpatuloy si Julia sa sasabihin niya.

"You know Bei, I really love Thirdy. Handa akong magpakatanga para sa kanya. I loved him since we first met. You know the feeling of that? Yung lagi mo siyang naiisip, ang sarap niyang kasama, basta ang hirap i-explain. Kaya when he courted me, 2 weeks lang, sinagot ko na siya. The feeling was very surreal. Everyday namimiss ko siya mula noong umalis siya for Japan. I even went there for quite sometimes just to see him", ngumiti si Julia pero malungkot ang mga mata nito. Uminom ulit ito ng alak.

Hindi malaman ni Bea ano ang magiging reaksyon niya. Bakit sinasabi ito ni Julia lahat sa kanya.

"Kaso, alam mo yung pakiramdam na 200% na yung binigay mo pero hindi pa din sapat para makuha ko siya ng buo?", sabi ni Julia.

"What do you mean?", tanong ni Bea.

"I gave him my everything. To the fact na marami akong tinanggihan na career para sa kanya kasi natatakot ako na baka magkulang ang time ko para kay Thirdy. Kahit masakit at mahirap yung LDR, tinitiis ko yun talaga", sabi ni Julia. Pumapatak na ang luha nito.

Nakaramdam ng awa si Bea sa kaharap niya ngayon.

"Pero alam mo yung masakit, yung kahit anong gawin ko, yung kahit anong bigay ko, hindi pa din ako ang laman ng puso niya. Hindi pa din buo yung Thirdy na gusto ko kasi I know, kahit kelan I can never replace you in his heart", sabi ni Julia sabay turo nito sa kanya.

"Jul...", sabi ni Bea pero hinawakan ni Julia ang kamay niya. Hindi na niya natapos ang sasabihin niya.

"Shhh, I have nothing against you Bei, wala kang kasalanan. Sinasabi ko sayo 'to kasi mahal ko si Thirdy. Sabi ko nga sayo, I am willing to sacrifice everything even my own happiness just to make him happy. And Bei, you are his happiness. He loves you still. Until now, kahit ano pang gawin ko, I can never win his heart", humagulgol na si Julia.

Nagulat si Bea sa mga sinabi ni Julia. Nakaramdam siya ng awa para dito at guilt sa sarili niya. Kahit hindi sila close ni Julia, wala naman itong pinakitang masama sa kanya. Sobrang bait nito. And now, hindi lang magsink-in sa kanya na umiiyak ito dahil siya ang dahilan.

Kumalas ito ng yakap sa kanya. Pinahid ang luha at hinawakan nito ang mukha niya.

"Bei, I know mahal mo din si Thirdy. Alam ko yun. You deserve to be happy as well as Thirdy. Yeah, tanga ako kung sasabihin kong hindi ako nasasaktan but mas masakit na kumakapit ako sa amin ni Thirdy kahit alam kong ikaw ang mahal niya", determinadong sabi ni Julia.

"I'll set Thirdy free for you Bei. I will let him go for you. Please take care of him and love him for me", sabi ni Julia habang tumutulo na naman ang luha nito.

"But Julia", sabi ni Bea. Hindi niya kaya.

"I will not take NO as an answer, so please Bei", sabi ni Julia at hinawakan nito ang kamay niya.

Niyakap ni Bea si Julia. Mahigpit. Hindi siya makapaniwala. Ito na ba ang bawi ng tadhana para sa kanila?

"Thanks Julia", bulong niya dito.

Kumalas si Julia ng yakap sa kanya.

"Bilis bilisan mo ha, kasi pag hindi ko kinaya, baka bawiin ko pa siya sa 'yo", sabi ni Julia na tumatawa habang umiiyak.

Umiiyak at tumatawa din si Bea. Ang weird ng feeling pero parang nabunutan siya ng tinik. Is this really happening to her and Julia? Julia is sacrificing her love to Thirdy for her? Oh God, Julia is an angel from heaven.

Kumalas ng yakap si Julia at nagpaalam na ito sa kanya.

"Best wishes to both of you Bei, I will pray for your happiness", sabi ni Julia sabay lumakad na ito palayo sa kaniya.

Hindi na nakapagsalita si Bea. Tumingala siya sa langit. Nakita niya yung bituin na pinakamaliwanag sa langit. Ngayon niya lang ulit ito nakita mula noong naghiwalay sila ni Thirdy.

"Ikaw ba yan? Did you hear that Love?", bulong ni Bea habang umiiyak ni Bea na kausap ang sarili.

Pinunasan niya ang luha sa mga mata niya.

"I think it's time for us. It's time naman to give myself a chance", bulong niya.

"This is indeed a happy birthday to me", dagdag bulong pa ni Bea.

Pumunta na siya sa mga bisita upang makiparty. Sobrang saya niya, ito na ata ang pinakamagandang birthday niya. Buo na ang loob niya, she will give her best shot para kay Thirdy at para sa kanya.

Thanks G!

A/N : Sorry to keep you waiting. Medyo naging busy lang :)

I love you Guys!

Keep voting...

The Way We Want It To BeKde žijí příběhy. Začni objevovat