"Blas, paano? Paanong nag bago ang lahat sa iyo?" tanong ni Yuji.

Lumakad ako at tumayo ng tuwid sa kanyang harapan, ngayon ay mag sing tangkad na kaming dalawa mga bagay na kanyang ipinag tataka. "Ano ka ba Mr. Guarin. Ako si Hunder Armada ang patuloy na nag sasalba sa papatay niyong kompanya. Dapat ay masaya ka diba? Tingnan mo ang itsura mo, nag mukha kang haggard." ang wika ko sabay lapit sa kanya. Sinadya kong idikit ang aking katawan sa kanyang katawan. Gumalaw ang aking mga kamay patungo sa kanyang kurbata at inayos ito. Mga bagay na laging ginagawa ni Blas noon sa kanya.

Nanatili siyang nakatingin sa akin kaya naman nakipag titigan ako sa kanyang mukha na parang mag hahalikan na kaming dalawa. "Nalulungkot ako Mr. Guarin, alam mo wala akong maisip na regalo sa iyo, dahil alam kong mayroon kana ng lahat. Kaya binalot ko ang aking sarili. Ugali ko na kasi yung nag effort sa lahat ng bagay. Ang akala ko ay magiging masaya ka noong makita ako. Pero hindi pala." ang malungkot kong salita.

"Tama na, lumayo ka sa asawa ko." ang wika ni Vann sabay hatak kay Yuji na noon ay nakatulala pa rin.

Natawa ako..

Maya maya ay lumapit ako kay Gido Guarin at ngumiti. "Hindi ka rin ba masaya na makita ako Mr. Guarin?" tanong ko.

"Masaya, masaya akong makita ka Mr. Armada." ang sagot niya.

"Ows! Parang hindi naman e. Alam ko na, halika sumama ka sa akin." ang naka ngiti kong pag yaya. Hinawakan ko ang braso niya at pinaupo siya sa harapan ng entablado. "Para maging masaya ka ay tututog ako ng piano para sa iyo. Hindi ba't mahilig ka sa musika? Hindi ba't sa sariling utak mo ay nasusukat ang estado ng isang tao sa husay niyang tumugtog ng insturmento? Wala akong ibig sabihin doon Mr. Guarin, gusto ko lang ipakita na ako ay totoong upper class at hindi nag papanggap lang." tanong ko sabay lakad sa harap at umupo ako..

Walang kibo si Gido, shock na shock pa rin ito..

"Wala ba kayong mga kamay? Ang ating espesyal na panauhin na si Mr. Hunter Armada ay mag peperform sa atin ngayong gabi." ang wika ng host.

Kinuha ko ang mikropono at nag wika. " I would like to dedicate this song to Mr. Gido Guarin and his beloved son Mr. Yuji Guarin."

Namatay ang ilaw at tumama sa akin ang buong spotlight. Dito ay nag simula na akong mag tanghal. "Ang kantang itong ginawa ng isang Japanese composer at ibinigay sa akin para maging orihinal na piyesa, sana ay maibigan ninyo."

MUSIC PLAYING

SAISHOKARA IMAMADE by Ryu

(VOICE OF BLAS)

Mou modoru koto wa nai
modoru hazu mo nai
"Saigo da yo" to sotto tsubuyaku

Nido to aenai no nara
hontou ni wasuretai yo
Afurederu omoi no subete wo

Waraitai toki wa itsumo boku
Wo nakasete shimau kara
Soshitte boku no kokoro
ga ugokana kunaru

Aitai to omou tabi boku
wa boroboro ni kizutsuku
Wasure you wasuretai wasurerarenai

Nido to aenai no nara
hontou ni wasuretai yo
Afurederu omoi no subete wo

Ang lahat ay tahimik na nakikinig..

Si Yuji ay nakatingin lang at papainom ng wine, si Gido ay niluwagan ang kanyang kurbata na parang hindi makahinga ng maayos.

Waraitai toki wa itsumo boku
Wo nakasete shimau kara
Soshitte boku no kokoro
ga ugokana kunaru

Aitai to omou tabi boku
wa boroboro ni kizutsuku
Wasure you wasuretai wasurerarenai

Shirana katta yo ai suru koto ga
konna ni kuru shii nante

Waraitai toki wa itsumo boku wo
nakasete shimau kara
Soshitte boku no kokoro
ga ugokanaku naru

Aitai to omou tabi boku
wa boroboro ni kizutsuku
Wasure you wasuretai wasurerarenai

The Handsome Flower BXB 2020Where stories live. Discover now