The Secret

4.4K 21 2
                                    

The Secret

Maaga akong pumasok ngayon sa university. May tatapusin pa kasi akong report para sa Psych. Dahil sa panunuod ng movie, napuyat ako at hindi ko na natapos ang report ko para mamaya. Habang nakuha ako ng gamit sa locker, kinulbit ako ni Junnie. Nakuha rin sya ng notebooks nya sa katabi kong locker.

" Good morning beautiful." mukhang tapos na sya aa. Kinukulit na kasi nya ko ngayon. Hay nako~ Kaya siguro ako nag-take ng Psychology para gamutin ang baliw kong bestfriend. Katulad nya ang hairstyle nya ngayon. Magulo at sabog.  " Dededmahin mo lang ba ako ha?"

Sinara ko na nag pinto ng locker at ni-lock. " Ok. You have my attention now. What-up?"

Siningkitan lang nya ko ng mata at bumulong, " He's here. At 2 o'clock." Saglit lang. Bakit parang may halo ng kilig ang tono nya. Nako! Hindi lang sya baliw. Malandi pa. Tsk. Kelangan na tong ipagamot.

Ako naman tong si uto-uto, tumingin sa sinabi nya. " Aaaaaah. Si Raniel lang pala ang nasa 2 o'clock. " 

Ang ehem cool daw na si Raniel. Gwapong-gwapo sa sarili habang naglalakad papunta sa building na to. Ow c'mon. Gustong gusto talaga nya ng atensyon. Such a kiddo.

" And?" naghihintay ata sya ng sasabihin ko. Well, naghihintay sya sa wala.

" And?"

Napa-face palm nalang ang bestfriend ko. " Seriously  Miss Catherine Evangelista?! Hindi ka ba talaga naapektuhan sa presensya ng gwapong gwapong si Raniel?! Tiborsi ka beeeest?!"

" Seriously Junniel Alyn Sanchez?! Porke hindi type si Raniel, lesbian na agad?! Hindi ba pwedeng hindi ko lang talaga sya type? Raniel is too mainstream. And I dont like mainstrem. Meaning~"

" You dont like Raniel~" She said it with the tone between a statement and a question.

" Exactly!" and that's a statement. Napa-pout nalang si Junnie. Ow cmon best~ 

" So, hindi mo pala ko gusto." napalingon si Junnie sa pinanggalingan ng boses. At kitang kita ko ang pagka-gulat nya. Kala mo nakakita ng artista. Well, erase that. Artista nga pala si Ran, aside from being a model. 

" Gawd Junnie! Dont drool over that guy." bulong ko sa kanya. Napa-chuckle lang sya. Kilig na kilig pa rin ang baklang to.

" By the way, that's very unusual Miss Catherine." sabi ni Raniel.

" What? Junnie's drool?" tanong ko. 

" No." he took a step closer to me. " That a girl dont like me."

Napa-smirk ako. " Wow! Napaka-yabang mo pala talaga Raniel." Hinawakan ko ang kamay ni Junnie. " Let's go, Junnie. Masyadong malakas ang hangin dito. Baka mahagip pa tayo ng ipo-ipo." Tiningnan ko ng masama si Raniel . " Excuse me, MISTER Oh-so-gwapo!" I rolled my eyes at buong pagtataray na umalis.

Pagdating namin sa room, hindi pa rin tumitigil si Junnie sa kaka-daydream sa napakayabang na lalaking yun. Grabe lang ha! Hindi dahil artista at model sya ee gusto na sya ng lahat. My goodness! Ano bang tingin nya sa sarili nya?! Isang lalaking hinulog ng langit at naging blessing sa lahat ng kababaihan?! Well, asa sya! Dahil hindi ako tulad nila.

Weeew~ Na-s-stress ang beauty ko sa kanya.

Hindi ko na inistorbo si Junnie sa paggagala nya sa mundo nila nung Raniel na iniimagine nya ngayon. Kinuha ko nalang ang laptop ko at nag-umpisang gumawa ng report. Sigurado kasing mapapahiya ako mamaya pag hindi ko nagawa to. Ako pa naman ang bagong laruan ng prof namin at ng isa kong mapang-asar na classmate.

Maya-maya, dumating na si Miss Jessie at saktong tapos naman ng report ko. Weeew~ Muntik na ko dun aa.

" Ok. good morning class. Di ba sinabi ko na hindi ako mag-le-lecture ngayon at makikinig nalang sa report ni Miss Catherine."

Our Secret Relationship [A Kathniel Story]  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon