Mahigit isang buwan nalang darating na ang araw ng pinaka-aantay ng lahat ng ACTISTA. Pero bago dumating ang araw nayon ay pinaghahandaan muna ng lahat ang magaganap na Graduation Ball para sa mga ggraruate. Ako kaya? Ggraduate? CHAR!. Halos may dalawang linggo pa naman para mag-ayos kaya ito pachill-chill pa ako.
“Oyy Raph! kailan mo balak maghanap ng susuutin sa Grad Ball?” bungad ng mukang bumbay kong kaibigan na si Dave. “Sabay ako ne!” pahabol pa nya.
“Diko pa alam” pabiro kong sabe. Pero di ko talaga alam pa HEHE. Pano ba naman diko pa alam kung bibigyan din ako nila mama ng pera. “Diko nga din alam kung aattend pa ako ih” pahabol ko.
“GAGO! Umattend ka!” pasigaw nyang sabe. “Pano ako makakapagpapicture sa crush ko pagwala ka” biro nya.
“Ayan tayo ih, ginago na ako, gagawin pang utusan sa Grad ball” biro ko kay Dave. “Haynaku, wag na nga talagang makaattend” pagbibiro ko ulet.
“Charot lang Raph! ito naman di mabiro” pambobola nya saken. “Basta attend ka ne!” nakangiti nyang sabe saken.
Mayamaya pa ay dumating na ang guro namen kaya natigil naden ang pag-uusap namen ni Dave. Habang nagtuturo si sir sa unahan ay kinausap ako ni Oscar na kalapit ko simula grade 11 hanggang ngayon na grade 12 na kami. Okay naman sya, kyut, masaya kasama kaya nga naging crush ko sya nung grade 11 kami. Don’t mind the past ditto tayo sa present. CHAR. So ayun na nga kinausap ako ni Oscar.
“Raph?” medyo kinilig ako sapagtawag nya saken, kase naman ang hinhen tas nakangite pasya. Pero wala akong pake.
“Baket?” medyo mataray na sagot, para di halatang madali akong mafall. “Anong kaillangan mo?” pahabol ko, kase kinakausap nya lang ako halos lage pagmaykailangan sya.
“Grabe! Galet ka?” wow feeling jowa lang ang peg, grabe parang may pake sya kung magtanong kung galet ako. “May tatanong lang sana ako sa iyo ih” pahabol nyang sabe habang nakapafall na ngite.
“Ano ba yon?” syempre kailangan kunware wala padin akong pake pagnasagot, para di ako mahalata na marupok si ako.
“A-ahh ano kase” marahan nyang sabe “G-gusto ko lang sana itanong” haynaku pafall talaga. “Diba may assignment tayo sa next subject” sabe na may kailangan to ih. “Gusto ko lang itanong kung may --” at dahil mabait ako at kahit di pa sya tapos mag-usap ay binigay ko na agad ang notebook kong pangnext subject. “Salamat Raph! hulog ka talaga ng langit para saken” nakakaasar everytime na ngingitian nya ako kagaya ng pagngite nya sa iba para mafall sa kanya.
Pagkatapos maglesson ni sir ay agad na nagtransform ang buong klase para magkopyahan ng assignment. Napapansin kong papalapit na sakin si Dave, sure ako assignment din habol nito.
“Ano Raph! alam ko meron ka!” bungad nyyang banat pagkalapit na pagkalapet. “Pakopya!” hindi ko alam kong pano nangyare na naging kaibigan ko ang isang tulad nya.
“May nauna na” pagalet kong sagot sa kanya. “Kunin mo nalang kay Oscar na sa kanya” pahabol ko para tigilan na ako.
“Ayiee Oscar” panunusot nya habang nakangite na abot tenga. “Kala ko ba wala ka ng pake sa kanya at dii mo na sya tutulunga” pahabol na habang nakangite padin.
“Kokopya o manunusot ka!” banget ko sa kanya habang naka pocker face. Di talaga ako natutuwa everytime na sinususot ako, pero ang susot ko naman.
“Ito na nga kokopya na nga” pang-aasar nyang sagot saken at dahan dahang umales at nagtungo sa kinaroroonan ni Oscar. Lumipat din kase si Oscar ng pwesto pagkaalis ni sir para ipakopya sa iba yung assignment ko.
Makalipas lang ang ilang minuto ay naririneg na naman ang malakabayong tunog ng taking ng sapatos ng next subject teacher naming na si Ms. Dorie. Kaya karipas ang lahat sa pagsulat at sa pagbalik sa kanya kanyang upuan.
YOU ARE READING
Quarantine Deadly Sins
Short StoryIsang nakakahawang ipedemya ang kumalat sa buong mundo. Kinakailangan lamang ba manatili lahat sa kani-kanilang tahanan para maiwasan ang pagkakahawa at pagkalat nito. Si Raphael na panganay na anak na nakasama sa iisang tahanan ang halos dalawa pa...
