Tawanan sila..

"Pero ang lahat ng ito dahil sa iyo Blas, salamat sa pag sasabi na huwag kong hayaang lumayo ang kaligayahan ko." dagdag ni Kiro habang naka ngiti.

"At gusto ko, sa araw ng kasal ko ay ikaw ang mag hahatid sa akin sa altar. Maaari ba Blas?" tanong ni Biew.

"Oo naman, isang malaking karangalan iyon para sa akin." ang tugon ko..

Niyakap niya ako at ginusot ang aking buhok bilang pasasalamat..

Malakipas ang dalawang Linggo ay muli akong bumalik sa Siyudad upang gampanan ang aking mga trabaho sa kompanya Hindi ako 15 days nawala, kulang isang buwan rin akong nag relax. Sina Bam at Darrio naman ay bumalik sa kani kanilang gawain. Sina Biew at Kiro ay pansamantalang nag tungo sa ibang lugar para sulutin ang nalalabi nilang bakasyon dito sa bansa. Tiyak kong sa bawat oras na mag sama sila ay walang katapusang ligaya ang kanilang nadarama.

"Welcome back po Mr. Hunter Armada." ang bati ng guard noong bumalik ako kompanya.

Ang lahat ay masaya noong makita ako papasok sa lobby. Agad rin akong sinalubong ni Mr. Jeron. "Tuluyan nang lumubog ang Guarin Corp. Nasa pangalan mo na ang natitirang 50% ng kanilang kayamanan."

"Paano napunta sa akin?" tanong ko.

"Siningil sila ni Donya Armada ng malaki dahil tangkang pag lason sa atin at sa pag baril sa iyo ni Vann Durria. Walang nagawa ang Guarin kundi ibigay ang natitirang bagay na mayroon sila para pambayad sa danyos. Kaya ngayon ay wala silang kahit ano.." ang wika ni Mr. Jeron

"Kamusta si Yuji Guarin?" tanong ko.

"Nag benta si Yuji Guarin ng mga sasakyan niya para may pang gastos ito at ngayon ay namamasukan nalang ito bilang normal na emplayado sa..." natigil siya.

"Sa ano? Saan siya namamasukan?" tanong ko.

"Dito sa Armada Corp." ang sagot ni Mr. Jeron.

Napahinto ako pag lalakad at napa kunot ang aking noo. "Nag papasok kayo ng ahas dito? Bakit hinayaan niyo siyang pumasok dito?!" ang galit kong tanong.

"Pero Mr. Armada, qualified si Mr. Guarin para sa position. At si Donya armada ang nag hired sa kanya."

"Bakit ginawa iyon ni Donya Briguela?" tanong ko. Agad na umayat ang galit sa aking ulo at dito mabilis akong umakyat sa itaas na palapag para tanungin si Donya Briguela kung bakit kailangan niyang ihired si Yuji e galing ito sa kalabang korporasyon.

Pag pasok ko sa kanyang opisina ay naabutan ko itong nakikipag video call sa isang machong amerikano, kilig na kilig ito at tuwang tuwa sa kanyang ginagawa. Noong nakita niya akong papasok ay agad itong nag paalam sa kausap. "Wait for me Carl, my younger brother is here." At talagang ginawa pa akong kapatid niya imbes na sabihing "grandson".

"Welcome back! Kamusta ang bakasyon my darling Hunter? Halika tingnan mo ang bagong papa, isang machong afam!" excited niyang pag bati sabay hawi sa kanyang blonde at unat na buhok.

"Donya Briguela bakit ganyan po ang itsura mo?" tanong ko.

"Nag pablonde lang ako ng kaunti, saka kaunting rebond. Bagay naman diba? Anyway mabuti naman at nakarecover kana." ang wika niya sabay harap sa salamin. "Teka? Bakit ganyan ang itsura mo?" tanong niya.

"Bakit hinired ng Armada si Yuji Guarin? Ang sabi ni Mr. Jeron ay kayo daw po ang tumanggap dito. Tiyak na mang aahas iyon katulad ng kanyang ama na isang demonyo." ang tanong ko.

"Oo nga ang hired sa kanya."

"Pero galing siya sa bakuran ng kalaban. Ahas siya at manloloko. Mag ffile ako ng memo para i-fired siya ngayon din." ang sagot ko.

The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon