!!NOTE!!
This is a work of fiction. Please do understand that this is my first story to write, bare with my words and grammar. As much as I want to edit it now, I like to maintain how it was written.
________________________________________________________________________________
CHAPTER 1:
Lutang ang isip ni hayley habang nag lalakad ng makakita sya ng bakery, kaya agad na tinignan ni hayley cake na paninda.
"Isang slice nga ng chocolate cake aleng Mary" masayang pili ni hayley ng makita ang cake na nasisiguro niyang magugustuhan ng ina at anak nito.
Kaagad din namang binalot ni Aleng Mary ang cake at inabot sa kanya "Heto nene wag mo na munang bayaran alam kong gipit na gipit ka ngayon, sa susunod nalamang" Naka ngiting abot at sabi ng ale sa kanya.
"Maraming salamat aleng mary" tangap nya sa cake.
Pag kasabi nun ay agad ding umalis si hayley at kaagad na umuwi sa kanilang bahay-bahayan.
Nang makapasok sa bahay, nakita nya ang kanyang mga anak na natutulog sa lapag. Natatanging ang sapin lamang ang manipis na kumot at ang ina na natutulog sa silyang pinag dikit dikit at naka kumot.
Nang makita ang itsura ng pamilya ay pigil siyang na napaluha at nalungkot.
Di nya maiwasan na sisihin sa sarili nya ang kinahina't nan ng pamilya nya.
"Kung hindi lang ako naging pabaya hindi sana kami mag kakaganito"
Sisi ni hayley sa sarili nya.
Pinawi nya agad ang luhang tumutulo ng pakitang umubo't nagising at tumingin ang ina nya sa kanya. Agad niyang nilapitan ang ina at inalalayan ito ng muntik na itong mahulog.
"Nay naman sabi nang tumabi ka nalang kela Judy at helen eh" may pag papaalala na sabi ni hayley sa ina, inalalayan nya ito na makaupo ng ayos at binigay dito ang cake.
"Eto nay oh pasensya nay ayan lng muna mabili ko para sainyo, Happy birthday nay" naiiyak na nakangiting bati nya dito, kaagad din namang kinuha ng ina ang cake.
Tumayo ito at ginising ang dalawang apo at binigay sa mga ito ang cake.
"Oh ayan mga apo kumain na kayo Happy birthday sainyong dalawa"malungkot na naka ngiting bati nito at ginulo ang buhok ng mga ito.
Kaagad na kinuha ng dalawang anak ni hayley ang cake at pinag saluhan ito. Lumapit naman si hayley sa mga ito binati ang dalawang anak.
Birthday ng ina at ng dalawa niyang anak ngayon, gusto sana niyang maging espesyal ang ika pitong kaarawan ng mga ito ngunit gipit na gipit sya ngayon kaya eto nalamang ang naibigay nya sa pamilya.
Kinabukasan agad na nag ayos si hayley at inasikaso ang mga anak at hinatid sa paaralan at ang ina na syang naiiwan sa bahay bahayan nila at sya na papunta sa trabaho.
Habang nag tatrabo si hayley bilang isang labandera sa isang laundry shop, di nya maiwasan mag isip ng kung ano ano kaya't nakipag kwentuhan nalamang sya sa kaibigan nito na doon din nag tatrabaho.
Nang makatapos sa labahin nito ay kaagad din syang tumayo at mag papahinga sana ng dumating ang may ari ng laundry shop.
"At saan ka pupunta hayley?" Nakataas kilay na saway sakanya nito na makitang tumayo sya sa kina uupuan kanina.
Tumungo naman kaagad sya at sinabi dito "iinom at mag papahinga muna po sana ako ng saglit."
"Mag papahinga?! Tignan mo yang mga damit na labahin nayan! Ang dami dami pa tapos naiisipan mo pang mag pahinga?! Hindi pede! Bumalik ka doon at laban lahat to!" Tumingin naman ito sa mga kasamahan at sinabi " at kayo huwag nyong tutulungan yan eto nga labahin na nasa kanan sya lahat ang tatapos niyan NGAYON!" May diing sabi nito saka pumasok sa loob ng maliit na opisina nito dito.
YOU ARE READING
Is this the end?
FanfictionHayley Ariza, simpleng babae at may simpleng pamumuhay. Nangarap ng matiwasay at masayang buhay. Ngunit ano nalamang ang mamgyayari sa kanya ng dahil sa isang gabing kasiyahan na nakaepekto sa kanyang pag aaral at pangarap. The twins Her mother Her...
