Si Herm, aka Jopay pero ang real name ay Hermogenes, ang pinambato ng Monteblanc High sa interschool talent competition. Hindi lang simpleng certificate o tropeyo ang mauuwi ng mananalo, may naghihintay ring P20,000 cash prize at jacket kay koya Wel.
Kay Herm iyon. Fingers crossed.
Kaya nga halos araw-arawin niya ang pag-eensayo e, tuwing uwian sa rooftop ng apartment, kasama ang mga parloristang mamshies. Na kahit parang nananadya ang langit at may manaka-nakang pag-ulan tuwing rehearsal galore gora lang, push for the 20k. Who knows baka sa actual event, gumanda ang weather.
Scam 'yon ni koya Kim. Hindi lang sa 'di kagandahan ang weather, hindi rin kagandahan pakiramdam ni bakla that day. Siguro nasobrahan siya ng kain ng hotdog o sadyang magagaling lang ang mga competitors? Ewan niya. Pero kaya ba ng them others ang magbalanse sa kawayan na parang monkey-eating eagle?
Hindi. Siya lang.
Kaya ba nilang maglabas ng baby pink na liwanag out of the circling cloud above at ihinto ang oras at mag-levitate at higupin siya pataas at magising na lang sa ibang dimensyon at makarinig ng cheer that goes something like, 'Nagbalik na ang Batla!' or whateva?
Hindi. Hindi iyon kasama sa props. Hindi iyon scripted. At hindi maaaring siya ang tinatawag nilang Batla na magliligtas daw kuno at 'di umano'y magbabalik ng katiwasayan sa kanilang mundo.
Pero pa'no kung siya nga?
Shuta.
VOCÊ ESTÁ LENDO
Batla (complete)
FantasiaIsang baklang nasa kalagitnaan ng talent competition ang mapapadpad sa kabilang mundo para tuldukan ang kasamaan ng hari. Diumano'y siya raw ang Batla, ang pinakamalakas na nilalang na magbabalik ng kapayapaan sa mundo nila.
