"Harlem, sa tingin ko ay tamang araw para pag usapan iyan. Tama ba Mr. Jeron?" tanong ni Gido.

"Tama iyon. Maligayang kaarawan sa iyo Mr. Yuji Guarin. Balita ko ay ngayong gabi rin ipapasa ng iyong ama ang korporasyon sa iyong kamay. Handa kana ba?" tanong ni Jeron.

Natawa si Yuji "Sa tingin ko marami rami na ring training ang aking pinag daanan. Naka handa na rin ako sa ganoong sitwasyon kung sakaling sa akin ibigay ni papa ang kompanya."

"Good luck sa iyo Mr

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Good luck sa iyo Mr. Guarin at ikinagagalak ko ring makita ang iyong asawa, talagang bagay na bagay kayong dalawa." dagdag ni Mr. Jeron.

Patuloy silang nag usap, habang umiinom ng wine, kitang kita ko na napaka espesyal na bisita ni Mr. Jeron. Halos siya nalang ang kinakausap nina Gido Guarin at Harlem Durria. Mukhang nag papalakas ang mga ito at sumisipsip upang sila ay kalugdan.

"Hunter, okay ka lang ba diyan?" tanong ni Miss Justine.

"Oo, maayos kong nakikita ang lahat mula dito. Bakit nandito sina Biew at Kiro?"

"Kahit tumiwalag na si Kiro sa F4 ay hind pa rin maikakaila na parang kapatid na siya ni Yuji kaya't umattend pa rin siya kahit hindi sila ganoon kaayos." ang sagot ni Miss Justine. "Hunter, huwag mong hahayaang lumukban ka ng mahinang emosyon dahil masasayang lahat. Ngayon ay sisimula mo ang hunter games!" ang wika niya.

"Naka handa ako naumang oras, at titiyakin ko na ako ang victor ng larong ito." ang sagot ko.

Patuloy ang kasiyahan...

Maya maya ay mas lalo pang dumagsa ang mga bisitang bumabati at nag aabot ng regalo kay Yuji. Mayroong nag bibigay ng mamahaling sasakyan,mga branded na gamit, mamahaling alahas katulad noong nakaraang birthday niya.

"Ang Armada de Sobiel ay natutuwa dahil ang mga Guarin at Durria ay patuloy namamayagpag sa merkado kahit na dumaraan kayo sa matinding krisis" ang wika ni Mr. Jeron.

"Sa pag sulpot ng maraming oil mining company sa bansang China, Indonesia, Estados Unidos at Africa ay humina ang aming merkado sa International Market. Ang mga consumers at supplier ay mas pinipili ang bagong produkto kaya medyo tumagilid ang aking korporasyon." wika ni Harlem.

"At damay dito ang Guarin, iyan ang mahirap sa political marriage, mag kasalo kayo sa tagumpay at sa kabilang banda ay mag kasalo rin kayo na babagsak. Ang kailangan dito ay suportahan ninyo ang isa't isa para manatili kayo sa itaas." wika ni Jeron

"Sa tulong ng Armada de Sobiel tiyak na babalik kami sa itaas at muling mamamayagpag. Tama diba? Nararamdaman ko na ang ating tagumpay." ang wika ni Gido Guarin, dahilan para matawa ako..

"Aba't nakapila ang mga nag papamigay ng regalo kay Yuji. Tunay ngang isa siyang espesyal na lalaki." ang wika ni Jeron.

"Ang ilan ay mga taga hanga at ang ilan naman ay mas gusto sa kanya. Naalala ko nga ang isang lalaki noon na patay na patay sa aking anak. Blas yata ang pangalan noon, isang ambisyosong mahirap na nag nanais makasal sa aking anak upang makisawsaw sa kanyang kayaman." ang wika ni Gido.

The Handsome Flower BXB 2020Where stories live. Discover now