Heart on Display (Short Story)

1.1K 29 12
                                    

    Ano na naman ba magandang gawin para mapansin nya ako?? Parang nagawa ko na lahat kaso di nya parin ako napapansin

"Kailan? (Kailan?) Kailan mo ba mapapansin ang aking lihim? Kahit ano aking gawin di mo parin pasin"

    Kanta ko sa kwarto ko.. Na LSS talaga ako sa kantang yan ehh.. Nag research na nga ako ng mga strategy para mapansin.. pero WALEY ehh.. walang silbi yung google!!
    Hayzzz Ethan Alcantara.. Kelan mo ba balak ligawan ako?? Naiinip na ako! Pero di mo naman kelangan manligaw pa ehh.. tanungin mo lang ako kung "pwede ba kitang maging girlfriend" yang linyang yan.. masabi mo lang yan sakin, hindi ako mag dadalawang isip na sagutin ka! XD

    Wala akong totoong kaibigan sa school.. kasi naman di nila sinusuportaan ang love life ko.. lagi nila ako sinasabihan na hanggang tingin lang daw ako.. ayuko naman ma seenzone.. mas gugustuhin ko pang ma friendzone noh kesa naman seenzone.. kaya nga ako gumagawa ng paraan at nag-iisip ngayon para mapansin nya

    Pero hanggang ngayon wala na akong maisip.. kanina pa ako nag-iisip ehh.. 10am na.. 6am ako nag start.. errrr! Pwede ba utak makipag cooperate ka naman!!

    Eto yung mga nagawa ko na para mapansin nya

1. Madapa sa harap nya
     - nagpatulak ako sa kaibigan ko nung dumaan sila sa harap ko.. pero di umubra.. ang lakas makatulak ni sab ayun yung kaibigan ni Ethan yung na embrace ko

2. Nagkunwari akong nahimatay
     - nung naglalakad ako, nakita ko sya at napaisip ng paraan para pansinin nya.. kaya ang ginawa ko, nag kunwaring hinimatay.. malay mo i CPR nya ako.. hi hi hi .. pero ANAK SYA NG NANAY NYA yung kaibigan nya yung nag dala sakin sa clinic.. nagmamadali daw kasi sya kaya yung kaibigan nya ang sinabihan nya na magdala sakin sa clinic.. narinig ko sa convo nila nung nagkunwari akong hinimatay  T^T    

3. Kinuha yung notebook nya
    - magkaklase kami sa isang subject.. nung lumabas sya sa room, kinuha ko ng pasekreto yung notebook nya.. ginawa ko yun para hanapin nya at magkukunwaring nahulog nya dun sa may pintuan.. alam ko masyadong pangit yung plano.. pero ginawa ko parin.. sa kasamaang palad nagkamali naman ako ng kuha.. sa kaibigan nya yung notebook.. leshe! Hindi tuloy kami nag-usap.. tokwang kaibigan yan!

4. Laging dumadaan sa room nila
     - lagi akong dumadaan sa room nila.. magkatabi lang yung room ko at kanya sa isang subject.. pero di nya ako pinansin.. alam nyo kung sino yung nakapansin sakin?? Ehh di yung prof nila.. sheeet.. pahiya ako dun.. pinagalitan pa ako kung bakit daw lakad ako ng lakad sa labas ng room nila.. errrrr! Ang laki pa naman ng boses ng prof na yun!

5. Sumuot ng short
      - hindi ko to plano.. plano to ng kaibigan ko.. sabi kasi nila, mas mabilis mapansin ang babaeng naka short.. napapasipol daw sila pag nakakita ng ganun.. ako naman tong tanga! Sinunod ko naman.. nagsuot ako ng short nung party namin.. dahil magkapareho lang kami ng course syempre makikita nya ako.. kaso nga lang mas matanda sya ng 1 year sakin.. nakita nya ako at nakita ko din sya.. mejo bumagal ang ikot ng mundo sa mga oras na yun.. napamura ako ng malakas nung biglang estorbo yung classmate kong bakla! Minura ko talaga sya ng sobra sobra.. naiinis talaga ako sa kanya.. parang gusto ko syang ilibing ng buhay sa mga oras na yun!!

6. Nagpapaka abnormal sa harap ng lahat
      - nung family day dito sa school.. sumali ako sa lahat ng games.. hindi naman as in lahat.. yung mejo hindi mahirap lang naman.. sinalihan ko yung "kadang - kadang" ( coconut husk yung gamit sa paglalakad ).. nagmumukha akong baliw dun ehh! Ilang beses ako nag effort na madapa ng tumawa sya.. pero nung natapos na akong maglaro, bigla na lang syang nawala.. kainis! Napatawa ko kaya sya?? Tapos, nung by club na lang.. sumali ako sa kantahan.. kinanta ko yung paborito kong kanta.. Kailan by MYMP.. ginandahan ko yung boses ko dun syempre.. pero nung nasa part na ng chorus malapit sa last.. bigla akong nawalan ng hangin.. ayun! Tawa sila ng tawa.. yung mga kaibigan ko nakahawak na sa tyan nila.. tinignan ko si Ethan may kausap syang babae.. kaya ayun mejo nasaktan ako.. pero think possitive ako.. iniisip ko na kaibigan nya lang yun

Heart on DisplayWhere stories live. Discover now