Part 2

6.1K 236 26
                                    

"MA'M GENIL, narito na ho ang mga bagong design para sa susunod na condominium project natin. Paki-check na lang ho. Kung meron pa kayong nakikitang dapat na baguhin o palitan, pakisabi na lang ho sa amin."

Isa-isang tiningnan ni Genil ang mga iprinisintang disenyo ng isa sa pinakamagaling na junior designers ng Garcia Limited. Tumango-tango lang siya habang pinagmamasdan ang mga iyon.

"These are good designs, Armylyn. Isasama ko na ito sa mga designs na ipi-present natin sa kliyente natin." Nakita niyang lumiwanag ang mukha nito. "Huwag ka ng magulat dahil matagal ko ng nakikita ang galing mo. One of these days, kung hindi magbabago ang performance mo, ipo-promote na kita bilang chief designers. Ididispatsa na natin ang mga pangit nating designers dito."

"Ma'm, naman..."

"Joke lang," nakangiti niyang bawi. "Anyway, hindi pa rin magbabago ang isip ko about your promotion. So do your job well, okay?"

"Yes, Ma'm! Thank you, Ma'm!"

"You're welcome."

"Hindi lang talaga kayo maganda, Ma'm. Mabait pa kayo!"

"Sus! Nambola pa 'to. Sige na, bumalik ka na sa trabaho mo bago ko pa maisipang ikaw na lang ang sisantehin ko."

"Huwag naman, Ma'm! Sige po, aalis na ako—"

May nakabanggaan pa itong isang babae nang buksan nito ang pinto ng kanyang silid.

"Ay, sorry, Miss," paumanhin ng bagong dating. "Sorry..."

"Aahh!" tili ni Armylyn nang may kung anong tila likidong kumapit sa uniporme nito mula sa hawak na botelya ng bagong dating. "Mantsa! Mantsa ito! Aahh!"

"Sorry. Papalitan ko na lang iyang damit mo..."

"What's going on in there?" tanong na niya. Tumayo siya at lumapit sa mga ito. Agad niyang nakilala ang sentro na ng inis ng kanyang junior designer. "O, Nissa Jean, ikaw pala inâ."

"Genil!" Kakamot-kamot ito nang iminuwestra ang damit ni Armylyn. "Ano ba ang puwede kong gawin para sa uniform niya? Hindi ko naman sinasadya ang nangyari."

"Pabayaran mo kay Hans," natatawa niyang sagot. Kinuha niya sa kanyang wallet ang buong isang libong piso. "Army, sumaglit ka na lang muna sa katabi nating mall. Bumili ka ng bagong damit na maisusuot mo ngayon kung talagang hindi ka kumportable sa kinahinatnan niyang uniform mo."

Pinagmasdan lang ni Armylyn ang damit nito. "Hindi na, Ma'm. Maliit na mantsa lang naman ito. Matitiis ko pa naman ito kahit paano."

"Sorry uli, Miss."

"Okay lang." Pero tiningnan pa rin nito ng masama ang botelyang hawak ni Nissa. "Bakit kasi nakabukas iyan?"

"Nakausap ko kasi 'yung isang engineer ninyo sa labas. Pinag-demo ako sandali nitong product namin. Nakalimutan ko na lang isara ang takip sa pagmamadaling makarating dito. Pasensiya ka na talaga, ha? Huwag kang mag-alala, talagang ako ang magbabayad niyang uniform mo kung papalitan mo iyan."

"Hindi na. Lalabhan ko na lang siguro ito. Basta sa susunod, make sure na tatakpan mo na ng maigi iyang mga bitbit mo."

"Opo."

Iniwan na sila ni Armylyn pagkatapos. Nilingon naman siya ni Nissa.

"Nakakatakot naman ang mga tauhan mo rito."

"Mana sa amo, eh." Itinuro niya ang bitbit nito. "Nag-demo ka sa isa kong engineer? Ano ba iyan?"

"Mga cleaning agents. The usual stuffs."

Inabot niya ang isang botelyang hawak nito at tiningnan iyon. "Ano ang sabi ng engineer ko?"

"Ewan ko. Si Hans na ngayon ang kausap niya, eh."

Stallion #43:  RICOS CADERAO (Completed)Where stories live. Discover now