Isa..

Dalawa..

Agad akong tumayo at nag tatakbo pababa ng hagdan..

Apat..

Lima..

Nag tatakbo ako sa hallway habang hinahabol at binibilangan ng mga tauhan ni Mr. Guarin..

Labing anim..

Labing pito..

Malapit na ako sa gate, kaunti nalang..

Labing siyam..

Hingal na hingal ako, pinag titinginan ako ng mga estudyante sa paligid. At noong iginawad ang bilang na pang dalawampu ay nakalabas na ako. Sinarado nila ang gate at sinunog ang aking ID..

End Of Flashback

Lahat ng ito ay hindi ko malilimutan at hanggang ngayon nanunuot pa rin sa aking kaibuturan ang lahat. Ngayon ang oras ng pag gabi, dati ay sinira ni Gido Guarin ang lahat noong kaarawan ni Yuji kaya sisimulan ko ring wasakin ang lahat ngayon kaarawan niya. Pag hihirap ang ibinigay kaya pag hihirap rin ang ganti. Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko sila napapa bagsak sa aking mga kamay.

Alas 8 ng gabi noong dumating kami sa hotel kung saan ginaganap ang kaarawan ni Yuji Guarin. "Naririnig mo ba? May cellphone sa loob, dito tayo mag uusap. Pwede mo ring silipin ang nagaganap sa paligid. Chillax ka lang diyan at yung damit mo huwag mong lulukutin jusko 13 million iyan, yung hair ingatan, priority. Mag relax ka lang ha, pag labas mo dito ang lahat ay mag sisimula na." wika ni Miss Justine sabay sara sa pyramid kung saan ako nakalagay. Dumaring ang mga mag lalaking nakasuot ng pang Ehipto at binuhat ako sa bulwagan. Agaw eksena ang malaking pyramid na parang entrance ni Lady gaga sa isang awards night.

Mula sa loob ay nakikita ko ang mga pamilyar na mukha. Naroon sina Evan at Lippi na nakatayo sa gilid at nakikipag mingle sa mga lalaking bisita. Sa kabilang sulok naman ay dalawang pamilyar na mukha ang aking nakita sina Kiro at Biew Yamin, halos matuwa ako dahil nandito silang dalawa.

Sa kabilang tabi ay nandoon sina Erjun, Gavin at ang santo ng mga Fuck boy na si Iverson kasama ang iba pang malalaking tao sa mundo ng pag nenegosyo.

At sa pinaka harapan ay nandoon si Yuji Guarin, katabi si Vann na parang dalawang hari naka upo sa trono. Sa kanilang tabi ay si Gido Guarin na naka ngiti, masayang masaya at kinakamayan ang mga bisitang parating. Ang kanilang ngiti ay masakit sa mata, parang isang lason na ang laman ay makamandag na panlilinlang. Mga peke, gahaman at mamatay tao! Mga kriminal!

Yuji Guarin, dumating na araw ng paniningil ko, ngayon ay makikita mo ang galit ng taong binasura mo.

Kumakalabog ang musika..

Ang lahat ay namangha sa pag dating ng isang malaking pyramid na gawa sa ginto. Noong makita ni Gido Guarin na palapit si Jeron ay agad itong tumayo. Kinambatan niya si Yuji, si Vann at si Harlem Durria upang salubungin ang pinaka mahalagang bisita sa gabing iyon. "Mr. Jeron, magandang gabi sa iyo. Isang malaking karangalan ang makita kita dito ngayon. Nais kong pormal na mag pasalamat sa pag salo sa aming mga obligasyon sa ibang kompanya. At mula sa gabing ito ay umaasa kami sa isang magandang samahan ng Armada de Sobiel, Guarin Corp at Durria Corp." ang bati ni Gido Guarin, ang lahat naririnig ko dahil sa micro communicator device na naka pakat sa kohelyo ni Mr. Jeron.

Lumapit sa kanya si Harlem Durria at nakipag kamay ang matanda. Maligayang maligaya ito dahil nakahiram siya ng pondo para sa pambawi sa kanyang negosyo. "Umaasa ako na magiging maayos ang samahan ng ating mga korporasyon. Kapag nag sama sama tayo ay tiyak na babagsak ang mga kalaban sa international market." ang wika nito.

The Handsome Flower BXB 2020Where stories live. Discover now