11:11

24 0 0
                                    


Meron akong girlfriend. Yes, and I'm super proud of having her. She's not that pretty, but it's fine. Not that sexy, but it's okay. Hindi naman kase talaga ako sa mukha ng isang tao nag babase kung mamahalin ko ba sya o hindi. Si Kyla? Mabait na anak, kapatid kaibigan at syempre na girlfriend ko 'yon. Palagi siyang nasa tabi ko kapag kailangan ko sya, hindi naman literal na nasa tabi ko siya palagi pero sapat na ang mga tawag at text niya sa'kin kapag kailangan ko siya.




She's been with me through my ups and down. Kapag dina-down ko 'yong sarili ko palagi siyang nand'yan pra i-comfort ako. She would always say, "Baby, It's fine. It's okay. I know you did your best, I'm always here for you, okay? you did good." Lalong lalo na kapag may game ako. Pag nag pa-practice palagi siyang nanonood saakin. "Baby saglit lang ha? may kukunin lang ako. I love you." tas pag balik na niyan may dala na siyang towel at tubig para sakin. She always care for me.

Kahit sa pag e-ML ko, suportado ako non. Palagi siyang nag se-send ng Goodluck's at I love you's saakin para daw mas ganahan akong mag laro. Halos yata sa lahat ng bagay support ako non. Kaya mahal na mahal ko 'yon eh.


We're still high school students, sa iisang school lang din kami nag aaral same grade level pero mag ka iba ng curriculum. Kaya hindi gaanon kadali para samin ang mag sama sa lahat ng oras. Pero minsan, pinupuntahan niya ako sa room namin para lang maka pag usap o kulitan kami, ang sweet niya diba? Swerte ko sa kaniya.

"By? Asan ka po?" Tanong niya saakin, kagabi kase nag away kaming dalawa, small things lang naman o misunderstandings, pero kaagad din naman naming inaayos 'yon. Hindi namin pinapayagang matulog ang isa't isa na may problema.


"Nag lu-lunch pa ako, bakit po?" Ganiyan 'yong reply ko sakaniya.

"By, balik kana sa school please. Gusto kitang makita hehehe." Ansarap sa pakiramdam na ganiyan. Gusto niya palaging magkasama kami. Kaya pag message palang niya saakin ng ganiyan, ngumiti kaagad ako at bumalik na ng school.

"Nasa school na'ko by. Asan ka ba?" Hindi kaagad siya nakapag reply kaya nagtaka ako. Pagkalipas ng ilang minuto, "Hoy! may bisita ka sa labas." Sabi saakin ng kaklase ko kaya lumabas kaagad ako. And there she is, waiting for me at may dala siyang milktea at saka burger. Pag ka kita niya palang sakin, niyakap niya kaagad ako sabay bulong, "Sorry kagabi. I love you." kaagad naman akong napangiti inabot niya saakin ang kaniyang dalang pagkain tapos kumain na kami sa loob ng room namin. Medyo nahihiya pa siya kase iba 'yong suot niyang uniform saamin, pero nasasanay na rin naman siya.

"Grabe, alam mo talaga kung ano ang paborito ko 'no?". Sabi ko sa kaniya at pinisil ang kaniyang pisnge, napaka cute naman kase ng girlfriend ko. "Thanks." Ngumiti lang siya saakin. Alam ko kasing nahihiya siya kase naka tingin samin ang mga kaklase ko.

Minsan kapag kasama ko siya, palagi siyang nakatitig saakin tapos nag s-space out. Minsan ang weird niya pero iniintindi ko nalang  siya baka kase may iniisip lang na ibang bagay. "Okay kalang by? you're spacing out again. What's wrong?" Tanong ko sakaniya. Mabilis naman siyang nag buntong hininga saka ngumiti, halatang medyo pilit. "Wala babyyy! Ang swerte ko lang sa'yoo hehehe." Pinisil niya pa ang pisnge ko saka ngumiti, agad din naman akong ngumiti sa kaniya.




"By may problema ka ba?". Tanong ko sakaniya, lately kase  naging cold na siya saakin, hindi naman ganon ka cold pero parang may nag bago sa kaniya. Lalo na ngayon at quarantine, hindi kami masyadong nagkikita at sa chat nalang talaga kami nag uusap. Medyo mahirap, pero kinakaya. Wala namang magagawa kase hindi pa pwedeng lumabas.


"Wala naman. Matutulog na ako, antok na ako eh hehehe." Sabi niya saakin.

"We? Halatang meron, sabihin mo na sakin saka na tayo matulog pag ayos na baby ko." Reply ko sakaniya.

One ShotWhere stories live. Discover now