"Si Yuji ngayon ay nasa puder nalang ng kanyang ina, soon, tatalikuran na rin niya ang mga Guarin. Wala nang natira kay Yuji, wala na ring mamanahin pa. Bumagsak na sila ng tuluyan, kaya't sa tingin ko ay wala na ring silbi pahirapan mo pa siya." tugon ni Kiro, naramdaman kong umupo siya sa aking kama at tinapik ang aking balikat. "Bumangon kana Blas.. tapos na ang laban.. maaari mo nang ibaba ang iyong sandata at buksan ang puso mo para sa mga taong nag mamahal sa iyo."

Tahimik..

"Bakit ka umalis? Bakit mo iniwan ang F4?" tanong ko.

Napabuntong hininga si Kiro. "Dahil mas pinili kong maging masaya, maging malaya at gugulin ang buhay ko sa paraang hindi ko pag sisisihan. Ilang linggo matapos ang kasal ni Yuji ay nakatanggap rin ako ng tawag sa aking ama na malapit na rin akong ilagay sa isang political arrangement, hindi palang sila nakaka hanap ng tamang tao para sa akin. Noong araw na iyon ay nag pasya ako umalis at mag tungo kay Biew. Ang pag tiwalag ko sa F4 ay kagustuhan ko na sinang ayunan naman nila Yuji, Gavin at Erjun naisip nila na kunwari ay puputulin nila ang relasyon sa akin para makatakas ako at makapag tago ng maayos. Ayaw ni Yuji na matulad ako sa kanya kaya't kinausap niya ako na habang maaaga pa ay iligtas ko ang aking sarili." ang wika ni Kiro.

"Sana ay ganyan rin si Yuji sa iyo, sana ay may sarili rin siyang paninindigan at tapang na gawin ang bagay ayon sa prinsipyo niya." sagot ko.

"Si Yuji ang pinaka matapang aming grupo. Malaking sakripisyo ang ginawa niya sa kanyang sarili. Lahat naman halos tayo may kanya kanyang balakid na pinag dadaanan, ito yung sumusubok sa tatag ng ating mga mag katao, ng ating mga sarili. May kanya kanya rin tayong mga paraan para malagpasan ito. At kahit ano pang paraan iyon, ang mahalaga ay makaka uwi pa rin ng maayos at makaka ngiti ka pa rin sa bandang huli." tugon niya.

"Naka ngiti ako, pero hindi ko alam kung totoo ba ito o hindi. Basta iniukit ko lang sa aking labi, wala na akong maramdaman pa." ang sagot ko.

Natawa siya. "Bumangon ka dyan at humarap ka sa akin. Paano tayo mag kaka intindihan kung parang isang fetus dyan na naka talikod sa akin. Ayaw mo ba akong makita?" tanong niya.

"Gusto, pero ayokong makita mo ako sa ganitong kalagayan. Hindi na ako si Blas na laging bugbog sarado sa rooftop."

"Alam ko. Malaki ang pinag bago mo mag buhat noon. At nauunawaan ko iyon. Alam ko na nag babago ang tao kapag nasasaktan, hindi mo kailangan ipaliwanag sa akin ang lahat dahil may mga bagay na nauunawaan ko na agad bago ka pa mag salita." ang wika niya.

Kumilos ako at marahang bumangon..

Humarap ako sa kanya at nag wika "tingnan mo ako."

Tumingin siya sa akin at ngumiti..

"Ikaw pa rin si Blas, iyon pa rin ang nakikita ng puso ko." ang sagot niya sabay yakap sa akin ng mahigpit. "Tandaan mo na kahit mawala ang iyong sarili, may mga tao sa paligid mo na mag babalik nito. Tapos na ang laban Blas.. ang kailangan mo nalang buuin ay ang iyong puso." ang bulong niya.

Umiyak nalang ako habang nakayakap sa kanya..

"Blas! Ikaw nga yan??!!" ang entrada ni Bam sa pintuan..

Pumasok na rin si Darrio dito at pati siya ay hindi makapaniwala na muli kaming nag kita..

Agad akong tumayo at yumakap sa kanilang dalawa.. "Blas, sabi na nga ikaw si Hunter Armada. Ang tangkad mo naman, saka ang gwapo gwapo mo." ang wika ni Darrio habang yakap ako.

"Blas, namiss kita. Huwag kana ulit aalis ha." ang wika ni Bam..

"Sorry kung umabot sa ganito ang lahat. Pero kahit binago ko ang sarili ko ay hindi ko kayo nakalimutan..

"Alam ko, dahil binayaran mo yung gastos ko sa school, at pinadalan mo ko ng mga gamit para makatapos ako sa pag aaral. Ang sabi nung nag dala ay ipinabibigay ni Hunter Armada. At noong nakita ko yung note mo sa notebook ko ay naiyak ako dahil alam kong ikaw iyon, alam kong nag balik ka na." ang umiiyak na sagot ni Darrio.

