Kabanata 6: ENTITIES

59 2 0
                                    

Matapos kong mai-park ang sasakyan ko sa garage ay napansin kong walang kailaw-ilaw ang buong bahay ko. Bukas naman ang lahat ng bintana ngunit pakiramdam ko ay kinikilabutan ako. Katatapos lamang ng first day ng trabaho at ramdam ko na ang pananakit ng batok ko, sandamakmak kasi ang ibinigay ni Aileen sa akin na mga papel upang ihanay sa bookshelves ng office file ng kompanya.

Napaka hirap mag adjust lalo na ngayon na hindi ko man lang siya malapitan at mahawakan.

"I love you very much Aileen"

iyan ang mga katagang palagi kong sinasabi tuwing nagkakasama kami sa opisina. Hindi namin pinapalampas ang panahong hindi sinasabi o pinaparamdam na mahal namin ang isat isa. And now even a single word nag-aalanganin pa akong magsabi, dahil napaka workaholic niya at tutok na tutok sa lahat ng responsibilidad. Pero naniniwala parin ako na darating din ang araw na masasabi ko sa kanya ang totoo. Im his beloved fiance who died on his way to church.

When i reached the doorknob nagulat ako ng makitang bukas na ang pinto, shit. Mukhang na akyat bahay yata ako, nakapagtataka naman na hindi man lang pina-on ni Tes ang mga ilaw.

Ng mabuksan ko ang pintuan, bigla akong nagulat ako ng sinalubungan ako ng pisik ng tubig.

the fuck??

"HOLY WATER???"

napupuwing ang magaganda kong mata at nakikita kong may mga nakasinding kandila. teka what the hell is hapenning???

"KUNG SINO KAMANG MASAMANG ISPIRITO NA SUMASAPI KAY DONNA UMALIS KANAAA!!"

walang duda, si Aling Tes ang panay ng pisik ng holy water sa akin. Napapa-atras ako sa bawat galaw niya dahil natatakot ako sa mukha niya.

Ano ba? Hindi ako bad spirit!

"Aling Tes. teka lang, teka lang."

hindi ako nasusunog or anything, amg tanging rason ko kung bakit ako napapa atras ay dahil sa walang humpay niyang pasusungab.

"SINO KA??? MAGSABI  KA NG TOTOO!!!!" bigla siyang tumigil at tinutukan niya ako ng matalim na bolo.

teng-ene parang puputok yata ulo ko nito only to find out ma d-double dead ako.

Up In The HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon