Love Threat: Prologue

2 0 0
                                        


START

"Sila ang sinasabi ko sayo"

Napatingin ako sa dalawang taong kasama namin sa silid. Kilala sila sa larangan ng teknolohiya, sila ang nagsusupply ng mga pangangailangan ng mga militar, pulis at mga taong bahagi ng batas. Ngumiti saakin ang tila may edad na lalaki at dahil wala akong pakialam ay inignora ko ito. Sumimangot naman ang kasama nito na mas bata at mukhang kaedad ko lamang.

"Pwede namang sa iba mo nalang ibigay ang mission na 'to"

Oo, sa iba nalang dahil wala ako sa mood ngayon dahil may mas importante akong inaasikaso kesa sa buhay ng dalawang taong nasa harap ko.

"We will pay you just name it"

Kung pera lang din naman ang usapan mas mayaman ako kesa sa mga taong 'to. Ano bang mapapala ko kung babantayan ko sila? As if naman na hindi sila mamamatay pag tanda nila,

"Chief, sigurado ka ba na kaya nyang gawin ang misyon samin? Baka nga pag nakarinig ng putok ng baril 'to eh mahimatay bigla?"

Ako yung tipo ng tao na walang pasensya at madaling uminit ang ulo. Itinutok ko sa ulo nya ang baril kong may silencer pero bago ko pa mapaputok yon ay napigilan na ko ni Chief.

"Luna! Put the gun down! Please have some patience! At least little patience!"

Hindi ko sya pinakinggan at patuloy lang sa pag tutok ng baril sa ulo nya. Gulat na gulat ang dalawa sa ginawa kong pagkilos dahil masyadong mabilis yon. Im pissed but I remained my cold expression and calm posture. If chief doesn't  interrupted me maybe this guy is a cold corpse by now. I don't  care if he is an heir or a CEO of a big company and a well-known person. If he's rude then he will meet my baby bullets.

"One wrong move and I'll kill you"

Nawalan ng kulay ang mukha nito at tila natakot. I smirked and got the gun down. Tumingin ako kay Chief na hindi makagalaw na para bang pinigil ang paghinga mula ng gumalaw ako.

"Breathe Chief, I won't hurt my client. Oh and as the two of you, alright I'll accept the mission, I was challenged when this dirt here pissed me off. So where's the contract?"

Bago ang contract  signing ay marami pang kondisyon na sinabi ang dalawa na hindi ko kailanman magugustuhan.

"So again I am Sebastian Takishima and this is my son Zaizen Takishima. Sya ang babantayan mo at hindi ako. Sya lang ang hinahabol ng mga Assassin at gusto syang patayin dahil sya lang nagiisang tagapagmana ng lahat lahat ng pagaari ng Takishima empires. Ewan ko ba sa mga baliw na assassin na yan at pinagiinitan ang anak ko"

Napakunot ang noo ko sa sinabi nito. Mga baliw na assassin? Baliw na assassin?! Napakuyom ang kamay ko at napansin iyon ni Chief. Tumikhim ito at sumenyas kay Sebastian.

"Luna please introduce yourself"

Napangiwi ako sa salitang ginamit nito. Pang studyante.

"Ako si Luna sa labas at ako si Uno sa trabaho ko---"

Hindi ko naituloy ang pamatay kong pagpapakilala dahil bigla nalang napatayo ang dalawa at gulat na nakaturo sakin. What's  with them?

"Ikaw si Uno?!"

Magkapanabay nilang sigaw. I sighed in disbelief. Hindi ba sila nasabihan bago sila pumasok dito?

"Ikaw yung Highly paid assasin?!" Zaizen.

"Ikaw yung Notorious  killer?!" Sebastian.

"Ikaw yung Headshot sniper?!" Zaizen.

Tumayo ako matapos kong pirmahan ang kontrata. Hinarap ko silang dalawa at ginawaran sila ng titig ni kamatayan.

"So this is settled then. See you tomorrow"

I turned my back at iniwan silang gulat sa nalaman. Dumeretso ako sa underground hideout ko at pinagpatuloy ang naudlot na gawain.
And now this is it. My final evidence for this shit.
I pressed the button and wait for 30 seconds to hear the person that I bugged.

"Andrei kailan mo ba sya hihiwalayan?! Naiinip na ko! We've been together for freaking 3 years! Hiwalayan mo na sya!"

Boses ng babae ang narinig ko sa transmitter  na hawak ko. Tila isang dagok sakin ang mga sinabi nya. Napahawak ako ng mahigpit sa kawawang transmitter.

"Naghihintay ako ng tamang timing para makipag hiwalay, Trisha. Please kaya mo pa namang maghintay di'ba? Ikaw na ang mahal ko okay? Kaya wag kang mag alala please? Makikipag hiwalay ako sa Anniversary namin promise"

Sagot naman ng lalaki and then I heard a smooch sounds like kissing and moan.

Nanginginig ang kamay kong nakahawak sa transmitter na ngayon ay warak na sa higpit ng pagkakahawak ko. Unti unting naglandas ang mainit na likido sa pisngi ko. Hindi ito ang unang beses na umiyak ako ng dahil kay Andrei. He's my boyfriend for 9 years. 9 years! 9 fucking years! He's been cheating for 3 years now and I've been a martyr for 3 years until now! Alam kong niloloko nya ko pero hinayaan ko dahil mahal ko sya and I am looking forward for our wedding next year pero mukhang hindi na mangyayari pa yon.

"Aaargh!!! Mga hayop!!"

Tuluyang nawasak ang transmitter ng binato ko ito sa dingding. At sa anniversary pa talaga namin sya makikipaghiwalay! That's our 10th year as a couple. Wala syang lusot kay Uno pero pinalusot sya ni Luna.

Uno and Luna has a big difference. Uno is at the dark side of the world and Luna is as bright as the sun shines every morning.

Sa sobrang iyak ay nakatulog ako, nagising ako ay umaga na. Kumilos ako habang iniisip ang mga narinig ko kagabi. Tama na ang mga 'yon para tumigil sa pagpapakatanga. I had enough. Kailangan kong gumising sa reyalidad na hindi lahat ng matagal nang iyo ay sayo pa din hanggang dulo dahil may mga tao pa din na pangahas at aagawin ang pag aari mo. Kailangan kong gumising sa matagal na pagkakahimlay sa panaginip na masaya kami kahit hindi naman na talaga. Kailangan kong harapin ang reyalidad na hanggang dito nalang kami.

"Saan ka galing?! Alam mo bang nag alala ko buong gabi sa pagiisip na baka may nangyaring masama sayo?!"

Bungad nya sakin nang humakbang ako papasok ng bahay.
He's mad and worried that I hoped to be true. Alam kong hindi na yon totoo dahil nga may mahal na syang iba. I looked at him intently in the eyes trying to read what's in his mind. Tss, bakit ka ba nagpapanggap pa na nag aalala ka? Ano 'to? Kailangan munang maging maalalahanin bago mo ko saktan at wasakin? Bakit mo nagawang itapon nalang ang siyam na taon natin? Anong meron si Trisha na hindi ko naibigay sayo? Bakit hindi mo nalang ako deretsyahin? Bakit pinapatagal mo pa? Bakit sa anniversary pa natin?

"None of your business"

Emotionless, I successfully managed to blurt out not minding the pain thobbing my heart. It's like my money, billions of sharp knife are stabbing my whole system.
Gulat itong napatingin sakin na tila ba hindi sanay sa tinuran ko sa kanya. Oo nga pala Luna is sweet while uno doesn't  care. Well I guess he'll  be dealing with uno from now on. Gone is the sweet Luna.

------

First time ko to hahahaha! Sana magustuhan nyo! Halabyuuuu na agad.

-Faeyang 💞

Love ThreatStories to obsess over. Discover now