Noong sabihin ni donya Briguela iyon ay hindi ko maisalarawan ang dapat kong maramdaman, kumakabog ang aking dibdib, hindi rin ako nakaka tulog ng maayos. Hindu ko akalain na darating ang araw na magaganap sa akin ang ganitong pangyayari, kung saan ako ay babalik at gaganti. Hindi naka limot, hindi rin ako nakapag papatawad pa. Nararamdaman ko pa rin ang kakaibang init sa aking sikmura na nag sisimulang sumabog, kumakalam ito at nagugutom sa pag ganti. Nanunuyo ang aking lalamunan dahil uhaw ito sa katarungan. Balang araw ay babalik ako at isa isa kong ipararanasan ang mga ginawa nila sa akin at sa aking pamilya.

Araw araw ay inihahanda ko ang aking sarili. Ikinukondisyon ko ang aking pisikal at mental na lakas. Kinausap rin ni Donya Briguela ang aking mga magulang at sinabi niya na ako ay mag tutungo sa ibang bansa para sa isang magandang oportunidad. Habang wala ako ay pinalipat na niya sila mama at papa sa isang maganda at maayos na bahay malapit sa kanyang mansion. Nangako rin ang donya na tutulong sa kanila at hindi sila pababayaan.

MAKALIPAS ANG ISANG LINGGO.

Dumating ang araw ng aking pag aaral at pag sasanay sa bansang Japan. "Huwag kang mag alala dahil mayroong dalawang taong tutulong sa iyo. Makikilala mo sila once na dumating ka doon sa Japan. Makalipas ang dalawa o tatlong buwan ay susunod ako doon at ako mismo ang hahawak sa iyo. Nag kakaunawaan ba tayo Hunter?" tanong niya.

Tumango ako. "Maaari ba akong mag paalam sa kanila?" tanong ko.

"Bilisan mo lang." ang sagot niya

Lumapit ako kila mama at papa. Niyakap ko sila ng mahigpit. Nangako ako na babalik at ililibot ko sila sa magagandang pasyalan sa iba't ibang lugar. "Ma, mag iingat kayo ni papa. Huwag kayong masyadong nag susugal at nag bibisyo. Iwasan niyo na ring mangutang kung kani kanino." ang sermon ko.

"Anak, nag bago na kami ng papa mo. Marunong na kaming mag pahalaga ngayon at hindi namin sasayangin ang mga bagay na pinag hirapan mo. Mag iingat ka doon anak."

"Salamat po. Pa, huwag kang masyadong umiinom makakasama iyon sa iyo."

"Aba, wala na akong bisyo ngayon, nakita mo naman lahat ng ani natin sa bukid ay nauuwi sa pag papa ayos ng ating tahanan. Sana ay isinama mo na itong mama mo para mawalan na ng maingay sa bahay, masakit talaga sa tainga ang boses niya."

"Papa, bakit mo naman ako nilalag ng ganyan harap ng anak mo. Alam mo maswerte tayo dahil nag karoon tayo ng anak ng matalino at maasahan. Sige anak humayo kana at mag hanap ng mayamang taga Japan."

"Ma, ayan nanaman tayo e." pag mamaktol ko.

Tawanan sila..

Maya maya ay lumapit naman sa akin sina Jamie at Je. "Frenny, sandali lang tayo nag sama pero sobrang napa mahal kana sa amin. Mag iingat ka sa Japan at sana ihanap mo kami ng jowa doon." ang wika ni Je sabay yakap sa akin.

"Frend, mag ingat ka. Huwag masyadong tumatapat sa araw dahil yung noo mo ay kumikinang at nakaka silaw ito. Mamimiss kita." ang wika ni Dooday.

"Kayo muna bahala kay Donya Briguela at huwag kayong masyadong makikipag chat sa mga lalaki sa online kayo pa naman yung laging nabibiktima ng poser, maka kita lang kayo ng gwapo ay hindi niyo na inaalam kung bakla ba ito o tuwid na lalaki. Lalo na ikaw dooday, kahit wala kang boobs at medyo flat chested ka ay mamimiss kita." ang wika ko.

Niyakap nila ako. "Bye frend, out kana sa magic knight" ang pang aasar nila.

"BLAS ano ka ba?! Napakatagal mong lalaki ka! Gusto mo ba itumba na kita?!" ang sigaw ni Donya kaya naman nag tatakbo ako at lumapit sa kanya.

"Salamat po Donya Briguela, hindi ko po alam kung paano ako makakabawi sa mga kabutihan ninyo. Pangako po na gagawin ko ang lahat para maitama ang nakaraan. At hindi ko po sisirain ang tiwala mo sa akin." ang naka ngiti kong wika sabay yakap sa kanya na kanyang ikinagulat.

Niyakap rin niya ako. "Mag iingat ka doon at huwag kang umawra ng wala kang nalalaman. Huwag kang tatanga tanga. Iwan mo dito si Blas na mahina at maawain, ang kailangan ko si Hunter Armada na palaban at matigas ang puso. Balang araw ay matatapos rin ang lahat ng ito, ikaw at ako ay magiging masaya." ang bilin nito.

