09 - About Last Night

Start from the beginning
                                    

Tumawa lang si Jeff. "Syempre magkasama kayo. Magkapartner kayo sa project, di ba?"

"But it's over now, Jeff," sabi ni Taray. "Completed na yung projects, so pwede ba, paghiwalayin mo na kami?"

Natawa lang ulit si Jeff. "Ah, last na ito, promise."

"Last na talaga," sagot ko.

"Teka, bakit hindi yata kayo umiinom?" tanong ni Jeff.

Napakamot ako ng ulo. Sa totoo lang, papano akong iinom kung bad trip naman yung kaharap ko.

"Palitan mo yang kasama ko, iinom ako," sabi naman ni Taray.

"Wala namang difference yun," sagot ni Jeff. "Kahit naman sinong kasama natin, pwede tayong mag-enjoy." Pagkatapos, sinenyasan niya yung waiter. "Waiter! Magdala ka nga ng wine dito!"

"Yes, Sir!" sagot naman ng waiter.

Tiningnan ako ni Jeff. "Don't tell me, Jake, mahina ka sa alcohol?"

"Malakas ako," pagmamalaki ko. "Kung yang mga brandy and whisky nyo, kayang-kaya ko yan. Iyang si Ms. Salonga ang tanungin mo. Baka isang shot lang, magkalat na yan dito."

Nagsalubong ang mga kilay ni Taray dahil sa sinabi ko. "Hoy, Mr. Salvador! Kahit babae ako, kaya kong makipagpatagalan sa inuman! Baka ikaw ang bumulagta sa isang shot!"

Napikon ako. "Hinahamon mo ba ko?"

"Oo!"

"Oh, relax lang," natatawang sabi ni Jeff. "Huwag yang daanin sa salita. Daanin yan sa inuman."

Sakto namang dumating yung waiter. May dala siyang isang bote ng brandy, dalawang wine glasses, at isang bucket ng ice.

Napatingin ako sa mga dinala niya. "Walang pulutan?" tanong ko. Hindi kasi ako umiinom nang walang pulutan.

"Gutom ka pa ba, Jake?" natatawang sabi ni Jeff sa kin. "Pero sige. Waiter, dalhan mo nga sila ng special pulutan nyo."

"Yes, Sir."

"Magdala ka na rin ng chaser!" habol ko. Hindi kasi ako umiinom ng alak nang walang chaser.

"Yes, Sir."

"Ay, ang weak," pang-aasar ni Taray sa kin. "May pa-chaser-chaser ka pa. Weak..."

Nainis ako. "Waiter!" tawag ko sa waiter.

"Yes, Sir?"

"I-cancel mo na yung chaser."

"Yes, Sir!"

Mr. and Ms. Complicated (Complete)Where stories live. Discover now