Part 1- Chapter 2

Start from the beginning
                                    

tinignan niya ako ng nakangiwi ang mukha, masakit nga ata yung hampas ko sakanya.

"Maria!" tawag niya sakin

oh my.. tumalikod ako at handa ng tumakbo ng bigla akong tumama sa di ko alam kung ano. sa dingding ba o ano?

"aahh! ouch" daing ko at tumingin kung saan ako tumama.

nakatingin siya sakin habang nakakunot ang noo. halatang iritado sa pagkakabundol ko sakanya. may tatlong babaeng nakadistansya sa likod niya, kung di ako nagkakamali mga 3rd year iyon.

agad akong lumayo sakanya at humingi ng dispensa pero tinignan niya lamang ako at nilampasan na parang walang nangyari.

sumunod naman sakanya yung mga 3rd year student na may mga dalang kung ano-ano.

"Harvey!" tawag pa nung isa sakanya pero hindi niya ito pinapansin.

ang sungit naman non, hindi ba talaga yon nabibiro? ano? galit parin siya sa panloloko ko sakanya kanina? tss..

nakatingin pa rin ako sa likuran niyang papalayo hanggang makapasok siya sa room namin nang madatnan kami nila Danica.

"ayan kasi, ayan. masyadong makulit tong si Rauxzan" sabi ni Patrick habang lumalapit sakin. maayos na siya at may mapanuksong ngiti na ulit siya sa mukha niya na gusto kong burahin.

"Bakit ano yun?" intriga ni Danica

"kasalanan mo kaya!" sabi ko at hinabol ko ulit sya para hampasin.

malapit na sya sa room namin nang mapapreno sya sa pagtakbo kaya nahabol ko sya at tuwang tuwa naman akong hinigit ang uniform niya

"ahhh~ tatakbo ka pa ahh, akala-- hmmmpp" tinakpan niya ang bibig ko, hinawakan ko ang kamay niyang nakatakip sa bibig ko tinanggal iyon.

"ano ba?!" sigaw ko ng malakas sakanya kaya tinakpan niya ulit ang bibig ko

nasa likod na namin sina Danica

"may teacher na sa loob, ang ingay mo" sabi ni Patrick at agad namang dumungaw ang isang magandang babae mula sa pintuan ng room namin.

"Sapphire? dito ba kayo?" tanong ng babae

"opo" sagot ni Patrick tsaka ako inakbayan para mukha kaming magkasundong magkaibigan na hindi nag-aaway.

"pasok na kayo, napaaga lang ang pasok ko, may 3 minutes pa naman bago magsimula ang 3rd period" sabi niya nang nakangiti

sino kaya to? bagong teacher? hindi familiar yung mukha niya. ngayon ko lang nakita

"sige po" sagot ni Patrick tsaka ako kinaladkad papasok sa loob ng nakaakbay saakin.

sumunod din naman sina Danica, Jomar at Lea. sa pinaka likod kami nakaupo dahil dun lang ang may bakanteng upuan.

nang makaupo na kami at mukhang wala na namang student na nasa labas ay pumasok narin yung magandang babae at tumindig sa unahan. nakalean siya sa table.

"Magandang umaga sa inyong lahat" panimula niya at bumati rin naman kaming lahat pabalik

"Ako nga pala si Binibining Alyssa Cruz, nagtapos ako ng Ab-Filipino last year at ako ang magiging adviser ninyo sa buong taon, kayo rin ang kauna-unahang estudyante na tuturuan ko, bukod sa practicum ko nang ako'y estudyante pa lamang" pagpapakilala niya. "may mga gusto ba kayong malaman saakin bago tayo magsimula sa pagpapakilala niyo sa inyong sarili?" dagdag niya

may nagtaas ng kamay "ilang taon na po kayo ma'am?" tanong ng isa naming kaklase

"Mag dadalawamput tatlo na ako ngayong taon" sabi niya ng nakangiti

LalalaLoveWhere stories live. Discover now