Lumayo sa kanya at yumuko bilang maigting na pag galang. "Tutuloy na po ako."

"Mag ingat ka, huwag mong isipin na magiging madali ang lahat. Iexpect mo ang malaking pag babagong magaganap sa iyong sarili." ang wika ng matanda.

Bago umakyat sa eroplano ay isang matamis na ngiti ang iniwan ko sa kanila. Kalakip ang pangakong pag huhusayan ko at hindi ko sasayangin ang oportunidad na ibinigay sa akin. Alam kong mula ngayon ay mag babago na ang lahat. Kung mabuti man yon o masama ay depende na ito sa akin. Hindi ko lilimutin kung bakit nandito ako ngayon, ang hustisya ang aking pang hahawakan hanggang sa dumating ang oras na makamit ko ito.

Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan at noong mga sandaling iyon ay unti unti kong binuo ang aking sarili..

MUSIC PLAYING

Ni Yao De Ai

Wo ming bai..

Sui ran jing chang meng jian ni
Hai shi hao wu tou xu
Wai mian zheng zai xia zhe yu
Jing tian shi xing qi ji
But I don't know ni qu na li

Sui ran bu ceng huai yi ni
Hai shi tan te bu ding Ohh
Shui shi ni de na ge wei yi
Yuan liang wo huai yi zi ji

Chorus
Wo ming bai Wo yao de ai
Hui ba wo chong huai
Xiang yi ge xiao hai
Zhi dong zai ni huai li huai
Ni yao de ai
Bu zhi she yi lai
Yao xiang ge da nan hai
Feng chui you ri sai
Sheng huo zi you zi zai

Pag dating sa Japan ay agad akong sinalubong ng dalawang tao. Ibayong saya ang naramdaman ko noong makita si Miss Justine na sumalubong sa akin. "Kamusta ang flight? Actually kadarating ko lang rin kahapon. Inaappoint ako ni Donya Briguela para tulungan ka sa make over mo, tamang postura, tamang pag kilos basta total changes ang gagawin namin sayo. Binayaran ng donya ang isang taon ko so ayun dito muna ako. Iniwan mo na ba si Blas doon sa Pinas?" ang biro niya. Tapos ay lumapit sa amin ang isang lalaki na nasa middle age. Nga pala ito Mr. Jeron Baguiz ang isa sa mga mahuhusay na tauhan ni donya Briguela Armada, siya ang magiging teacher at guide mo about sa mga business. Lahat ng alam niya ay ituturo niya sa iyo."

"Mr.Jeron, siya naman si Hunter Armada ang apo ni Donya Briguela. Siya ang nakatakdang mag mana at mag patakbo ng korporasyon ilang taon mula ngayon." ang naka ngiti pag papakilala ni Miss Justine.

"Nice meeting you Mr. Armada. Siguro ay napagod ka sa iyong flight. Kumain muna tayo ng dinner at pag katapos ihahatid na kita sa ating tutuluyan. Dont worry naidiscuss na sa akin ni Donya Briguela ang lahat." ang wika ng lalaki.

"Alam mo maraming pwedeng libutan dito, pag may time bukas ay itotour kita." bulong ni Miss Justine.

"Im not sure kung magagawa niyo pa ang mag tour, may bilin si Donya na mag start kami ng training bukas. Kailangan ay matutunan ni Hunter ang lahat bago siya hawakan ng donya sa mga susunod na buwan. Alam mo naman siguro kung paano magalit ang lola mo." ang wika nito.

"Alam ko, maniwala kayo sa akin, 10 beses na niya akong naitumba. Literal, para siyang isang wrestler." ang biro ko.

"Teka, alam mo dapat ay mas matangkad ka pa. Kung 5'7 ka dapat ay tumaas ka pa ng 5'10 man lang para makahabol ka sa mga F4. At total changes ang gagawin natin sa iyo. Mag papaganda ka na rin ng body dapat ay ultimate ang iyong porma. Anyway may inorder na akong gamot na pampatangkad pa. Mas mahal nga lang iyon pero im sure effective ito." excited na wika ni Miss Justine.

"Ituturo namin sa iyo ang lahat ng lines of business ng Donya Armada, kailangan ay makabisado mo ito agad. Hindi naman kita pinepressure ngunit malaki ang paniniwala ng iyong lola na makukuha mo ito ng mabilis pa sa loob ng isang taon." ang wika ni Jeron.

Hindi ako makapaniwala sa mga pangyayaring nagaganap sa aking buhay. Parang isa itong panaginip, habang pinag mamasdan ko makukulay at matitingkad na ilaw sa kalsada ay hindi ko maiwasang mamangha at gumuguhit ang matamis na ngiti sa aking labi dahil batid ko ang mga makubuluhang kanaganapan sa aking buhay ay mag sisimula dito, ngayon sa lugar ito.

Itutuloy

The Handsome Flower BXB 2020Where stories live. Discover now