"You don't understand. She care way too much, to the point that she won't let me grow up. Well fortunately, I managed...everybody knows that I love her so much, but she should let me decide for my own." Pangongontra ko sa sermon ni Elgher sakin.
"Mare wala pa tayo sa opisina. Mamaya mo na akong englishin diyan. Pero mare malay mo naman, para din pala sa ikakabuti. Just like what they always say 'mothers knows best' " Dagdag pa ni Elgher.
"Mare gasgas na yang linyang- - -" Napahinto ako sa pagsasalita kasabay ng paghinto ng kotse. Kasalukuyang may nagtitipon-tipon na mga tao sa may gitna ng daanan. Ugat ito ng matinding pagkakabangga ng isang kotse at truck. lumabas kami ni Elgher sa kotse at lumapit sa eksena ng krimin para makahakot ng chismis. Napahinto ako sa pag lapit sa grupo ng tao na nagtitipon tipon sa eksena ng krimin, dahil may isang babaeng nakatayo sa isang tabi na nakakuha ng atensyon ko. Ang suot niya ay isang loose maong jacket, plain black t-shirt sa loob, maong shorts at white adidas shoes. Nakatingin lang ito sa kotse na naaksidente. Nang lumapit ako para makita ang mga nabiktima ng aksidente, ay gulat ko nang malaman ko na yung may ari pala ng kotse ay yung babaeng nakita ko kanina.
"Mare baka pwedeng umalis na tayo dito. Baka sundan pa tayo ng kaluluwa ng mga yan." Takot na pagmumungkahi ni Elgher. Pero hindi ko siya pinakinggan at nakatingin parin ako sa bangkay. Mula sa kinatatayuan ko ay klarong klaro sa akin ang pagpatak ng kanyang dugo mula sa ulo. Tumayo lahat ng balahibo ko nang mapagtanto ko na ang babaeng nakatitig sakin kanina, ay ang babaeng naaksidente sa kotse. Dahil dito ay napalingon ako sa kinatatayuan ng babae kanina. Laking takot ko nang mawala nalang ito.
"Ma-mare, tara na daw." Hinila ko pabalik ng kotse si Elgher.
"Mare, ok ka lang?anong nangyayare sayo? Kilala mo ba yung si ate girl?bakit ganyan ka makareact?" Sunod sunod na tanong ni Elgher.
"Number 1, yes ok lang ako. Number 2, Basta mag eexplain ako mamaya. Number 3 Hindi ko kilala yung babae. Number 4, connected sa question number 2. At dahil nasagot ko na mga katanungan mo, pwede bang umalis na tayo dito?" Pakiusap ko kay Elgher at sinunod naman niya ang kahilingan ko. Dumaan kami sa kfc drive thru para sa promise ni Elgher sakin, na kfc chicken bilang regalo sa birthday ko. Hindi rin kami nagtagal dito at dumeretso na kami sa opisina. Laking tuwa namin pareho na may 15 mins pa kami pagkatapos namin ipark ang kotse ni Elgher sa labas ng kumpanya.
"Buti nalang hindi tayo nalate mare. Hindi ko na alam kung ano ang aabutin ko kay bossing. Pero ikaw, I'm sure you're safe, ehem." Panunukso ni Elgher na naging dahilan para mairita nanaman ako.
"Good morning my beautiful sunshine..." Bati ni Boss Glenn na kasalukuyang nakatayo ngayon sa likod ko, na naging dahilan para mapalingon ako sa likuran.
"my only sunshine. Age could never destroy your beauty. A beauty that make bunch of people feel envy. I hope this year, It will become you and me. happy birthday my precious Hope." Sabi ni bossing Glenn sabay abot ng boquet of pink roses sa akin. Dahil boss ko siya at takot akong masesante ay tinanggap ko ang regalo. Binigyan ko siya ng isang pekeng ngiti kasabay ng pagtango bilang pagbigay respeto sa kanya. Nang maiabot na niya ang bulaklak sa akin ay biglang sumakit ang likuran ni bossing. Sa sobrang hiya niya na ipakita sa akin ang kanyang kalagayan, ay pinilit niyang tumayo ng maayos.
"Thank you po sa bulaklak sir." Pasasalamat ko at napangiti naman siya sakin.
"My precious Hope...because It's your birthday today, I will give you the permission to take the whole day off." Offer ni boss Glenn.
"Ay bengga!! Narinig mo yun mare?!" Masiglang pagrespunde ni Elgher.
"If you want, you can bring your friend and enjoy the day." Dagdag pa ni boss.
"AAHHHH!!! BENGGA MARE!! SIGE NA, TANGGAPIN MO NA!" Sabi ni Elgher habang inaalog alog ako.
"Si-sir I appreciate your offer. I really do but...I can't leave my work. Baka po kasi maging chismis itong offer ninyo, At sigurado po ako na lahat tayo ang malilintikan. Ayoko naman po mangyare iyon." Pagtanggi ko sa alok ni sir Glenn na naging rason naman para sikuhin ako ni Elgher sa likod.
"My precious Hope. Hindi nga talaga nagkamali ang puso at ikaw ang natipuhan niya. Isa kang tapat at masipag na impleyado... Nakikita ko na magiging masipag at tapat ka ring asawa sa hinaharap." Sabi ni boss sabay kindat sakin. Sa mga oras na iyon ay gustong gusto ko nang tumakbo sa basurahan para magsuka.
"Sige po sir. Mauna na po kami sa taas." Pagpapaalam ko kay sir Glenn. Dali dali akong naglakad paalis habang hila hila ko si Elgher. Nang pumasok kami sa front door ay binati kami ng guwardya. Ginamit namin ang elevator at saktong kami lang ang pupunta sa taas.
"Mare, pinakawalan mo ang pagkakataon, I hate you. Day off na sana natin ngayong araw." Patampo niyang sabi at halata sa mukha niya ang sobrang panghihinayang.
"Mare alam mo naman na iniiwasan kong magkautang na loob sa matandang yun diba? Baka maissue tayo na nagte-take advantage tayo sa kumapanya. Paniguradong makakasuhan tayo at mawalan ng trabaho." Pagrarason ko.
"Yung bulaklak tinanggap, yung day off nireject haysh. Baka iniisip nun na ayaw mo mag absent kasi mas gusto mo dito...dahil andito siya ha-ha-ha pustahan tayo."
"Shut up. Kanina pa ako nasusuka doon mare. Pwede ba tigilan mo na ang kakatopic sa matandang yun?" Pakiusap ko. Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa floor kung saan ang opisina namin. Merong mga kaopisina kong napangiti at kinilig nang makita nila ang boquet na hawak ko.
"Ay sana all, sis." Panunukso ng isang babae nakatayo malapit lamang sa elevator. Pinipigilan kong matawa habang umiiling at nakatingin sa baba. Lumakad lang kami ni Elgher deretso papunta sa opisina. Sumabay naman siya samin at nakichika.
"Sis, galing kanino naman yan? Haba naman ng hair." Dagdag pangungulit pa niya sa akin.
"The usual guy." Sagot ko.
"Ew..." pandiriri niya nang marinig niya ang sagot. Napatawa ako bigla dahil sa biglang pagbabago ng emosyon ni Cherry. Mula sa pagiging supportive and kilig bestfriend. Ngayon nandiri nang marinig ang real identity ng secret admirer ko.
"Don't worry, when all of our work is over, I'll throw these flowers straight to the trash bin." Sabi ko habang naglalakad parin papunta sa loob ng opisina at dumeretso sa cubicle ko.
Pagkatapos ng ilang minuto ay nagsimula na kaming bahain ng mga tawag. Habang abalang abala kami sa mga tawag ay biglang kumurap ang mga ilaw. Pati na rin ang computer ko ay nagloloko kasabay ng ilaw. Napatayo naman ako para silipin ang ibang mga cubicles. At hindi rin hindi nagtagal ay may narinig akong sigaw galing sa may pintuan ng opisina. Napatingin ako dito at laking gulat ko nang makita ko ang isang lalaki. Lalaking nakaitim na coat, pulang polo sa loob, itim na slacks, itim na sapatos at itim na sumbrero. Tumayo ang mga balahibo ko nang bigla siyang lumabo.
"E-Elgher...siguro mabuti pa ngang mag day off muna tayo ngayon." Sabi ko habang nakatitig parin sa lalaki. Nang marinig niya ang boses ko ay lumingon siya sakin. Dahan dahang naging grey ang balat niya, lumabas ang itim niyang mga ugat sa mukha, at naging color grey ang kanyang eye pupils at Iris.
"aaaAAAAAHHHHHH!!!!" sigaw ko at tuluyan na akong nawalan ng malay.
AUTHOR'S NOTE: THANKS FOR READING! PLEASE SUPPORT MY STORY UNTIL THE END.
YOU ARE READING
TIMELESS LOOP
ParanormalFor Maria Hope Ibañez, It wasn't easy to face the unkown. Knowing much about what's on the other side of the wall. Taking every soul as a responsibility for life. Without any support to the non-believers...even her own blood. For Erik Ismael Delgado...
CHAPTER 1 (The opening)
Start from the beginning
