Tahimik..

Napabuntong hininga ako..

Naupo ako sa sofa at kinuha ang aking organizer. Nag sulat ako dito habang hinihintay ang aking sasakyan patungo sa main building ng Guarin at Durria Corp.

"There comes a time in every life when the world gets quiet and the only thing left is your own heart. So you'd better learn to know the sound of it. Otherwise you'll never understand what its saying."

Ito ang mga katagang isinulat ko batay sa nararamdaman ko ngayon. Sa mga oras na ito ay halos hindi ko na maunawaan ang tunog ng aking puso. Para itong isang magulong musika na hindi mo nanaising pakinggan dahil masakit ito sa tainga. At batid kong sa mga susunod araw ay mas lalo pa itong gugulo hanggang sa hindi ko na siya maunawaan pa.

"Tayo na Mr. Armada." ang wika ni Mr. Jeron.

"Ang mga dokumento dala mo na ba?"

"Opo master, ang lahat ay maayos." ang sagot niya

"Kung gaano ay tayo na, sa tingin ko ay magiging mahabang araw ito para sa atin." tugon ko sabay sakay sa sasakyan.

Habang nakatanaw ako sa bintana ay nadaan ko ang aming dating eskinita kung saan ako umuwi. Halos ilang taon na rin mag buhat noon. Dahil may oras pa naman ay bumaba ako dito at lumakad katulad ng dati kong ginagawa..

Pag tapat sa dating pwesto ng aming bahay ay wasak pa rin, walang pag babago. Hindi tinayuan ng kahit ano, basta sinadya lang wasakin para kami ay walang matirhan. "Dito kami nakatira dati, ipinasira ni Gido Guarin ang aming bahay at wala ni isa ng tumanggap sa amin maliban kay Bam. Ngunit sa kasamaang palad ay napahamak rin ang kanilang negosyo dahil tumulong ito sa amin.

Noong gibain ng aming bahay ay may naiwan utang si mama at wala na rin kaming malilipatan dito sa siyudad kaya naman kinailangan namin ng pera para kami ay makaalis dito. At dito pumasok sa aking isipan ang isang desisyon na mag benta ako ng kidney para mayroon kaming pamasahe, para makalayo. Tuwing kumikirot ang sugat sa aking tiyan at kumikirot rin ang aking puso. Dahil ang akala ko ay walang katapusan ang pag hihirap na iyon." ang wika ko habang nakatanaw sa mga labi ng aming lupang tinitirahan. Halos gumuhit ang ibayong lungkot sa aking mga mata habang isa isang iniuukit sa aming isipan ang dating anyo nito.

Tinapik ni Mr. Jeron ang aking balikat. "Ngayon ay iba na ang sitwasyon. Lagi mong tatandaan na ang mga naganap sa nakaraan ay matatali na lamang dito. Ang mahalaga ay mayroon kang aral na napulot mula sa mga karanasang iyon." wika niya.

"At ang aral na iyon ay maaari kong gamitin para mas maging malakas."

"Tama ka doon." tugon niya.

"Balang araw ay maitatayo ulit ang bahay na iyan. At ang memorya mo ay mabubuong muli. Tara na, marami pa tayong sisimulan." ang wika niya.

"Mr.Jeron, maraming salamat po sa lahat ng tulong mo sa akin. Para sa iyo ito, regalo namin ni Donya Briguela." ang wika ko sabay abot ng isang papel.

Tingnan niya ito at binasa. "Buong puso namin ipinag kakaloob sa iyo yung hotel sa Japan. Pag yamanin mo iyon para sa iyong pamilya." ang wika ko sabay yakap sa kanya.

"Salamat sa inyo ni Donya Armada, alam mo ba na ako ay nag mula rin sa bakuran ng mga Guarin, isa akong janitor doon sa isang negosyo nila pero itinapon nila ako dahil isa lang akong mababang uri ng tao. Wala namang nakaka kilala sa isang taga linis na katulad ko dahil ako ay dinaan daan lang ng malalaking tao habang nag lilinis ng sahig. Noong wala na akong matakbuhan namasukan akong hardinero sa bahay ni Donya Armada at dahil sa aking katapatan ay pinag aral niya ako at tinuruan sa kanyang negosyo. Malaki ang utang na loob sa kanya at nangako ako na mag lilikod sa abot ng aking makakaya." ang wika ni Mr. Jeron.

The Handsome Flower BXB 2020Where stories live. Discover now