CHAPTER 1 (The opening)

74 3 0
                                        

Hope's POV

My name is Maria Hope Ibañez. 22 years old na nakatapos sa kursong Software Engineering. Ever since nung bata pa lamang ako, mahilig na talaga ako sa teknolohiya. Pangarap kong maging software application developer. Nung 9 years old pa lamang ako ay sinubukan kong ihack ang facebook account ng kuya ko. Imbes na kamuhian niya ako sa ginawa ko ay pinasalamatan pa niya ako. Dahil sa ginawa kong iyon ay napigilan namin siya nina mama, na ituloy ang balak niyang sumama sa barkada niya ng walang pahintulot. Nabalitaan namin sa kinabukasan na sumabog ang eroplano na dapat niyang sakyan. Hindi ko maintindihan bakit pinaalam sa akin ang pangyayareng iyon sa pamamagitan ng panaginip. Mas ipinaramdam pa nito sa akin na hindi ako normal. Na naiiba ako sa kapatid ko at sa mga ibang bata diyan. Limang araw bago naganap ang pagsabog ay nakita ko ang kapatid kong sumakay ng eroplano. Hindi pa umabot ng isang oras ay nagsimula nang umalog ang eroplano. Hindi pa lumabas ang oxygen Mask ay sumabog na ang sinasakyan na eroplano ni kuya.

Simula noong iniiligtas siya ng kakayanan kong ito ay naging mas malapit kami at siya ang naging tagapagtanggol ko mula sa mga bully sa school.

Oo, siguro nga tama ang sinasabi ng mga classmates ko noong elementary. I am a freak! Baka kaya hindi mabigay ng pamilya ko ang tiwala at permisyo sa paggamit nito, ay dahil hindi nila maatim na isa sa mga membro ng pamilya nila ay isang halimaw. Pero hindi ko rin maipagkaila na naging masaya rin ako sa buhay ko ngayon. Hindi man naging perpekto ang daloy ng kwento ko pero kuntento na ako sa tahimik na buhay namin ni mama ngayon. Kahit na kinakailangan kong isantabi muna ang pangarap ko.

"Anak, baka naman pwedeng wag ka na munang pumasok. Eh birthday mo naman. Mag day off ka na muna at pumunta nalang tayo ng mall. O kahit saan mo gusto." Pakiusap ni mama habang nagtitimpla ng kape niya.

"Ma, hindi nga po pwede. Mababawasan pa ang sweldo ko dahil diyan eh. Sayang naman, pwede pa natin pang extra sa pagsho-shopping sa susunod." Pagrarason ko sabay higop ng kape. Big fact about me, workaholic ako. Madami akong pangarap sa buhay at may determinasyon.

"Kung hindi na talaga kita mapigilan. Kahit man lang umuwi ka ng maaga mamaya, anak." Pakiusap muli ni mama.

"O sige ma. Susubukan kong tapusin ang trabaho ko ng maaga ha." Napangiti naman si mama nang marinig niya iyon. Dahil malapit na akong ma-late sa trabaho ay hindi ko na tinapos ang agahan na niluto ni mama. Dali dali kong hinablot ang bag at folder na nakalagay sa upuan malapit sakin. Nagmano ako kay mama bago ako tuluyang umalis ng bahay. Pagkalabas ko ng bahay ay nakita ko agad sa harap ng gate namin ang kotse ng kaopisina ko na nagngangalang Elgher Reyes, at Giya Reyes naman sa gabi.

"Mareng Elgher, bilis na baka mahuli pa tayo sa trabaho." Sambat ko pagkapasok ko palang sa kotse.

"Correction! It's Giya. Mareng Giya. Ay sus mare, patay na patay naman sayo si bossing. Lalo na ngayon birthday mo pa, kahit pa siguro mag absent ka keri lang!" Sabi niya na naging dahilan ng Paglakas ng loob ko

"Kahit na, wag natin abusuhin. Matanda na si boss Glenn, wag natin ipadali ang paglibing sa tao." Panenermon ko.

" Ay sus, baka pag nawala yun eh may bagong gwapo na boss ang papalit sa kanya. Yung mas bata at masarap." Malandi niyang tugon.

"Landeeee...tara na mare." Pagtatapos ko ng usapan.

"At dahil birthday mo ngayon, ano ang gusto mong additional breakfast? My treat!" Offer niya na naging dahilan para mapangiti ako.

"Kfc spicy chicken lang with large drink. Keri na mare..." Masigla kong sagot. Hindi nagtagal ay pinaandar na ni Elgher ang kotse.

"Mare, iappreciate mo rin ang pag aalala ng nanay mo. Hindi lahat ng tao sinusuwerte sa pagmamahal ng nanay." Sermon ni Elgher na naging dahilan para mairita ako ulit.

TIMELESS LOOPDonde viven las historias. Descúbrelo ahora