Lighters - TSIYWIOSSMC round 6

2.8K 66 18
                                    

-----------

"I'm sorry Em, pero kumalat na yung cancer sa katawan mo. You only have six months to live. Hindi na din tumatalab yung mga gamot na iniinom mo and you choose not to take a chance on chemotherapy."

Tulala ako habang naglalakad. Parang kahapon lang masaya pa ako. Enjoying my youth. Living life to the fullest. Ang dami dami ko pang gustong gawin pero ngayong tinaninggan na ng doktor ang buhay ko, hindi ko na alam kung anong uumpisahan ko.

I was diagnosed with lung cancer. Stage three na nung nadiscover. Ang sabi ng duktor dahil daw yun sa bata palang ako, expose na ako sa usok tapos maaga pa akong natutong magbisyo.

Barkada, babae, alak at sigarilyo. Yan lang ang mga naging sandalan ko mula nang matuto akong magrebelde sa mga magulang ko. They don't even know I was diagnose with cancer. Sisisihin lang nila ang sarili nila, lalo na si Mommy.

I'm not taking the blame on them, hindi naman nila kasalanan na napariwara ang buhay ko so, I don't want them to blame themselves. Ginusto ko yun, I was the one who chose this path. I chose the path I made and that path lead me to this..

That path is about to end..

Wala na din akong mga kaibigan. Ako na yung kusang lumayo sa kanila. Ayokong kaawaan nila ako. I don't need pity. Hindi ko kailangan ng mga taong kakaawaan ako and then they'll laugh behind my back.

Hindi ko na alam kung saan ako dinala ng mga paa ko. Maybe unconsciously, I'm still finding answers to my problem o siguro sarili ko ang hinahanap ko.

I was walking towards a bridge nung may nakita akong isang babaeng nakaupo sa may handrail nung tulay. It wasn't thick enough para upuan.

'Magpapakamatay ba yung babaeng yon?'

Ako nga naghahanap pa nang paraan para mapahaba yung buhay ko tapos siya inilalagay sa delikadong sitwasyon yung sarili niya?

Inilang hakbang ko yung pagitan naming dalawa. I grab her arms and pull her out of that deadly place.

"Hey!" Sigaw niya. Muntik na akong mapanganga nung makita ko siya nang malapitan. She has the most expressive set of eyes i've ever seen. Nangungusap yet may hint ng pagka misteryosa. Ang nipis din nung mamula mulang labi niya and her nose.. Ang sarap pisilin nung ilong niya sa sobrang liit. Hindi naman sabog yung ilong niya at hindi din matangos. Basta ang hirap I explain. "Hoy Mister! Ano bang problema mo?"

I gulped thrice. Bakit ko nga ba siya hinila? Parang nakalimutan ko na kung ano yung dahilan ko.

"Nananahimik ako dito and you ruin my tranquility! " Damn! Galit na galit na siya pero parang naka slow motion yung paligid. Pota biglang nanikip yung dibdib ko! "Ano ba? Magsasalita ka ba o ngingisian mo nalang ako na parang manyakis diyan?"

Dun ako parang binuhusan ng malamig na tubig. Ako manyak? Ang gwapo ko lang para maging manyakis! Except, pumayat ako nang konti.

"Kung ako manyak, ikaw naman baliw! Anong ginagawa mo diyan? Magpapakamatay ka ba? Alam mo bang may mga taong handang gawin at ibigay ang lahat para lang madugtungan yung buhay nila tapos ikaw sasayangin mo lang?" Galit na sabi ko. Naiinis ako, hindi ko alam kung saan ako mas naiinis, dahil sa pagsasayang niya ng buhay niya o sa pagsabi niyang manyakis ako.

"Anong-" Pinigilan ko siya sa pagsasalita.

"Ako! I'm willing to do everything.. I'd give anything! Para lang madugtungan yung buhay ko. Ang dami ko pang gustong gawin tapos ikaw,magpapakamatay ka lang?!" Sigaw ko sa kanya.

"Anong-" Natigilan siya sa sinabi ko saka siya biglang tumawa.

"May nakakatawa ba sa sinabi ko?!"

Lighters-TSIYWIOSSMC round 6Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon