Nang makaupo kami ay nagngingiti na itong si Mila. Weird. Kani-kanina lang ay inis na inis siya tapos ngayon ay abot-abot ang ngiti niya parang kinikilig. Nakita niya ba si Yohan? 'yong crush niya? Ipinalibot ko naman ang tingin ko sa cafe pero wala akong makitang Yohan sa paligid.

"Oh bakit ka nakangiti ng ganiyan? Wala naman si Yohan dito ah?" taka kong tanong sa kaniya.

"Hindi, hindi ito tungkol kay Yohan. Tungkol ito kay Simper." Simper? Sino naman 'yon?

"Simper? Sino naman 'yon? Bagong crush mo ba?" usisa ko naman.

"Hindi! Ano ka ba, bet ko si Simper para sayo" sinundot niya pa ako sa tagiliran nang sabihin niya 'yon.

"Hindi ko nga 'yon kilala e" sagot ko naman habang nakapangalumbaba.

"Yung lalaking nakabanggaan ko kanina! Si Simper 'yon, nasa Grade 12 din siya katulad natin, pero ABM ang strand niya" wika naman niya.

"Paano mo naman siya nakilala? Ngayon ko lang nakita ang mukha niya ah?"

"Dahil kay Marie, alam mo naman 'yon dakilang usisera kaya ayon pinag uusapan nila kanina sa classroom tapos rinig na rinig ko. At kung nagtataka ka kung bakit ko namukhaan, eh dumaan lang naman siya sa classroom tapos sabi ni Marie ay 'yon daw si Simper. Transferee siya, kahapon lang" kwento niya.

Kaya pala hindi siya pamilyar sa akin.

"Ah ganoon ba." tamad kong sagot.

"Hoy ano ka ba! Gwapo kaya non, bagay kayo" kinikilig niyang saad.

"Aba't hinanapan mo pa ako ng makakapartner ah" inis kong saad sa kaniya.

"Magtatandang dalaga ka niyan e. Hindi ka man lang nagkaroon ng crush nako" saad niya.

Kumain ako ng velvet cake at hindi ko na siya pinansin kaya ayon inirapan ako. Ano ba kasing nasa isip niya at ishinip pa ako don sa Simper na 'yon? Teka, Simper? Kaya ba Simper ang pangalan niya dahil sa pagngiti niya? The way he smile kasi e.

-

Nang matapos kaming kumain ay agad din kaming umuwi. Dumiretso ako sa kwarto ko para magbihis. Inilabas ko na rin sa bag ko ang mga notebook ko para masagutan ang homework ko. Alas sais na nang matapos ko 'yon. Pero may hindi pa ako natapos sa isang subject.

Dinalaw ako nang antok kaya hinayaan ko na ang sarili kong makatulog sa study table. Tamad na rin naman akong pumunta sa kama.

'Tulong!' boses ng babae ang narinig ko.

'Tulungan niyo ako!' paghingi niya ng tulong at parang hirap na hirap nang huminga. Umuubo din siya.

Hindi naman malabo ang mata ko pero bakit parang biglang nanlabo ngayon? Hindi ko makita ang paligid ko. Blurry.

Nakalanghap ako ng usok kaya napaubo ako. Ang sakit sa lalamunan ng usok na nalanghap ko. Parang pamilyar din ang init ng paligid. Teka... Nananaginip na naman pala ako.

Ibig bang sabihin ang boses na 'yon, nanggaling sa babaeng kamukha ko? Pero bakit hindi ko siya makita? Nanlalabo pa rin ang mga mata ko. Kinusot kusot ko pa ito t nagbabakasakaling makakita nang maayos.

Pero walang nangyari.

Malabo pa rin.

Napaubo na naman ako nang makalanghap ng usok. Wala na akong marinig na boses kaya naglakad lakad ako kahit nararamdaman ko nang painit nang painit ang nilalakaran ko. Bahagya akong napaatras nang may bumagsak sa harapan ko.

"Tu...long" nanghihinang tawag ng babae sa akin. Siya pala ang bumagsak sa sahig.

Tila nanlamig ako nang maramdaman ang paghawak niya sa aking paa.

SIMPERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon