Ang Pasaway na Pusa

349 5 0
                                    

Sa isang liblib na bayan may isang malaking pusa na pagala-gala. Ito ay si Lara. Dilaw ang kulay nito na may pahapyaw na puti, kumbaga para itong isang mabangis na hayop.

Mahilig siyang maglaro sa kung saan-saan kaya hindi na kataka-taka na makaabot ito sa liblib na lugar, "Tila nag-iisa ka ngayon, Lara." puna sa kanya ng matsing, hindi niya ito kilala kaya hindi niya ito kinausap. "Totoo nga ang bali-balita, salbahe ka ngang talaga."

Humarap si Lara sa matsing at inambaan ito, tila natakot naman ang matsing kaya nagpalambitin na ito sa puno. "Sino siya para husgahan ako, Isa lamang siyang hamak na tagakain ng saging."

Sa kanyang paglalakad ay natunton niya ang isang kubo, pumaroon siya upang tukuyin ang bagay na mga naroon at naisipan niya na din na dito na magpalipas gabi tutal naman ay lagi siyang pinagmamalupitan ng kinikilala niyang amo, hinahagisan siya ng kung ano kaya para mawala ang inis niya sa amo ay kinahiligan niya ang gumala. "Bawal ka dito, bawal ka dito."

Tinignan niya ang ibon na nagsalita, "Gusto mo bang maging hapunan ko ngayong gabi." dahil sa takot ay umalis ang ibon na may pangamba, una sa sarili pangalawa kay Lara. "Bakit napakaraming sagabal sa mga ginagawa ko."

Umismid siya at pakembot na naglakad sa tapat ng bintana, tinalon niya ito at nakita niya ang loob. Dahil sa hangin ay naamoy niya ang halimuyak ng nakahain doon. Hindi na siya nag-atubiling lapitan ito. "Parang ang swerte ko sa gabing ito."

Akmang lalantakan niya na ang pagkain ng may mapansin siya, isang butiki na palapit sa kanya. Sumama ang timpla ng mukha niya kaya bago pa  makalapit ang butiki ay hinarang niya na ito.

"Ano sa tingin mo ang gagawin mo." malakas ang loob niya at may panglalaki sa tinig niya, hindi siya nangangamba na maisahan ng maliit na kaharap dahil bukod sa malaki siya ay isang kalmot niya lang dito ay maaari na itong mamatay. "Umalis ka na kung gusto mo pang mabuhay."

"Huwag mo akong idaan sa laki mo, pusa. Pare-pareho lang tayong nagugutom kaya pabayaan mo na akong makakain." tila narindi si Lara sa atungal nang kaharap niya mabilis niya itong dinakma mabuti nalang mabilis nakaiwas ang butiki at nakapagtago. "Lumabas ka, huwag kang duwag!"

"Sa'yo ba ang pagkain na 'yan para pagbawalan mo ang tulad ko." tumalon ang butiki sa ibabaw ng masarap na pagkain kaya nang humarap si Lara ay mas lalong uminit ang ulo niya.

Ni walang paglagyan ang bilis na ginawa ni Lara para makuha ang sagabal sa pagkain niya, ipit-ipit ng kuko niya ang katawan ni Butiki.

"Papatayin kita para hindi ka na maging sagabal sa akin." Inipit niya pa lalo ito kaya nakaramdam na ng takot si Butiki sa kanyang buhay.

"Aalis na ako." malumanay na sagot ng butiki ngunit hindi naniwala si Lara at walang ano-ano niyang pinaglaruan ang butiki. Sa labis na galit ay nagawa niyang mapatay ang butiki, putol na ang buntot nitong inihagis sa baba ng lamesa.

Sa pagkakataon na iyon ay mas bumilib siya sa sarili niya, pakembot-kembot niyang nilapitan ang pagkain. Inamoy niya ito at ibinuka na ang kanyang bibig. "Walang hiya kang pusa ka! Uunahan mo pa ako sa pagkain."

Isang nakakatakot na hiyaw ang gumulat sa kanya, napatalon siya pababa at pinagmasdan ang papalapit na matanda. Kulu-kulubot na ang balat nito. "Umalis ka dito. Lumayas ka!"

Isang bagay ang nagpaalarma sa kanya, ang pamilyar na ibinato sa kanya ng matanda.

"Walang hiya kang pusa ka! Umalis ka dito." binato siya ng tsinelas ng kanyang amo dahil nahuli siya nitong nililingka ang isda sa lamesa. Labis ang galit sa kanya ng amo, halos lahat ng maaari niyang taguan ay ginawa niya na maiwasan lang iba't-ibang ibinabato sa kanya.

"Matuto kang pusa ka! Hindi sa lahat nang oras ay kailangan mong pumapel sa bahay ko."

"Andito ka nanamang pusa ka! Shoo, lumayas ka na dito."

"Kinupkop kita sa basurahan tapos ito lang igaganti mo sa akin, lumayas ka na dito!" napaluha siya ng dumampi sa katawan niya ang mainit na tubig, nalamyos ang parteng iyon at nawala ang buhok na naroroon. Ilang araw siyang nagpagala-gala, kung saan-saan siya kumakain pero muli siyang bumalik sa bahay ng amo niya at doon siya naging matino pero hindi sa lahat ng pagkakataon.

Muli nanaman siyang nahuli nang kanyang amo at pinagsabihan, ikinulong siya nito sa silid na puno ng mga gamit. Ilang araw din 'yon at nakalabas lang siya doon dahil sa ginawa niyang maliit na butas na kakasya siya. "Andito ka nanamang pusa ka!"

Simula noon ay naging matatag siya sa sarili, nagtuto siyang maglaboy at napariwara na siyang tuluyan. "Wala talaga kayong ginawang maganda!"

Wala siyang napala sa lugar na iyon, walang kasinggulo ang isipan ng mga tao para sa kanila. Hindi nila naisip na may damdamin din silang mga pusa.

Sumandal siya sa may puno at doon naglagi, inisip niya lahat ng ginawa niya at lahat ng pangtataboy na ginawa sa kanya. Bumalik sa ala-ala niya ang kanyang magulang, naisip niya kung nasaan na kaya ang mga ito.

"Sinabi ko naman sa'yo bawal ka do'n." Hindi niya pinansin ang sinabi ng ibon na tumabi sa kanya, kahit gutom siya at gusto niyang kainin ang ibon ay hindi niya nagawa tila nawalan siya ng lakas dahil nalulungkot siya. "Oh bakit naluluha ka."

"Iniisip ko kung bakit ganoon ang mga tao."

"Huwag mong sisihin ang mga tao, ang bawat nilalang sa mundo ay may nagagawang kasalanan katulad mo, hindi mo iniisip ang bawat aksyon na ginagawa mo, marahas ka mag-isip. Isipin mo nalang 'yong ginawa mo sa kaawa-awang butiki, pinaslang mo siya."

"Hindi sa lahat ng oras tama tayo kaya nga diba biniyayaan tayong umunawa sa mga nilalang sa paligid natin para matuto tayong makiayon."

"Isa tayong mga hayop at nilikha tayo para maging katuwang nila pero kabaliktaran iyon sa nangyayari sa akin."

"Pasaway kang pusa, iyon ang gusto mong marinig diba. Baguhin mo ang sarili mo at maging mabuting pusa." Hindi na siya umimik dahil sa bawat sinasabi ng ibon ay tumatama sa kanya, ang lahat nang iyon ay apektado siya.

"Aalis na ako, bumalik ka na sa tirahan mo at maging maganda kang ihemplo sa mga kapuwa mo pusa." tinanaw niya ang paglipad ng ibon at doon nalang siya natauhan, umayos siya at pinagpagan ang sarili.

Kahit madilim na ay sinikap niyang makabalik sa kanila, sa lugar ng amo niya. Sa totoo lang ay mabuti ito sa kanya; pinaliliguan siya nito, pinakain at binihisan. Tinuring siya nitong pamilya bagamat ito lamang talaga siya na matigas ang ulo at hindi marunong sumunod.

Sa pagtuntong niya sa bahay ng amo niya ay ang bagong bersyon niya. Simula noon ay tahimik na lamang siyang nag-aantay na pakainin, minsan din ay pinapaliguan siya at binibihisan.

Bumalik sa dati ang lahat at siya ay masaya na sa bagay na iyon, nang matanaw niya ang amo ay lumapit siya dito at nagpaikot-ikot sa paa nito.

"Ikaw talaga Lara napakasweet mo, halika sa kusina at may pasalubong ako sa'yo." pakembot-kembot siyang sumunod dito at magiliw na pinagmasdan ang ginagawa ng kanyang butihing amo.

"Salamat Lara. Ikaw nalang ang siyang nagpapagaan sa pakiramdam ko, salamat."

The End

Bed Time Stories: Ang AlamatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon