Mag-isa akong kumakain sa bahay dahil mag-isa lang naman na talaga ako sa buhay.
Sabi saakin ng mga namatay kong kinilalang mga magulang, nakita lang daw nila ako sa harap ng pintuan kaya kinuha nila ako.
They can't make their own child that's why, they get me.
Naging mabait akong anak sakanila at ganun din sila. Kaya siguro sa sobra nilang kabaitan ay maaga silang nawala sa mundo.
Hinugasan ko na ang mga platong pinagkainan ko simula pa kagabi. Sinabay-sabay ko na tutal, mag-isa nga lang akong kumakain at para makatipid narin sa tubig. May pera naman silang iniwan para saakin at wala narin akong aalalahanin sa bahay dahil sarili naman nila ito.
Ang tanging kailangan ko lang ay mag-aral at makapagtapos.
Pagkatapos ng mga gawain, agad ko na ring ginawa ang mga takdang aralin para bukas. Linggo ngayon kaya may pasok nanaman bukas.
Nagulat pa ako ng biglang tumunog ang cellphone ko kaya tinignan ko ito at sinagot ang tawag.
"Bakit?" Sabi ko.
"Wow, ang gandang bati naman nyan Adrenaline." Biro pa saakin ni Myles. "Pakopya naman ako ng Assignments!" As usual, yan ang lagi nyang sasabihin kapag tatawag sya.
Matalino naman si Myles pero minsan nya lang ginagamit. Aniya'y nirereserba nya 'raw ito para sa kolehiyo.
"Wala, hindi ako gumawa." Sagot konalang saka pinatay ang tawag.
Kinabukasan, maaga akong pumasok para ipasa ang project namin sa una naming klase. Ayaw nyang ibigay namin sakanya ang mga ito sa loob ng classroom dahil nakakatamad daw bitbitin sa kanilanh office.
"Hoy Adrenaline, sinungaling ka! May gawa ka naman pala sa Mathematics e hindi mo ako pinakopya." Sabi saakin ni Myles pagkarating ko kaagad ng classroom galing sa office ng mga teachers.
Hawak-hawak nito ang notebook ko sa Mathematics.
Tumaas ang kilay ko sa sinabi nya at marahas na kinuha ang notebook sakanya.
"Bakit? Pati ba naman sa mga takdang aralin, kailangan sagutin ko para sayo?" Sarkastiko kong tugon sakanya.
Sasagot pa sana sya pero dumating ang una naming prof. Terror ang isang yan kaya lahat kami ay mabilis na nagsipag ayos ng upo.
Nakita ko ang pag-irap saakin ni Myles pero hinayaan ko na 'yon.
Mabilis na dumaan ang oras kaya uwian nanaman. Mabilis kong inayos ang gamit ko para makauwi na sa bahay. Kailangan kong maghanap ng part time job para kahit papano ay may sarili akong ipon na hindi galing sa mga magulang ko.
Iprepreserba ko ang mga 'yon para sa darating pang mga taon.
"Nakakainis ka!" Sabi saakin ni Myles at dinuro ako sa harapan ng mga kaklase ko.
Hinayaan ko lang 'yon dahil alam ko namang tungkol lamang 'yon sa mga takdang aralin na hindi nya nagawa kaya sya pinagalitan ng mga prof namin.
Nalaman ko pang hindi sya nakagawa ng project sa isa naming subject kaya sinabihan syang babawasan ang kanyang grade.
Nakaramdam ako ng kirot sa ulo ko ng hawakan nya ang buhok ko.
Nanatili akong walang reaksyon sa ginawa nya.
Sino ba namang hindi masasanay e halos araw-araw nya ata saking ginagawa ang mga yan maliban nalang tuwing sabado't linggo.
"Tumigil kana nga, Myles." Awat saamin ni Mateo, ang presidente ng buong klase at buong campus "Gumawa kana kasi ng takdang aralin para hindi kana pagalitan ng mga prof. Matalino kanaman pero may katamaran tsk." Sabi nya at hinila si Myles pero hawak nya parin ang buhok ko kaya nasama ako. Kamuntikan pa akong matumba at masubsob sa sahig.
"Aray ko, buset." Sabi ko at malakas na binawi ang buhok ko sa mga kamay nya.
Nanlaki pa ang mata ni Myles sa ginawa ko dahil ngayon ko lang ginawa 'yon sakanya. Kadalasan kasi ay kailangan pang sabihin ni Mateo na bitawan ako dahil kapag hindi, magsusumbong sya sa mga prof para maparusahan.
At dahil may gusto si Myles kay Mateo, hindi sya agad nakapagsalita at nakakilos kaya mabilis akong umalis sa harapan nilang dalawa.
Kalat na kalat naman ang pagkagusto nyang si Myles kay Mateo dahil parang tangang inaannounce pa nito sa intercom ang pagkagusto nito habang si Mateo ay sinasamaan lang nito ng tingin si Myles o di kaya, pinagtatawanan dahil puro lang daw kabaliwan ang alam.
YOU ARE READING
Sweetest Thing.
Teen FictionPuro kapaitan ang kanyang naranasan sa kanyang buhay, pero may isang tao pala ang kayang makapagpatamis sa kanyang mapait na nakaraan.
