Prologue

121 10 4
                                        


"Hiring po ako ng jowa!" I shouted at the top of my lung. Napansin kong napatingin sa akin ang mga tao sa canteen. Some were shock and some are laughing.

Bigla akong nakaramdam ng hiya kaya tumakbo ako pabalik sa mga kaklase ko. Nagtatawanan ang mga kaklase ko, akala mo hindi sila ang salarin. Wala ang prof namin ngayon, kaya naisipan namin maglaro ng spin the ballpen at dito namin naisipan maglaro sa canteen. I call it spin the ballpen because there is no bottle available at ballpen ang una namin nadampot as the material. Ako ang tinamaan ng dulo ng ballpen at ang dare nila sa akin ay sumigaw na hiring jowa ako. A dare is dare, kaya kahit nakakahiya, ginawa ko parin.

"Tawang tawa kayo ah? Humanda kayo sa akin, gaganti ako" kinuha ko ang ballpen at pinaikot iyon. Ngumisi ako kay Cherry ng siya ang tinuro ng ballpen. Nagtawanan naman ang mga kaklase namin ng magsign of the cross siya.

"Okay! Cherry, I dare you na sumayaw ng twerk it like miley without music, take a video of it and upload it on your social media accounts!"

"Grabe ka talaga magbigay ng dare Kenny! Malupit! Haha"

Namutla si Cherry sa sinabi ko, pero ginawa parin niya. Mukha siyang ewan, sa totoo lang, kaya tawa kami ng tawa. Hanggang maubos ang oras namin, tawa lang kami ng tawa dahil sa mga dare namin.

Hindi pumasok ngayon si Joana, kaya mag-isa lang ako palabas ng school ngayon. Lumampas ako sa building ng Architect students at nakita ko sa may entrance si Sigan. Ang long time crush ko pero unaware sa existence ko. Maki knows him because they are both Architecture students, at matagal ko narin siyang pinipilit na ipakilala ako kay Sigan, pero ayaw niya. Sabi niya hindi naman daw niya kaclose yun, dahil medyo snobber daw ang dating. Siniraan pa sa akin ang crush ko. Pero hinayaan ko nalang, baka kasi kapag kinausap niya si Sigan, sa kanya magkagusto. Sino ba namang hindi? Eh MMM si friend ko? Maganda, mayaman at matalino.

Lumampas na ako sa Department of Architecture dahil alam ko naman na wala akong chance na mapansin ni Sigan kaso may biglang nagsalita sa tabi ko.

"Can I apply?"

Nilingon ko yung nagsalita at napanganga ako ng makita si Sigan. He is smiling at me at muntik ko ng batukan ang sarili ko dahil feeling ko nagdedaydream na naman ako. May gwapo ba naman na nakatayo sa tabi ko. Pero pumitik siya sa harapan ko kaya natauhan ako.

"Ha?" Yun lang ang naisagot ko, di ko kasi naintindihan ang sinabi niya.

"I was there earlier at the Canteen. You said you are hiring a boyfriend. So can I apply?" Nakangiti niyang tanong.

Ginagago niya ba ako? Kasi kung ou, okay lang. Kinilig naman ako ehh.

"Dare lang yun ehh. Nakakahiya nga kanina eh"

"So I am being rejected?" Tanong niya and his smile faltered. Para naman akong kinilig sa isipin na nasaktan siya dahil nireject ko siya pero nakaramdam naman ako ng lungkot dahil sa expression niya.

Ang gulo ko noh?

"I can hire you naman kung gusto mo. Basta kailangan ng interview. Syempre kailangan muna kitang kilatisin noh." Sinagot ki siya ng pabiro, di ko kasi alam ang dapat ko sabihin eh. Nadidistract ako sa amoy niya. Ambango, tas amoy pangmayaman eh.

"When you said interview, you mean I need to court you?" Nakangiti na uli siya pero seryoso ang boses niya. Medyo kinabahan naman ako.

"Uyy nagjojoke lang naman ako" sagot ko dahil pakiramdam ko ang kapal ng mukha ko. Tsaka pag nagpatuloy tong joke namin baka bukas nakaburol na ko. Di ko ma keri eh!

"Too bad I am not joking. I am serious Kenny. Liligawan kita."

Ang seryoso ng itsura niya, pati boses niya. Shemay, di nga ata siya nagbibiro! Nanlaki ang mata ko at nanlambot ang tuhod ko. Ang lakas ng kabog nag puso ko. Hindi ko alam kung san ako mas nagulat.

The fact that he knows my name, or the fact that he is going to court me?

Isa lang ang sigurado ko. Alin man dun ang mas nakakagulat.

Kinikilig ako. Kyaaaaaaaahhhhhhh!

***********

After The HeartbreakWhere stories live. Discover now