Kasabay ng insidenteng iyon ay inatake sa puso si Ramon Guarin na ama ni Gido. Naisugod pa ito sa ospital ngunit binawian rin ito ng buhay. Ang mga labi Ramon Guarin ay nakahimlay ngayon sa Holy Cross Chapel sa dulo ng siyudad.

Samantalang, inaresto naman sina Gido Guarin at Harlem Durria dahil sa CCTV footage ng pag lalagay ng lason at tangkang pag patay rin kay Hunter Armada noong mismong araw conference meeting sa loob ng kanilang opisina.

Sa ngayon ay huminto na ang operasyon ng Guarin Corporation dahil biglaang pag kalugi nito. Hindi pa alam kung kailan maibabalik ang operasyon ng negosyo ngunit sa tingin ng mga eksperto ay mahihirapan ng maibangon ito.

Hindi pa namin nakukuhanan ng pahayag si Mr. Hunter Armada at Yuji Guarin ukol sa mga pang yayari..

Ako po si Cherry Mae Lawit! Ang reporteen princess ng ADS CGN!AY! Pwede mo na palang iputok! Ahhhhh! Yeahhh! Ching!"

End of report.

"Ano ang plano mo ngayon?" tanong ni Mr. Jeron.

"Gusto ko nang umuwi." ang wika ko habang nakatingin sa sahig.

"Limang araw ay maaari ka nang umuwi at makasama ng iyong mga magulang. Ako na bahala mag sama ng patung patong na kaso laban kay Vann at Gido Guarin. Sa ngayon ay wala na silang ipapalag dahil ang lahat ng ebidensiya ay nasa atin na." ang wika ni Mr. Jeron.

Maya maya ay pumasok naman si Miss Justine sa silid. Apurang apura ito at hingal na hingal. "Grabe, hinabol ako ng media doon sa labas. Lahat sila nakabantay dito para makuhanan ka ng statement. Teka, kamusta ang pakiramdam mo?" tanong niya.

"Masakit.." ang sagot ko

"Alin? Yung sugat mo ba?" tanong niya.

Umiling ako. "Yung buong pag katao ko.. ay masakit." ang sagot ko sabay higa at tumagilid ako patalikod sa kanila. "After ng pag hihiganti ay naka sunod ang sakit, hindi mo iyan matatakasan. Ang tanging magagawa mo lamang ay maging matatag at tanggapin ang mga bagay na naganap na." ang dagdag niya..

"Sinalo ni Yuji ang balang sana ay tatama sa dibdib ni Hunter, kung tumama sa kanya ang tira na iyon ay baka nag aagaw buhay na siya ngayon. Ang relasyon ni Yuji at Vann at hindi na maaayos pa. Para itong salamin na nabasag na, mainam pang itapon nalang kaya pilitin pang buuin dahil tiyak na masusugatan ang kamay ng hahawak dito. Kaninang umaga noong mag kamalay si Yuji ay pumirma na siya ng divorce sa pagitan nila ni Vann." ang narinig kong wika ni Mr. Jeron.

"Alam mo naman, ang kasal ng parehong kasarian ay hindi gaanon kaperpekto dahil madali itong kuhanan ng divorce, iyon ang kalakip ng batas ng pag tanggap dito. Unlike sa kasal ng lalaki at babae na mahabang proseso pang hihintayin. Sa tingin ko ay wala nang pag asa pa si Vann." ang bulong ni Miss Justine bilang tugon.

Hindi ko na pinakinggan pa ang kanilang pag uusap. Sa tuwing ipipikit ko ang aking mata ay kumakabog ang aking dibdib. Hindi ko maunawaan kung ito ang kinatatakot ko na hindi ko alam ang tono ng aking puso, wala na itong direksyon, ang galit sa akin ay nanatili at hindi humuhupa. Kahit anong gawin ko ay hindi ko ito magawang maikalma.

Sa loob ng apat araw ay hindi na ako tumanggap ng bisita. May mga bulaklak na dumating sa aking silid mula sa iba't ibang tao sa Armada Corp. Mayroon rin sa ibang taga hanga. Ang pinaka naka agaw pansin ay sa akin ang pulang kulay asul na rosas na nakaayos ng maganda. "Iyan ay galing kay Yuji Guarin. Dumaan siya kanina para iabot iyan kaso ay tulog ka kaya hindi na kita ginising. Kakalabas lang rin niya kanina at ngayon ay pabalik na siya sa bahay ng mama niya doon sa kabilang siyudad. Since waley nang pera ang lolo mo." wika ni Miss Justine

"Mabuti naman at lumayo na siya. Hindi pa ako tapos sa kanya." ang sagot ko.

Napabuntong hininga si Miss Justine. "Alam mo yang galit mo ay OA na, game over na at nanalo kana. Tama na. Hayaan mo na si Yuji, niligtas niya ang buhay mo. Saka hello, yung pambayad nga sa ospital ay may nag sponsor lang sa kanya. Waley nang yaman ang Guarin. End na ang battle, defeated na sila."

The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon