Chapter 19 ♥ Project

Start from the beginning
                                    

"Sinabi mo pa ang alam ko may isa pang lalaki pa yan na kasama"

 

"Di ko sya maabot sa sobrang kalandian"

 

Seriously talaga bang library ito mukhang hindi wala na ba silang gagawin kundi laiitin ang pagkato ko mabuti nalang nasa library ako nakakapagpasensya pero kumokulo na ang dugo ko sa mga pinagsasabi ng mga yan.

 Nagulat ako ng biglang tumayo si james hala saan yun pupunta? tanong ko saka sinundan ng tingin.Napatanga ako ng lumapit sya sa mga babaing yun na walang ginawa kundi paringgan ako anu ba ang gagawin nya baka awayin nya hala.

 Di ko naman marinig ang pinag-uusapan nila ayako naman na pumunta dun baka anu pa ang isipin nung babaing hipon na yun hmmp.

Ang ganda naman ng book na ito My BrokenHearted Heart nkakalungkot naman ang story na ito naiiyak na nga ako habang binabasa nakapagtataka meron dito nito sa library.

Dahil sa binabasa ko di ko na namalayan na nakabalik na sya

"Anu naman ang ginawa mo dun" tanong ko.

"Wala naman may inayos lang" Saka ito ngumiti.

Napakunot-noo naman ako ano kaya nangyari di kaya.... inaway nya?

Kinalabit ko sya napalingon naman ito sa akin "Anong ginawa mo sa mga yun" Tanong ko sabay nguso dun sa mga girls na nagtsismisan.Napansin ko rin na tahimik na sila.

Ngumiti lang ito saka may kinuha "Ito para sayo" sabay abot ng isang plastic bag anu naman ito? 

Binuksan ko na wow mga book dami naman.

Napangiti ako saka tumingin sakanya "Salamat dito ahh maagang pamasko sa akin.

"Your welcome Nahalata ko kasing mahilig kang magbasa" Sabi nito.

Ngumiti lang ako nagkwentuhan kami, nagkulitan ang kulit kasi nitong si james parang ewan natatawa nalang ako.

TING

Tunog yan ng bell.

Nagmamadali akong nag-ayos ng gamit last subject na namin ito hanggang 12:30 di man lang ako nakakain di ko kasi namalayan napasarap ata ang kwentuhan namin nitong si james.

Dali-dali na akong naglakad patungo sa room ko gusto pa sana akong ihatid ni james pero pinigilan ko na nakakahiya naman kalapit-lapit lang naman nito magpapahatid pa ako.

Pagpasok ko pinatitinginan ako kaagad anu na naman ba ang ginawa ko sa mga ito kung makatingin na naman sa kin.

Umupo ako sa seat ko sa may likod since pinalayas na ako ni mr. crazy man sa upuan ko lumipat nalang ako para walang gulo sakit lang sa ulo.

Mabuti nalang dumating ako wala pang teacher. Nagbasa nalang muna ako.

Bigla na naman maingay sa room di na ata yan magbabago 

"Ang hot nya talaga"

"Hiya ang gwapo nya talaga"

"kailan kaya magiging kami"

"Waaa ngumiti sya sa akin"

Napa-poker face ako seriously ganyan nila ituring si mr.C.M in short of crazy man.?.At yun na nga pumasok na sya daig pa ang presidente sa dami ng tagahanga haist.

Nakita kong umupo na si mr. C.M  sa pwesto nya "Good Morning class" Bati nang teacher namin saka pumunta sa may unahan.

"Good Morning Din Mam" Ganting bati namin pero si ano parang naiirita anu baang problema nya hays bipolar talaga nakinig nalang mabuti may makukuha pa akong aral.

"Since kailangan ng Reporting sa subject na ito  kailangan ng tandem sa reporting and eventually magiging project nyo narin ito" Paliwanag nang teacher namin.

"Okay ba ?" Tanong ulit nito. "Yes Mam" 

"Sana makatandem ko ang isa sa kanila" Malanding sabi nung gil na nasa harap ko grabe lang anu yan ginto.

"Oo nga ihh sana ako si Vince grabe ang hot nya" Sabi naman nung isa

Nakikinig nalang ako sa teacher namin  yung iba ang iingay tuwang-tuwa anu naman kaya ang nakakatuwa dun 

"Here's the pairing 

Mr. Del Rosario and Miss.Natalie Cortes.

.

Mr. Dela Rosa and Miss.Cathy Reyes

.

Mr. Cruz and Miss Jewel Falcon

.

Hay ang tagal naman akong tawagin anu ba yan nagugutom na nga ako dito.

"And Mr.Thomas and-"

"Waaa sana ako" Tili nung isa anu ba yan.

"Miss-" Sabi ni Mam isa pa si mam bakit di pa sabihin pinapatagal nakita nya na ngang ang mga classmate ko mukhang tanga na na naghihintay nang kanyang sagot.

Hay naku magsama nga kayo ako wala akong pakialam kahit sino pa dyan yung kapartner ko ang mahalaga makapagpass ng project at makagradute ganun lang yun kadali.

"Bakit sya nakakainis naman" Dinig kong sabi nung isa 

"Hay naku di hamak naman na maganda tayo dyan iww" Sabi naman nung isa.

Huh sino naman ba ang pinariringgan nila ? tanong ko hmmp.

"Miss VERDE"

My Brokenhearted HeartWhere stories live. Discover now