Chapter 16

1K 20 0
                                    

A/N : Goodbye blues...

"Dad, can I borrow the farm for 2 days?", tanong ni Bea. Nasa harap sila ng almusal na mag-ama. Wala ang Mommy at Kuya Loel niya, nasa USA, business trip.

"Why, ano gagawin mo doon? Doon ka matutulog?", balik tanong ni Elmer. Nagulat siya anak, once a month lang sila dumadalaw sa Farm nila kasi nga laging hindi available si Bea, or pag available naman ito, sila naman ang hindi. Kagaya ngayon, wala ang Mommy niya at Kuya Loel. Kaya nagulat si Elmer bakit bigla nitong naisipang pumunta sa farm. At 2 days pa talaga.

"Gusto daw ni Thirdy na magbakasyon bago siya umalis papuntang Japan", sabi ni Bea. Nakatungo siya habang kumakain. Ayaw niyang tingnan ang ama.

"Bakit pupunta si Thirdy ng Japan e di ba nakaline up siya sa PBA?", lalong naguluhan ang ama.

"Daddy, si Thirdy na lang ang mageexplain. Pupunta po siya dito, on the way na daw siya", Bea is very casual. Hindi niya pwedeng ipahalata ang lungkot niya sa nalalapit na paghihiwalay ng landas nila ni Thirdy.

"O, really! Nice, matagal tagal na din kaming hindi nakakapag-kwentuhan. Sige papuntahin mo, hihintayin ko siya", uminom ng tubig si Elmer at tumayo na. Nagpunas ito ng bibig bago nagpaalam kay Bea.

"Anak, uuna na ako, pinapatawag nga pala ako ng Mommy mo, baka may importanteng sasabihin, pag dumating si Thirdy, tell him to wait ha", bilin ni Elmer.

Tumango lang si Bea sa Daddy niya at pinagpatuloy ang pagkain.

Saktong kakaakyat lang ni Elmer ng tumunog ang door bell.

"Manang, pakibukas po yung pinto. Baka po si Thirdy na yan, pakisabi antayin niya na lang ako sa living room", sabi ni Bea.

"Sige Anak", sagot naman ni Manang Elma.

Naramdaman ni Bea na may kausap na nga si Manang Elma sa living room nila. Pumasok si Manang Elma sa dining room kung saan siya naroon.

"Anak, pinaupo ko muna ang bisita mo sa living room", si Manang Elma.

"Salamat Manang", uminom si Bea at nagpunas ng bibig. Inayos niya ang tshirt siya at lumabas na ng dining. Pumunta siya sa living room.

Nagulat siya sa lalaking nakaupo sa sofa.

Si Prince.

"Hi", tumayo si Prince at nagbeso sa kanya. Inabot nito ang isang bouquet ng rosas sa kanya.

"Hello, thanks sa flowers, you're so early, what brought you here?", sabi ni Bea. Nagulat talaga siya. Hindi si Prince ang inaasahan niyang bisita.

"Sorry, namiss kasi kita. Hindi ka kasi sumasagot sa tawag ko", sabi nito na may himig nag pagtatampo.

Umupo si Bea. Pinaupo din niya si Prince. Tinawag niya si Manang at nagpadala ng cookies at gatas para kay Prince.

"Kain ka muna Prince", aya niya dito.

Umiling naman ito.

"No Bei, thank you. Nandito lang ako para tanungin kung meron ba tayong problem? Kasi hindi na nasundan yung paglabas natin", seryosong tanong ni Prince sa kanya.

Lumapit ito sa kinauupuan niya at kinuha ang kamay niya. Pumiglas siya pero hindi nito binitawan ang kamay niya.

"Wala Prince, medyo busy lang ako this past few days, meron lang akong inaasikaso", sabi ni Bea at umiwas ng tingin kay Prince. Titig na titig kasi ito sa kanya.

"Pwede naman kita help kung need mo Bei", sabi ni Prince.

Hindi umimik si Bea.

"Sorry ha, medyo possessive ata ako, pero namiss kasi kita", sabi pa ni Prince.

The Way We Want It To BeOnde histórias criam vida. Descubra agora