"Itigil mo na yan Mika. Baka makapatay ka." Pagpapatigil ni Ace sa akmang paghahampas ulit ni Mika sa lalaki. Bigla naman itong natauhan at nanginginig na tumingin sa lalaking hinampas niya.

"H-hala. Sorry kuya." Mangingiyak na paumanhin nito at sinubukang lumapit pero pinigilan kaagad siya ni Ace.

"Umalis na tayo rito bago pa sila makahalata." Sumunod nalang si Mika kay Ace at sabay silang nagtungo sa pinto. Tumigil si Ace sa paglalakad.

"Dito ka pumasok, sa likod ako." Utos ni Ace kay Mika na ngayon ay nagulat sa sinabi ng lalaki.

"P-pero Sir Ace! H-hindi ko alam paano lumaban." Lumuluha na ito ngayon dahil sa takot. Bumuntong hininga si Ace at binigyan siya ng baril.

"Kunin mo ito."

"H-hindi. Hindi pa ako nakakahawak niyan." Pigil ni Mika habang tumitingin sa baril.

"Kaya nga ngayon ka makakahawak nito. Gusto mo bang maligtas ang buhay mo? Kunin mo nalang ito." Nanginginig parin ang kamay ni mika at kinuha ang baril na bigay ni Ace. Agad tumakbo si Ace at iniwan si Mika na nakatayo.

Huminto si Ace ng nasa likod na siya ng bahay. Napakunot ang noo nito na walang makitang pinto maski isa.

"Shit?! Paano ako makakapasok rito?!" Inis na bulong nito ha ang palinga-linga sa bahay. Napatigil na lang siya sa kanyang ginawa ng may naramdaman siyang bagay sa kanyang ulo.

Nakatayo ang lalaki sa likod ni Ace habang nakatutok ang baril nito sa ulo.

"Ace." Bulong ng lalaki sapat na para marinig ni Ace. Hindi na makapag-isip ng tama si Ace.

"Gusto mo bang makita ang mahal mo sa buhay?" Nakangising tanong ng lalaki at humalakhak. Hinampas ng lalaki ang batok ni Ace gamkt ang likod ng baril nito. Napasubsob naman si Ace sa damuhan habang namimilipit sa sakit. Napapapikit pa ito.

"Nakakaawa kang tignan Ace Montefalcon. Ang hina mo! Paano mo malikigtas ang mahal mo sa buhay kung hindi ka naman lumalaban?" Pang-iinsulto ng lalaki. Galit na iniyukom ni Ace ang kanyang kamay. Patalikod niyang sinipa ang lalaki at natamaan naman iyon sa paa. Patalon na tumayo si Ace at susuntukin sana ito ng mahagip ng lalaking ang kamao nito.

"Tch! Anong silbi ng kamao mo ku--" Hindi nakapagtapos ng pagsasalita ang lalaki ng mabilis niya iton sinuntok sa panga. Nabitawan naman siya ng lalaki habang nakahawak ito sa kanyang panga na napuruhan. Umigting ang panga nito at galit na tinignan si Ace.

"Hayop ka! Wala kang karapatan na saktan ako!" Galit na wika ng lalaki at tumakbo papalapit kay Ace. Bago siya masipa ng lalaki ay dumapa na ito kaagad at hinawakan ang paa nito. Marahas niya itong hinila hanggang sa masalampak sa damuhan ang lalaki. Kaagad na pumaibabaw si Ace rito at sinuntok. Todo ilag naman ang lalaki. Hindi namalayan ni Ace ang kamay ng lalaki kaya nasuntok siya nito sa mata.

Nakatayo na ang lalaki at nagpalit sila ng posisyon ni Ace. Siya naman ang pumaibabaw rito at binigyan siya ng malakas na suntok na hindi kayang iwasan ni Ace. Napaubo nalang si Ace at nahihirapang huminga.

"Ano?! Lalaban ka pa ah?!" Sigaw ng lalaki at tumayo. Sinipa niya ng paulit-ulit ang tiyan ni Ace hanggang sa sumuka ito ng dugo. Hinila niya ito patayo gamit ang buhok ni Ace. Ididilat na sana niya ang mata nito ng malakas siyang siniko ng lalaki ng ikinawalang malay niya.

Sa kabilang banda naman ay hindi alam ni Mika kung papasok ba siya sa bahay o hindi. Inilagay niya nalang sa kanyang bulsa ang baril at mahigpit na hinawakan ang kanyang kahoy. Ipinangako niya sa kanyang sarili na hindi siya gagamit ng baril dahil labag sa kanyang kalooban ang makapatay ng tao. Dahan-dahan itong pumasok at nakita niya sa di kalayuan ang grupo ng lalaki na masayang nag-iinuman. Hindi siya nito mapapansin kaya mahina itong umakyat. Pagkatapos ay napakagat na lamang siya ng labi habang tinitignan ang mga kuwarto. Sobrang dami nito at kung ibibilang niya ay nasa dalwampu't isa ang kuwarto.

Carrying Mr. CEO's Child✔Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang