CHAPTER 6 : The Dream

27 3 0
                                    

Trixie's POV

"Arrghh" napahawak bigla ako sa ulo ko.

Ang sakit sobra.

Parang may kung ano sa dugo ko na gumagapang sa loob ng ulo ko.

"Aaaaaarrghhh" sa lalong pagsakit ng ulo ko ay lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak dito. At dahan dahan kong minulat yung mga mata ko.

Pero.

Pero

Pero bakit ganun. Sigurado akong minulat ko ang mga mata ko.

Pero bakit wala akong makita.

Napakadilim.

Nilibot ko ang paningin ko sa paligid.

Kaliwa kanan.

Kanan kaliwa.

Ang dilim.

Sa muling paglingon ko sa paligid may naaaninag ako.

Banda ito sa unahan.

Ano iyon.

Parang may dalawang bola na nakalutang sa dilim.

Pinikit ko ng maigi ang mga mata ko at minulat muli ito.

Hindi ko parin ito maaninag.

Masyadong madilim.

Madilim?

Pero..
Pero bakit nakakaaninag ako ng kung anong bagay na iyon.

Pinikit kong muli ang mga mata ko at dumilat.

"haaaaa haaa" ngayon ko lang napansin na nawala na ang sakit ng ulo ko.

Pero kinakapos naman ako ng hininga ngayon.

"Haaaaa haaa haaaaa". Napahawak na ako sa dibdib ko.

"haaaa haaa" bakit.. Haaaa.

Tumingin uli ako sa kinaroroonan ng mga bola.

Mas lumiwanag ito.

Parang mas lumalapit.

Ngayon ko napansin na pula ang kulay ng dalawang liwanag.

Papalapit ito ng papalapit.

Haaaa

Pero sa paglapit nito.

Lalo kumakapos ang paghinga ko.

Haaa haaa.

Halos maaari ko nang maaninag ang liwanag dahil medyo malapit na ito sakin pero nanlalabo naman ang paningin ko.

Haaa haaa.

Lalo akong napahawak sa dibdib ko.

Haaaaaa

haaaaa

Unti unti namang bumibigat ang talukap ng mga mata ko. Kasabay rin nun ng paghina ng katawan ko.

" Besssssyy!"

Napaupo ako bigla ng hinihingal.

"haaa.... haaa.... A dream?" sambit ko habang habol ko ang hininga ko.

"Bessyy sa wakas gising ka na!" napalingon ako sa gilid ko at nakita ko si Bessy. Halata sa mga mata nito ang pag aalala.

Inabutan niya ako ng tubig kaya kinuha ko ito at ininom.

"Bessy ayos ka lang?" pag aalalang tanongni bessy.

Ngumiti ako sa kanya at tumango.

Nabigla naman ako kasi bigla niya akong niyakap.

Her Luminous EyeWhere stories live. Discover now