Chapter 25: The Plan

Start from the beginning
                                    

"Copy boss."Sagot naman ni Justine. Alam kong kayang-kaya iyan ni Justine. Pero natatakot ako na baka ang biktima namin ang boyfriend ni Charles.

"So iyon lang naman, iiwanan natin siya dito sa bodega at paiinomin ng pampatulog. At kapag gabi na, ay babalikan natin siya rito at gagawin ko na ang gusto kong gagawin sa kaniya."Sabi ni Zander. Hindi na ako nagtanong pa dahil alam ko na ang gagawin niya.

"Tapos na ba iyan bro? Mag-inuman na tayo."Sabi ni Justine at uminom na nga kami.

Hindi na ako nagpakalasing pa dahil wala ako sa mood. Kailangan kong puntahan si Charles baka kasi ang boyfriend niya ang magiging biktima. Kahit na hindi ako sure na siya nga, pero kailangan ko parin siyang puntahan.

Nag text ako sa kaniya nang nakalabas ako ng bodega.

Charles we need to talk.

Charles:
Punta ka lang sa condo ko.

Agad akong sumakay sa kotse ko at agad tumungo sa condo niya. Medyo malayo ang condo niya sa bodega.

"Kumusta?"Sabi niya nang binuksan niya ang pinto.

"We need to talk."Sabi ko at pumasok sa loob. Umupo agad ako sa couch at ganun din siya.

"Anong pag-uusapan natin?"

"Kailangan mong mag-ingat. Lalo na ang boyfriend mo."

"Paano siya nasali sa conversation na ito?"

"Basta. Ingatan moang jowa mo."Sabi ko at agad akong umalis.

Bumalik na ako sa bahay dahil naalala ko na ngayon pala ang uwi ng parents ko at dapat, hindi nila malaman na umalis ako ng bahay. Nagmadali akong pumunta sa parking lot at nagmaneho papuntang bahay.

. . . . . . .

"Are you ready guys?"Sabi ni Zander at sumakay na kaming tatlo sa van.

"Wala akong choice."Sagot ko at ikinagalit ito ni Zander.

"Anong sinabi mo? Baka ikaw ang una naming papatayin?"Sabi ni Zander na kinatatakot ko. Kaya wala akong magawa dahil kaya niyang pumatay kahit na kaibigan niya pa ito.

"Wala. Sabi ko ready na ako."Palusot ko at nagmaneho na. Nakita ko si Justine na walang emosyon sa mukha habang si Zander naman ay ngumingiti pa at parang gusto nang pumatay.

Nakapasok na kami sa university at agad dumiretso sa education buidling dahil iyon ang sabi ni Zander. Wala na akong ideya kung boyfriend nga ba ito ni Charles dahil hindi ko alam kung anong course ang kinuha ng boyfriend niya.

Makalipas ang ilang sandali ay bumalik na silang dalawa dala ang isang lalaki. Gusto kong umalis pero hindi ko magawa. Sinakay na nila ang estudyante na tinatakpan ang mukha nito. Alam ko ang pangalan at mukha ng boyfriend ni Charles dahil pinakita niya ito sa akin. Pero hindi ko alam kung siya ba talaga ito.

"Sino iyan?"Tanong ko.

"Magmaneho ka nalang at huwag ng magtanong pa."Sinunod ko ang sabi ni Zander at makaraan ang ilang minuto, nakarating na kami.

Pumasok na silang dalawa habang ako'y naiwan sa van. Agad naman silang bumalik at nagtungo na kami sa university. Classmate ko si Charles habang classmate naman sina Zander at Justine.

"Kumusta ang boyfriend mo?"Tanong ko sa kaniya at umupo ako katabi niya.

"Okay naman. Hinatid ko na siya kanina."Sagot nito. Sigh. Buti na lang talaga at hindi nag boyfriend niya. Pero hindi pa tayo nasisiguro.

"Pwede ko bang tingnan ulit ang mukha niya?"

"Sure."Sagot niya at kinuha niya ang cellphone niya. He opened his instagram at binigay sa akin.

My American Husband | [Boy x Boy]Where stories live. Discover now