"Oo nga Blas, naalala mo ba yung alaga kong palaka? Ngayon ay may mga palaka na rin akong alaga sa fish pond ko. Pinangalan ko yun sayo, kay Kiro, kay Biew, Yuji, Gavin, Erjun at kung sino sino pa.." ang wika ni Bam pero niyakap ko ulit siya.

"Ikaw pa rin si Bam, kasi weird ka pa din pero bagay sa iyo." ang wika ko habang natatawa.

Habang nasa ganoong posisyon kami ay nakita ko naman sa pinto si Biew naka ngiti kaya lalo akong naiyak at agad na lumapit sa kanya. Hindi niya agad ako niyakap. Hinawakan niya ako aking balikat pinag masdan mula ulo hanggang paa. "Nag bago ka sa paningin ko. Pero alam mo ang isinisigaw ng puso ko? Ikaw pa rin si Blas na kaibigan ko." ang naka ngiting wika niya.

Ngumiti ako habang umiiyak na parang bata..

"Sa tingin ko ay bumalik na si Blas." ang wika niya sabay yakap sa akin ng mahigpit..

"Sorry kung hindi ko kayo pinansin o kinausap man lang tungkol sa mga plano. Huwag niyo sanang isipin na binura ko kayo sa isipan ko. Hinding hindi mang yayari iyon."

"Sinabi sa akin ni Kiro ang lahat ng nangyari sa iyo. Umiyak ako noong malaman ko na nag benta ka ng kidney para maka alis sa siyudad. Naisip ko na hanapin ka at dalhin sa New York, dahil para na kitang kapatid. Ngunit walang makapag sabi akin kung nasaan ka." ang wika ni Biew

"Alam mo Blas, lahat sila ay inaaway ako. Nag banta pa sa akin si Kiro na lalasunin niya yung mga buteteng alaga ko sa fishpond kapag hindi kita tinuro. Pati sina Lippi at Evan ay sumugod rin sa rest house ko at binugbog nila ako dahil ayokong ibigay ang address mo. Pero nagawa ko diba Blas? Wala akong pinag bigyan." ang wika nito.

"Kung ganoon ay alam mo talaga? Loko ka ahh!" ang wika ni Kiro sabay sakal sa kanya gamit ang kanyang braso.

"May mga plano na hindi sinasabi o ipina-aalam kahit na kanino, ito tiyak mag tatagumpay. Naunawaan namin iyon. Sa kabilang banda sinindak mo rin kami noong lumabas ka sa gintong pyramid noong kaarawan ni Yuji para iyong isang epic scene sa isang hollywood teleserye." ang wika ni Biew.

"Pag katapos noon ay wala akong naisip kundi ang gumanti kay Yuji at sa kanyang ama. Hanggang ngayon ay bulag pa rin ako at ang tanging nasa dibdib ko lang saktan sila katulad ng ginawa nila sa akin." tugon ko sabay upo sa kanilang harapan.

"Nauunawaan ko kung bakit ka nagalit ng todo, sadyang may mga galit sa ating mga puso na hindi basta basta pinag hihilom ng panahon. Kahit na sinasabi nila na time heals everything." ang wika ni Biew

Tahimik..

Napalingon ako sa labas ng balkunahe..

"Anong plano mo ngayon?" tanong ni Darrio

"Hindi ko alam. Ibabagsak ko si Yuji Guarin." ang sagot ko.

"Hindi mo na ba siya mahal?" tanong ni Biew.

"Hindi na siguro. Galit nalang ang nararamdaman ko sa kanya." sagot ko.

"Bagsak na bagsak yung tao. Wala ka nang mapapala sa kanya Blas. Bakit hindi nalang tayo mag enjoy dito? Mag swimming tayo sa dagat, mag party o kaya ay mag piknik?" tanong ni Bam

"Alam mo magandang idea iyan, pwede bang kalimutan mo muna ang galit mo? Ngayon lang ulit tayo nag kasama sama e, namiss ka namin ng sobra." ang wika ni Kiro habang naka ngiti.

Tumango ako at ngumiti bilang tugon..

Noong mga sandaling iyon ay naramdaman ko na hindi ako nag iisa. Bagamat may pag kakataon napapatulala nalang ako habang nakatitig sa kanilang mga ngiti. Pansamantala ko ring inalis sa aking isip ang pag ganti at pilit na ibinalik ang saya bagamat alam kong hindi ito ganoon ka-kompleto. Sa kabila ng aking tagumpay na makaganti at maka kuha ng hustisya ay hindi pa rin ako masaya. Luha at sakit ang idinulot sa akin nito.. Batid kong ito ang kabayaran sa aking pagiging malupit.

Kung kailan ito mag tatapos, ay walang nakaka alam.

Itutuloy..

The Handsome Flower BXB 2020Where stories live. Discover now