Prologue (kuno! XD)

21 2 2
                                        

(A/N: Honestly, di ako marunong gumawa ng prologue. Pangalawa pa lang to sa story ko kasi nga bago sa wattpad. Pero matagal na ‘kong story writer. Haha. Hindi malawak imahinasyon ko. Magaling lang talaga ‘kong magkwento. Halata naman diba? Chos. Osya, simulan na natin to.)

 ~

“Leiiiiiiiiiiiiiiii!”

“Ay anak ng @#$% naman oh!” Sambit ko ng biglang mapabalikwas sa kama ko. “Oo! Bababa na! Teka.” Tumayo na ko at naghilamos. Eto nanaman ang Sabado. Business again, ladies and gentlemen. Fuuu ~

Leila Marie Castillego Rivera, 17 years young, Accountancy student. 2nd year college na ako, my dear readers. Maganda kasi ‘ko kaya ganon. Chuchu lang. Haha.

Bumaba na ‘ko at nakita ko si Ate Lindsay na nag-aayos ng hapagkainan. “Upo na.” Utos niya ng hindi tumitingin sa ‘kin.

“Wow. Goodmorning naman di ba? Err.” Sarcastic kong sabi sabay upo. Umupo naman din siya at kumain na kami. 8 lang naman kami dito sa bahay. 4 na maids, yung 2 driver (driver ni Ate at driver ko) at kami nitong maganda *ehem* kong ate. Wag na kayong magtaka. Dahil uso sa wattpad na wala ang magulang dahil sa business, naki-uso si author. Achuchu.

Habang kumakain kami, nabibingi ako sa katahimikan. Di kasi kami close nito ni Ate. Ewan ko ba diyan, tahimik kasi yan. Oo, opposite ko. Nagulat ako nung nagsalita siya. “Leila Marie.” Panimula niya. Tinignan ko naman siya. Seryoso siguro ang sasabihin ni ate. Buong first name ko e. “May bagong enrollee mamaya. Recruit ni Daddy. Anak ng childhood bestfriend niya. Ikaw na bahala.”

Oo, tama kayo. May-ari kami ng isang kilalang ‘international university’ dito. Mayayaman ALMOST lahat, maliban sa mga nakakapasok through scholarship. “Bakit ako?” Tanong ko sakanya habang binababa ang basong pinag-inuman ko. “Madami pa ‘kong aayusin sa office mamaya. Wala kong panahon diyan.”

“Christopher John Villamayor.” Sabi niya.  Naguluhan naman ako bigla at tinitigan ko siya with my signature look: ‘anong-meron-diyan?’. “Yan ‘yung pangalan nung lalaki. 2nd year din. Acountancy.”

Operation Changing Me! (Success or not?)Where stories live. Discover now