PROLOGUE

7 2 0
                                        

HADES

"Ano pare? Pinansin ka na ba?" Tanong sakin ni Axel.

Nandito kami sa cafeteria at kumakain dahil lunch time. Kakarating lang nya dahil sya ang bumili ng pagkain namin.

Tiningnan ko si Melody at ang mga kaibigan nyang sina Luna at Aurie. Tinatawag ko sya kanina pero sinasamaan nya lang ako ng tingin at saka babalik sa ginagawa nya.

"HAHAHA parang forever na yata sya hindi papansinin ni Melody eh"

Tiningnan ko lang ng masama si Titus saka nagpatuloy sa pagkain. Habang kumakain ako ay nakatingin lang ako kay Melody.Napakaganda ng mga mata nya, matangos ang ilong nya,unang tingin palang alam ko nang napakalambot ng mga labi nya, nakalugay ang mahaba nyang buhok na abot hanggang bewang nya.

Ewan ko ba pero kahit napaka brutal nya ay crush ko parin sya. Kahit napaka cold-hearted nya sya parin iniisip ko. At kahit na hindi nya ako pinapansin ay sya parin ang inspirasyon ko.

"Baka matunaw yan pre" natatawang sabi ni Blade.

Ngayon ko lang napansin na lahat pala sila ay nakatayo na at handa ng umalis habang ako nakatingin parin kay Melody at sumusubo parin ng pagkain ko.

"Tsk, shut up Blade. Tara sa field. Dun sila tatambay"

Agad akong tumayo at sumunod naman silang tatlo. Dalawang taon ko nang hinahangaan si Melody at sa dalawang taon na yun ay may kaunti akong nalalaman sakanya.

Alam ko kung saan sya lagi tumatambay,kung anong paborito nyang kainin, kung anong paborito nyang kulay,yung hobbies nya, at kung pano sya manamit. At oo kunti lang yun HAHAH

Pagkarating namin doon ay umupo kami sa damuhan sa ilalim ng puno. Sa katabing puno sila tumatambay kaya dito rin kami.

Araw-araw ganto. Susundan namin sila ng mga kaibigan nya tapos magpapapansin ako sakanya. Tapos hindi nya ako papansinin. Pero kahit ganun hindi parin ako nawawalan ng pag asa.

"Teka lang ah?" Sabi ko sa mga kaibigan ko saka ko sila iniwan.

Nilapitan ko sina Melody at ang mga kaibigan nya. Napairap lang si Aurie habang ngumiti naman si Luna. Sakanilang tatlo si Luna yung pinakamabait eh HAHAH

"Nandito nanaman sya..."

I heard Aurie mumbled. I just chuckled and looked at Melody's cold yet beautiful eyes.

"Hi Melody"

Ngumiti ako ng matamis na matamis. Yung ngiti na halos hindi na makita yung mga mata ko. Nagulat ako nang tumayo sya at hinarap ako.

"Huwag mokong ginugulo"

Kahit napakaseryoso nya ay mas lalong lumaki ang ngiti sa labi ko. Hindi ko akalain kinakausap ako ngayon ng crush ko!!

"Kahit napaka-cold mo ang ganda mo parin hehe"

Yung seryosong mukha nya ay napalitan ng galit. Nagulat ako nang suntukin nyako sa mukha.

Agad akong nilapitan ng mga kaibigan ko at agad din akong itinayo. Napatayo na rin sila Aurie at Luna.

"Melody tama na... tara na"

Hinawakan sya ni Luna sa braso saka sya hinila papalayo. Kinapa ko yung labi ko. Dumudugo ito. Takte! Napakasakit nun!!

"Grabe Hades! Sa isang suntok lang ng isang babae tumumba ka agad!!"

Tila ba namamanghang saad ni Titus. Tsk, kahit kelan ang sama sama nya!!

"Pre, kinausap nya ako..." tiningnan ko sila ng nakangiti.

MELODYWhere stories live. Discover now