Saludo! (Isang Malayang Tula)

560 6 0
                                    

Kalooban ko'y nagagalak,
Paghanga ko'y namumulaklak
Di birong sakripisyo, Aking nasaksihan
Isang kabayanihan,
Ating tunghayan...

Isa, dalawa, tatlo
Araw, Buwan o Linggo
Di matatawarang serbisyo
Oras, Hirap at Sakripisyo
Para lamang mailigtas tayo
Sa pandemyang ito

Kinatatakutang sakuna
Sa atin ay sumasalanta
Libo-libong tao ang nawala
Kaliwat-kanang pagluluksa
Hapis, sakit at pagkaawa
Para sa mga nasawing bigla-bigla

Mga Frontliner nating dakila
Paghanga ko'y di mawala-wala
Puti, asul't pula anuman ang suot nila
Saludo ako sa kanilang pagkadakila

Manatili sana tayo sa ating bahay
Wag na tayong tumambay
Paghugas ng kamay
Gawin nating kaagapay
Huwag na sanang magpasaway
Upang makaiwas sa virus na kaaway

Tamang disiplina't pakikiisa'y
paganahin
Upang problema'y malampasan natin
Pakikiisa't suporta'y ibalato na rin
Nang sa gayu'y magwakas na kalbaryo natin

Mga Frontliner nating dakila
Paghanga ko'y di mawala-wala
Puti, asul't pula anuman ang suot nila
Saludo ako sa kanilang pagkadakila.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 22, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Tula (Saludo) Where stories live. Discover now