Chapter [70] - "Happy Hearts"

Start from the beginning
                                    

"O-kay?" I just said.

"Anyway, I have to go, baka ma-traffic pa ako" Tuluyan na nga akong napafacepalm sa nanay ko na sumakay pa ng kotse.


Pinanood kong umalis ang kotse niya hanggang sa huminto ito sa bahay na kasunod ng katabing bahay namin. Which is Alex's house.


"Oh gosh, Mom!" I said hopelessly.


Pumasok na ako sa bahay ulit at sinubukang gawin na naman ang chocolate dip. This time ay perfect na ang lasa. I'm so proud of myself. Pag nakagraduate ako at naging successful, mag tatayo ako ng isang restaurant na puro dip lang ang binebenta. Naiimagine ko na ang kagalingan ko sa pagluluto ay mae-expose sa media.


Sisikat ako at dadagsa ang mga tao sa mga restaurant ko. Ipapublish ang buhay ko at ang journey ko sa isang sikat na magazine. Kukunin na akong endorser ng iba't ibang products at mag o-open ako ng restaurant sa iba't ibang panig ng mundo! Huwahahaha!


Humalakhak ako sa naiisip ko at lalong cinareer ang paghalo sa deep. Napaka galing kong tao.


Nang makitang sobrang lapot na ng dip ay pinatay ko na ang electric stove at tinanggal ang apron na nakasabit sa leeg ko. Chineck ko naman ang wrist watch ko at nakitang may 2 and a half hours pa ako bago mag simula ang program sa school. Makaligo na nga!


Nang natapos ko maligo ay agad agad akong pumili ng susuotin ko para sa araw na 'to. Dapat maganda ako 'no! Kaya kinuha ko agad ang pink and white checkered skirt ko at tinernuhan ng plain white wrap blouse. Kinuha ko naman ang sneakers ko at sinuot. At para naman sa mukha kong maganda, cheek and tint lang ay okay na. Ganoon talaga pag natural na maganda na.


Agad agad akong bumaba para isalin na ang ginawa kong deep sa lunch boxes, pero ang walang hiya kong kuya na Si Kevin Rey Maurer ay dindutdot ang chocolate na gawa ko!


"Hoy!" Sigaw ko sa kanya.


Nilingon naman niya ako at sinimangutan. "Salamat sa candy." Bored na sabi neto sa akin at umalis na. Candy? Anong candy?


Pag tingin ko sa ginawa kong dip ay sobrang tigas na neto sa kawali. Agad agad nanlaki ang mata ko at sinubukan itong tusuk tusukin gamit ang daliri. Shit! Bakit ang tigas?!


Dinukot ko ang cellphone ko at hindi muna binigyang pansin ang mga text ni Matthew sa akin dahil kailangan kong unahin tawagan ang kagrupo ko.


"Mency tumigas yung chocolate dip na gawa ko, bakit ganon?" Natataranta kong tanong.


"Ano?" Mas natataranta niyang sagot, "Max, baka nasobrahan mo sa luto at halo. Jusko anong petsa na, isang oras at kalahati na lang magsisimula na tayo. Ano na mangyayari?!"


"Hindi ko alam! Kung iningatan niyo sana edi sana di ako nasstress ngayon, bwiset!" Sigaw ko. Hindi ko na siya hinintay mag salita at pinatayan na ng tawag.


Ang hayop na babaeng 'yon. Nag reklamo pa! Kasalanan nga nila kung bakit nag kakaganito ako ngayon! Bakit hindi kaya siya ang gumawa dito?! Siya i-dip ko sa lupa eh. Bwisit!


Mga kalahating oras muna akong tumulala bago nagdesisyong pumunta sa parking para umalis at mamili ng ingredients dahil alam ko namang kakasubok ko kanina ay naubos na ang kakailanganin ko sa chocolate dip na ito.


Pasakay pa lang ako sa kotse ay may bumusina na ng malakas galing sa labas. Agad akong napalingon sa bmw na nakaparada at nanlaki ang mata. Kilalang kilala ko kung kanino 'yang kotse na 'yan.


Living with my Enemies (Boys VS Girls)Where stories live. Discover now