Prologo

25 2 0
                                    

"Miss, isang order nga ng sisig."

"Tatlong order ng buffalo wings."

"Isang bucket ng fried chicken."

"Isang pitsel ng lemonade."

Nandito ako sa isang sulok ng restaurant at pinagmamasdan ko ang mga tao na naririto.

Hindi ba sila napapagod sa kadaldaldal?

"Miss, order niyo po." sabi ng isang waitress.

Nginitian ko naman siya at nagpasalamat.

Susubo sana ako ng may biglang nagsalita.

Malalim at malamig ang boses. Iyong tipong maganda sa pandinig.

Tumingin agad ako. Ang tangkad!

Napakurap ako ng maraming beses.

"Miss, makikiupo sana ako. Puno na kasi." ulit niya sa sinabi niya.

Tumango naman ako. Kasya naman kami. Actually, pang apat talaga itong kinuha kong table.

Inilapag naman niya ang pagkain niya sa harap ko at umupo narin.

Sa buong durasuon ng pag-upo niya, pinagmamasdan ko lamang siya. Hindi siya tipikal na lalaki. Malaki ang pangangatawan, matangkad at... Iba ang kulay ng mata niya. Magkaiba ang magkabilang mata. Berde at pilak. Nakakamangha.

Tahimik kaming kumain sa gitna ng maingay na kapaligiran.

Tahimik ko rin siyang sinusulyapan.

Makapal ang kilay niya. Panlalaking- panlalaki! Iyong ilong, ang tangos. Iyong pilik mata, malalatik at mahaba! Ang labi niya ay pulang-pula.

Perperkto siya sa aking paningin. Siya lang ang nakitaan ko ng ganiyang katangian. Sa personal.

"Nagparetoke ka?" bilaang usal ko na ikinatakip ko ng aking bibig.

Natigil naman siya at tumingin sa akin.

Itinagilid naman niya ng kauniti ang kaniyang ulo. Ang perpektong panga niya naman ang nagyayabang.

"Hindi. Bakit mo naitanong?" tanong niya.

Umiling naman ako at naiilang na itinuloy ang pagkain nang nakayuko. Hindi agad siya bumalik sa kaniyang pagkain.

Nakakahiya! Hindi ko na nakayanan ang kahihiyan kaya tumayo na ako para umalis.

Did I just met an alien today?

-end-

Unknown IdentityTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang