"Malaki rin ang utang ko kay Donya Briguela. Pag katapos nito ay babalik ako sa kanya at mabubuhay ako ng payapa, ng tahimik. Pero sa ngayon.. lintik lang ang walang ganti." ang wika ko sabay pasok sa sasakyan.

Tuloy ang byahe namin patungo sa main building mga Guarin, ikinalma ko ang aking sarili. Kung ano man ang mangyari ay sisiguraduhin bibigyan ko ng hustisya ang pag kamatay ng ama ni Donya Briguela at pati na rin ang ginawa niyang pag papahirap sa akin. Si Gido Guarin ay isang taong may maamong mukha at pangit na pag uugali.

Pag dati nating namin sa malawak na bakuran ng mga Guarin ay agad kaming sinalubong ng kanilang mga tauhan at empleyado, lahat sila ay masayang bumati at kumamay sa akin.

Ang unang sumalubong sa akin ay ang CEO ng Durria Corp na si Harlem ang ama ni Vann. Sinundan ito ni Theresa na asawa ni Gido Guarin. Kinamayan niya ako at napatingin siya sa aking mukha. Maya maya ay hinaplos niya ang aking pisngi, wala akong salitang nakuha sa kanya bagamat ramdam ko sa kanyang haplos na nakikisimpatiya siya sa aking nararamdaman.

Ang pinaka huling lumapit sa akin ay si Gido Guarin kasama ang kanyang anak na si Yuji. Kapwa sila kumamay sa akin, ang tingin ni Yuji ay hindi matatawaran, may pag aalala, may takot, may galit hindi ko maunawaan..

"Welcome sa Guarin Corporation." ang wika ni Gido Guarin.

"Salamat" ang sagot ko at sabay sabay kaming pumasok sa conference room.

Pag pasok namin dito ay agad na bumulaga sa akin ang isang matandang lalaki nakasuot ng suit at naka upo sa wheel chair. "Mr. Armada, ito ang aking ama na si Ramon Guarin, ang haligi ng buong Guarin Corporation, sa kanya nag mula ang yaman ng mga Guarin at siya rin ang nag pundar ng lahat ng ito." ang wika ni Gido at dito ay umupo kami.

Sa isang malaking conference room ay nabibilang lang ang nasa loob. "Ako, si Mr. Jeron, si Yuji, sina Harlem Durria, Gido Guarin at ang ama niya si Ramon. Ang iba ay mga stock holders ng Guarin Corp na umaasang maisasalba ang kanilang baon na kompanya.

Kinamayan ako ng lahat..

At noong maka upo kami ay nag serve ng pinaka mahal na wine ang waiter bilang tradisyunal na pag welcome sa mga matataas na bisita ng korporasyon.

"Mr. Gido Guarin, aware ka ba sa standing ng inyong korporasyon ngayon?" tanong ko.

"Oo, Mr. Armada. 20% na pag aari ng ibenenta upang ipang tulong nawala na Durria Corporation. 30% naman ay ibinayad sa aming pag kakautang, sa mga expenses. Ngayon ay nasa 50% na lamang ang standing ng buong corporation. Nag bawas na rin kami ng mga tauhan upang maiwasan ang sagarang pag kaluge." sagot ni Gido.

"Himayin natin ang mga pangyayari kung bakit sumadsad ang Guarin Corporation. Mr. Jeron maaari bang ipaliwanag mo sa kanila ang lahat ng ating findings habang binabayaran natin ang kanilang mga pag kakautang.." utos ko.

Tumayo si Mr. Jeron at hinawakan ang mga dokumento. "Unahin natin ang lihim na sikreto ng Durria Corporation, isang sikreto kami lamang ang naka tuklas at walang nakaka alam nito kung ang Armada de Sobiel at ang Huang Yi Corporation sa China. Bago pa maganap ang Political Marriage sa pagitan nina Yuji Guarin at Vann Durria ay mayroon nang malaking pag kakautang ang Durria Corp sa Huang Yi. At ito ay nilihim ni Harlem sa ama ni Yuji dahil umaasa siya na maibabangon sila ng Guarin Corp. Narito ang summary ng lahat ng kanilang obligasyon." ang wika ni Mr. Jeron sabay abot kay Gido Guarin ang dokumentong nag lalaman ng sikretong pag kakautang ng kaparehang korporasyon.

(Napatingin si Gido kay Harlem at kitang kita sa mata nito ang galit dahil pinag lihiman siya ng kaibigan. Samantalang si Harlem naman ay nanginginig at umiinom nalang ng tubig.)

Tuloy sa pag sasalita si Mr. Jeron.

"Sa pag iisang dibdib nina Yuji Guarin at Vann Durria ay nag karoon ng pag sasama at pag iisa ang dalawang korporasyon ayon na rin sa kagustuhan ni Gido Guarin, siya mismo ang nag propose na pag samahin ang Guari at Durria Corp upang maging isa..

Isa hanggang tatlong taon ng pag sasama ng dalawang korporasyon. Tumaas ang statistics ng negosyo, napayagpag sila sa international market at talagang nahila pataas ng Guarin ang Durria.

Ngunit pag sabi ika apat na taon ay maraming nag sulputang mga korporasyon at kompanya ng fuel, krudo at langis sa international market, dumami ang kalabang ng Durria hanggang sa bumagsak na sila at bumaba ang kanilang mga sale. Dahil natakot ang mga Guarin ay ibenenta nila ang 20% ng kanilang ari arian bilang pag suporta sa Durria. Ginamit ito ng Durria para mag innovate at humabol sa mga kanilang mga competitors ngunit sa kasamaang palad ay hindi pa rin kinaya.

Limang taon, lumubog ang Durria at sa kagustuhang maibawi ng Guarin ang nawalang 20% sa kanila ay nangutang sila sa malalaking korporasyon katumbas ang kanilang 30% na ari arian. Kaya tama ang statement ni Mr. Gido Guarin kanina na mayroon na lamang silang 50% natitira. Sa makatuwid ay hinila pababa ng Durria Corp ang mga Guarin hanggang sa pareho silang sumadsad sa pinaka ilalim. Sa huli ay mukhang nag kamali si Gido Guarin sa kanya plinanong political marriage sa kanyang anak.

At dahil dito ay batid namin na kailangan ng tulong ng Guarin at Durria Corp, kaya nag magandang loob si Mr. Hunter Armada na bayaran ang malaking pag kakautang ng Durria Corp upang makabangon ito. Ngunit ang 70% ng Durria Corp ay nakapangalan na sa Aramda.

At tungkol naman sa mga Guarin ang 20% ng inyong ibenta ay binili lahat ni Hunter Armada, at ang 30% na inyong utang ay binayaran rin niya. Kaya ngayon ang 50% ng Guarin Corp kasama ang ilang hotels at Airline ay naka pangalan na rin sa Armada.

Sa makatuwid, ang 120% ng total 200% ng combined corportion ay nasa pangalan na ang Armada Corp.

Narito ang mga opisyal na dokumento na nag sasaad ng lahat ng pag kakautang ninyo. At may pirma na rin iyan ni Mr. Hunter Armada, iyang ang pinaka official documents na nag papatunay na kayo ay clear na sa pag kakautang. Ang mga dokumentong ito ay napaka halaga kaya't dapat itong ingatan." ang wika ni Mr. Jeron sabay pakita ng orihinal na dokumento kina Gido at binasa nila ito pinirmahan.

"Kung ganoon ay clear na, ang 50% ng Guarin Corp at 70% ng Durria ay sa akin na. Isang magandang balita iyon diba?" tanong ko sabay kuha sa aking wine at itinaas ito.

Kinuha rin ni Mr. Jeron ang sa kanya at itaas ito.

Itinaas nila ang kanilang mga baso..

"Para sa isang matagumpay na pag sasama! Cheers!" ang wika ko

Sabay sabay kaming uminom..

Ngumiti ako kinuha ang mga dokumento sa kamay ni Gido pero inilayo niya ito. Kasabay nito ang narinig kong pag bagsak ng basong hawak ni Mr. Jeron, natumba ito bumula ng bibig..

Nanlaki ang aking mata ay dito ay nakaramdam na ako ng init sa aking lalamunan, tiyan at lamang loob.

Tumulo ang aking laway na nawala ako sa balanse.

"May lason ang wine!!" ang wika ko habang nakatingin kay Gido na blangko ang mukha habang pinapanood ako..

Nakangiti naman si Ramon..

Natumba ako sa sahig..

"Paaaa! Ano to! Anong ginawa niyo!! Blassss!! Tumawag kayo ng ambulansiya! Bilisan niyoo! Papa ano tooo!!!" ang sigaw ni Yuji habang unti unting sumusuka ang aking bibig.

Nag wala si Yuji at nilundag ang ama! "Ikinahihiya kitaaaa! Ginamit mo na ngaaa ako pumatay ka pa ng taaaaaooo! Halimaw kaaaaa!!"ang sigaw nito.

"Tumigil ka Yuji. Idea ni papa ang lahat ng ito. Para sa ating buhay, para sa ating kompanya!" ang sigaw ni Gido sabay sapak sa anak.

"Sige, tapos ang meeting na ito. Ang lahat ng dokumento ay itago ninyo, palitan ang pangalan at ipalabasin na ang Armada ang may utang sa atin ng 120%. Madaling baligtarin iyan, napaka dali." ang wika ni Ramon Guarin habang naka ngisi.

Itutuloy..

The Handsome Flower BXB 2020Where stories live. Discover now