"Both.." ang seryosong sagot niya.

Natawa ako. "Ano iyan? Galawang F4?"

Natawa rin siya..

Alas 9:30 ng gabi noong matapos ang aming dinner at kwentuhan. Lumapit na sa amin si Mr. Jeron at sinabing kailangan ko nang mag pahinga dahil maaga pa kami bukas. Alam kong gusto pa niyang makipag kwentuhan pero wala na rin siyang nagawa kundi ang mag paalam. Samantala, nag pasalamat ako sa kanyang pag bisita at nangako na mag kikita pa ulit kami sa mga susunod na pag kakataon.

"Good night." ang wika niya

"Good night Mr. Cuanzon" ang sagot ko.

"Thank you sa masarap na dinner. Next time ako naman ang taya." tugon niya at bago sumakay sa kanyang kotse laking gulat noong hinalikan pa niya ako sa pisngi. "Friendly kiss lang. Bye." ang pahabol niya habang naka ngisi, mabilis siyang sumakay at kumaway pa sa akin bago umalis.

Habang nasa ganoong posisyon ako ay lumapit sa akin si Miss Justine. "Ah kaya sinugatan mo yung labi mo para makapang akit? At yung kawawang lalaki ay nahulog naman agad."

"Hindi ko kasalanan kung marupok siya. Walang seryosong pag mamahal. Lahat ay lolokohin ka at iiwanan sa bandang huli." ang sagot ko.

"Darling masyado kang nilalamon ng hatred mo kay Yuji. Akin nalang ulit ito ha." ang wika niya sabay kuha sa kumpol na bulaklak, umakyat na siya sa hagdan.

"Miss Justine.." pag tawag ko.

"Bakit?"

"Sa tingin mo ba ay nag bago ako?" tanong ko.

"Oo. Dont worry, parte ito ng pag grow mo bilang isang tao. Ayos lang nag maging matigas at matapang. Pero huwag mong hahayaang kainin ng poot ang iyong buong pag katao, huwag mong gawing bato ang puso mo." ang wika niya habang naka ngiti.

"Salamat." sagot ko.

"Nandito lang ako para sumuporta sa iyo. Goodnight." tugon niya. Isang matamis na ngiti ang aking isinukli sa kanyang mga sinabi. Ngayon ang gabi na nag desisyon ako na simulan ang aking misyon.

At makalipas ang ilang araw ay inikot namin ni Donya Briguela ang lahat ng kanyang negosyo sa iba't ibang sulok ng mundo. Hindi ako makapaniwala na ganito pala talaga siya kayaman. Halos malayo ang narating ng kanyang poot sa mga Guarin at ang ibang negosyo pa niya ay ipinangalan niya sa kanyang ama na namatay noon bilang pag papaalala na minsan siyang pinag malupitan ng tadhana katulad ko.

Ito rin halos ang unang pag kakataon napunta ako sa iba't ibang bansa iyon nga lang ay hindi para mag bakasyon o mag saya kundi para tuparin ang isang kaganapan sa aming mga buhay na bawiin ang kaligayahang ninakaw ng masalimuot na nakaraan at itama ito sa paraang hindi nila malilimutan.

"Katulad ng sinasabi ko sa iyo Blas, matanda na ako para mag higanti, pero sa tuwing makikita ko ang larawan ng aking ama ay napapaluha ako dahil hindi ko man lang siya nabigyan ng hustisya. Ang akala ko mamamatay nalang ako na hindi kikilos at ang lahat ng yamang ito ay iiwan nalang sa aking mga anak. At iyon na ang katapusan ng lahat para sa akin. Salamat sa pag dating mo, sana maitama mo ang mga maling ginawa nila sa atin, itama mo ito sa paraang masasaktan sila, hindi dahil iyon ang tama at dapat mong gawin. Kundi dahil iyon ang nakatakda para sa kanila. Para sila ay mag tanda." ang wika ni Donya Briguela.

"Pangako na hindi ko sasayangin ang lahat ng ito. Sisiguraduhin ko na lahat ay maalala ang pangalan Hunter Armada. At iyon ay mag sisimula sa pinakahalagang kaganapan sa kanilang buhay." ang wika ko sabay pakita ng isang balita sa social media kung saan mag didiriwang ng kaarawan si Yuji Guarin.

"Taon taon ay nag papadala ng imbistayon ang mga Guarin sa Armada de Sobiel. Hanggang ngayon ay wala pa rin silang kamalay malay na ang tao sa likod nito ay ang mortal na kalaban ng kanilang haligi na si Ramon Guarin." ang natatawang wika ni Donya Briguela sabay harap kay Jeron. "Mr. Jeron, ano ang report tungkol sa standing ng korporasyon ng Guarin at Durria?"

The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon