I shook my head at diretsong pumasok sa bahay. Mabuti naman at tahimik lang pero napahinto agad ako ng madatnan ko si mama sa sala.






Nakaupo siya ro'n na para bang naghihintay talaga sa akin. I was about to walk pass her when she called my name.







Huminto ako pero hindi ko siya tiningnan at hinihintay ko lang siya na magsalita. “A-anak...hayaan mo akong magpaliwanag.” nauutal na sabi niya.







Sino ba naman ako upang tanggihan ang katotohanan e ito nga ang gusto ko, kaya walang emosyon akong umupo sa kaharap niyang upuan.









“Si Lienzo isa siyang mayaman, ang mga angkan ng Dela Costa ay mayayaman.” nakatungong sabi ni mama.






Wala naman akong pake sa estado ng buhay. Ang gusto ko lang malaman ay kung sino ba talaga ang ama ko.








“Kaya lang...nang malaman ng pamilya ng papa mo na nabuntis ako ng aking amo dati noong sa ibang bansa pa ako nagtatrabaho, gusto kaming paghiwalayin ng papa mo.” unti unting bumuhos ang kanyang mga luha.









“Pinapili siya ng mga magulang niya, ako ba o sila.” humhikbi na ani niya, naiisip ko nanaman si Papa kaya naiiyak nanaman ako.






He doesn't deserve this.







“A-ako ang pinili niya. Pinaglaban niya parin ako kahit alam niya na sa iba ang batang dinadala ko.” Tuluyan na kaming napahagulgol.









“S-simula nang magsama kami noon, lagi lang siyang tahimik pero inaalagaan parin niya ako. N-ngayon lang siya naging ganito, ngayon lang siya nagbago...”









“At lahat ng iyon ay kasalanan ko, hindi sana ako nagpadala sa tukso...” umiiling na sabi niya.








“N-nasaan na ang tunay kong ama?” nauutal na tanong ko. “B-bakit hindi siya ang kasama mo ngayon? Sana hiniwalayan mo nalang si papa kesa sa ganitong nahihirapan siya!” sigaw ko.









Umiling nanaman si mama. “Hindi ko naiintindihan! Zyreen, hindi mo naiintindihan! A-ang tunay mong ama ay may pamilya! P-pumatol ako sa may asawa na...” napayuko ako sa sobrang sakit ng nararamdaman ko.








Sobrang bigat sa dibdib. Kinabog kabog ko ang dibdib ko baka sakaling maiwasan ang sakit.










“A-alam ba niya? Alam ba niya na nabuntis ka niya!?” sigaw ko pero umiling lang ulit siya. “I-iyong pamilya niya? A-alam ba nila na may namamagitan sa inyong dalawa?” tanong kong muli.







“H-hindi, ewan hindi ko alam kung sinabi niya. Pagkatapos lang naming magtalik ay para siyang natauhan at pinauwi na ako rito sa pinas.” pinahid ko ang mga luha ko at tumango tango.









“A-ang tatay ko...anong pangalan niya?” tanong ko, nag angat siya ng tingin sa akin. “K-kung hahanapin mo siya huwag na, hindi ko alam kung nandirito ba siya o nasa ibang bansa—” pinutol ko ang sinasabi niya.









“Pangalan lang ang gusto kong malaman sa kanya mama!” sigaw ko. “Patrick Suarez! Ayan ang pangalan ng tunay mong ama! Mayaman siya at may lahi rin siyang iba! Sige nga Zyreen, kung sakaling puntahan mo siya anong iisipin nila sa'yo?” nag tangis ang bagang ko.








“Na isa kong gold digger! Na ang habol mo ay pera lang! Matanda na ako Zyreen, papunta ka palang pabalik na ako at alam na alam ko na kung paano tumakbo ang mga utak ng mga tao!” iniwan niya ako roon at pumasok sa kanyang kuwarto.









Pumasok na ako sa aking kuwarto at doon nagbihis. Pagkatapos kong magbihis ay dinampot ko ang aking cellphone.








Nakakapagtaka dahil ni isang text kay Dark ay wala akong natanggap, puwera lang 'yong kaninang umaga.







Bakit kaya?










Ako:

Dark are you busy?











I sigh. Gusto ko nang sabihin sa kanya lahat ng nalaman ko. Tama lang naman siguro hindi ba? Boyfriend ko siya kaya dapat niya lang malaman lahat ng bumabagabag sa akin.








Lumipas pa ang sampung minuto pero wala parin akong natatanggap na text. Busy nga kaya siya?








Napagdesisyonan kong mag luto muna at mag saing upang makakain na sila mama mamaya.







Dahil hindi naman sumasagot sa mga text ko ang lalaking 'yon balak kong puntahan nalang muna siya.









Para malaman ko rin kung naroon ba siya o baka nasa Manila nanaman. Napailing nalang ako sa naiisip ko.









Baka nasa hacienda lang ang isang 'yon. Pagkatapos kong magluto ay tinakpan ko nalamang iyon sa ibabaw ng lamesa.










Tiyak na babalik at lalabas rin naman sila papa at mama kapag nagutom ang mga iyon.









Inayos ko ang buhok ko bago lumabas ng bahay at dumiretso sa mansion. Pagkatapat ko sa gate ay agad naman akong pinapasok ng guard.








Bumungad sa akin ang pamilyar na sasakyan na nakaparada sa katabing sasakyan na sakay sakay siguro nila tita Fatima.











Pumasok ako sa mansion at naabutan ko na nag aasaran nanaman si Star at Tray. “Ano ba! sinabi ng ayaw ko e! Go there! Shuu! Stay away from me!” maarteng sigaw ng dalaga.








“No. Put this shirt on first.” naglahad ng puting t-shirt si Tray kay Star. “Ayaw ko! Now go! I want to swim na e!” nakahalukipkip na sabi nito at pilit na nilalagpasan si Trayvon.










Naka two piece lang kasi si Star, maliligo yata sa dagat.






“Sa harap ko lang ikaw pwedeng mag ganyan. O kung gusto mo kahit maghubad ka pa sa harap ko?” he smirk kaya napailing naman ako.









Star was about to speak again when her eyes darted at me. “Oh! Hi ate Zy! Let's go for a swim! I bet kuya is already there na!” sabi nito sa akin at mabilis na hinuli ang braso ko.









Lumabas kami at nagdire-diretso sa dalampasigan. Hanggang sa mapahinto kaming dalawa dahil sa aming nakikita.









“Oh my god! That slut!” asik ni Star. Ako naman ay napatakbo nalang papaalis doon sa lugar na 'yon.









“Oh fuck! Zyreen!” rinig kong sigaw niya pero hindi ko na siya nilingon pa. I can't believe na magagawa niya iyon sa akin.









I'm expecting him to be my pain killer pero bibigyan niya rin pala ako ng sakit.










I wiped my tears away. Kailangan kong maging malakas, I need to be strong dahil buo na ang desisyon ko.









Nasira na ako kaya lulubusin ko na. Hindi ko na iisipin pa kung ano ang mga sasabihin ng iba, basta ang alam ko lang ay kailangan kong makita ang tunay kong ama.

Taming the Wild Waves  Rivera Series#2Where stories live. Discover now