"Mabuti nalang at hindi ka pumayag, alam mo naman noon pa man ay baliw na baliw na ang anak kong si Vann sa anak mong si Yuji. Pinilit niyang kaibiganin ang lalaking Blas na iyon ngunit hindi kinaya ng kanyang sikmura." ang wika ni Harlem at tawanan sila.

Lalong nanginig ang aking kalamnan sa galit..

"Relax lang Hunter. Hayaan mo silang mag usap usap." ang bulong ni Jeron sa akin habang naka tapat ang bibig sa microchip communicator sa kanyang kohelyo.

"Eh nasaan na yung Blas na iyon? Baka naman talagang mahal niya ang iyong anak Mr. Gido." ang tanong ni Jeron.

"Ginamit lang siya ng aking anak. Ginawang parausan. Sadyang marupok ang taong iyon kaya't madali siyang bumigay. Hindi ko na alam kung nasaan siya. Siguro ay nag pakalayo layo nalang dahil wala naman siyang kakalagyan sa mundong ito." ang wika niya

"Natatandaan mo pa ba ang kanyang mukha, baka naman isang araw ay makasalubong mo siya at gantihan ka niya." biro ni Jeron.

"Natatandaan ko ang mukha niya, sino ba naman ang di makakalimot lalot naka record sa aking opisina ang mga taong nag kakasala sa akin." ang sagot ni Gido.

"Ikaw pala ang tipo ng tao na hindi agad nag papatawad Mr. Guarin." biro ni Jeron.

"Alang alang sa aking korporasyon ay gagawin ko ang lahat. Kaya kung magiging partner namin ang Armada de Sobiel ay hinding hindi ito mabibigo dahil si Gido Guarin ay may pag mamalasakit at pag mamahal sa kanyang negosyo." pag pupuri at bubuhat ni Gido sa kanyang sarili.

HOST: Wow, ang daming gift na natanggap ni Mr. Yuji Guarin patunay na marami pa ring nag mamahal sa kanya. At ngayon ay ang mag bibigay naman ng regalo ay ang pinaka mamahal niyang kabiyak na si Vann Durria.

Palakpakan lahat..

Sina Lippi at Evan ay nakataas ang kilay noong lumapit si Vann sa mikropono at humarap kay Yuji..

"Babe, thank you so much sa halos 6 years nating mag kasama. Wala na akong alam na maibibigay sayo dahil naibigay ko na lahat, as in lahat lahat. Sana tanggapin mo itong regalo ko para sa iyo. Isang diamond ring na pinasadya ko pa sa Paris. Ito ang simbolo ng pag mamahalan nating dalawa. I love you." ang wika niya sabay lapit kay Yuji at isinuot niya ang singsing sa kamay nito. Nakangiti si Yuji at saka sila nag halikan sa harap ng maraming tao..

Palakpakan..

"Excuse me Gentlemen, mukhang ako ang huling mag bibigay ng regalo kay Mr. Yuji Guarin." ang wika ni Mr. Jeron

Lumakad ito sa harap ng host ang kinuha ang mikropono. Samantalang naka tanaw lang si Yuji sa kanya at naka ngiti. Dati pa rin ang kanyang anyo, walang pag babago, iba talaga ang nagagawa ng mayayaman, hindi gaanong tumatanda.

"Good evening Mr. Yuji Guarin. Save the best for last, sabi nga nila. Una sa lahat ay pinaabot ni Mr. Hunter Armada ang kanyang taos pusong pag bati sa iyong kaarawan." ang bungad ni Jeron, kinuha niya ang wine..

Itinaas ito..

Kinuha rin nila Yuji,Van, Gido at lahat ng tao sa silid ang kanilang mga baso at itinaas din ito..

"Para sa kaarawan ni Yuji Guarin. We wish you all the best! Cheers!" wika ni Jeron.

"Cheers" tugon ng lahat at sabay sabay silang uminom.

Muling nag salita si Jeron. "Hindi alam ni Mr Hunter Armada ang kanyang ireregalo sa iyong kaarawan kaya nag desisyon siyang ibigay sa iyo ang isang Pyramid na ito na gawa sa purong ginto. Infact, nag desisyon rin siya iregalo ang kanyang sarili sa iyo Yuji, sa iyong asawa, kay Mr. Gido Guarin, kay Mr. Harlem Durria at sa inyong lahat na narito ngayon."

Lumapit sa kanya ang si Gido Guarin, may kinang sa kanyang mata. "Mr. Jeron, ang ibig mong sabihin nandito ngayon si Mr. Hunter Armada?" tanong nito.

"Tama ang narinig mo Mr. Gido Guarin, nandito si Mr. Hunter Armada ang business tycoon at super multi billionaire na nag bayad ng inyong pag kakautang sa mas malalaking korporasyon. Siya rin ang nag pahiram ng pera Durria upang makabangon ito."

Napalunok si Gido Guarin at inayos ang kanyang kurbata. "Mr Jeron nasaan siya? Gusto namin siyang pasalamatan sa kanyang kabutihan." ang wika nito.

Ngumiti si Mr.Jeron.

Nag salita ito.. "Oras na upang makilala niyo si Hunter Armada!! HAIL FOR THE KING!" ang wika nito..

Kasabay ng unti unting pag bukas ng Pyramid ay ang pagiging suspense ng ilaw sa paligid, kumundap kundap ito ay naging kalabog na suspense ang musika..

Dito marahang bumukas ang apat na sulok ng Pyramid kung saan ako naroroon at noong masilayan ko ang labas ay tumayo ako. Suot ang aking magarbong damit na inspire sa kasuotan ng isang hari, balot ng ginto ang aking katawan at nakakasalaw kapag pinag mamasdan..

"Ladies and Gentlemen, Mr. Hunter Armada!" ang wika ni Mr. Jeron.

Dito ay lumabas ako at patingin sa akin ang lahat.

Unang bumagsak ang basong hawak ni Yuji. Kitang kita ko sa kanyang mata ang pag kabigla, napanganga ito at namutla..

Si Gido Guarin ay nakatulala at nakatitig sa akin..

Lumakad ako..

Halos tuloy pa rin ang kalabog ng musika at ang pag patay sindi ng ilaw sa paligid..

Lumapit ako sa kanya at nag wika. "Kamusta Mr. Gido Guarin?" naka ngiti kong bati..

Hindi ito naka sagot..

Nabitiwan niya ang baso sa kamay at nabasag ito sa sahig..

Itutuloy..

The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon