Kabanata 1

1.8K 57 10
                                    

Tania

Whenever I see children playing around the streets, running like they're chasing their dreams, laughing like it was the best music to be heard, I always feel like I want to go back to my old life where I get to play with them until sunset.

It's not about poverty that's making me sad for those children. It's about the sad faces they make whenever they feel like they can't be anyone in this world.

Hindi iyon totoo. Dahil kung marunong kang mangarap at magpursigi. You can be anyone you want to be. Anything you want to be.

Napapangiti na lang talaga ako kapag naaalala ko iyong mga ganoong klase ng senaryo sa buhay ko noon.

Iyong pagagalitan ka pa pag-uwi kasi tagaktak na ang pawis mo at madungis ka na tingnan.

Minsan, bumibisita pa rin naman kami roon sa dati naming bahay sa iskwater. Hindi nga lang naglalagi, dahil marami pa ring mga inggitera na kung ano-ano ang lumalabas sa bibig.

"Miss Tania…aalis na raw po iyong Tutor niyo, baka lang daw po may ibibilin pa kayo?" Tanong ng isang kasambahay na kumatok sa pinto ng bukas kong silid.

I smiled and shook my head. "Pakisabi po na wala na, salamat." I smiled to her.

Ilang buwan na rin naman akong nag- aaral na magsalita ng Ingles at kung ano-ano pang mga lengguwahe. Sa ngayon, English,  kaunting Italian at French pa lang ang nakakaya kong gamitin.

Nagaaral din ako ng table etiquette at kung ano-ano pa. Simula kasi noong nailipat sa akin ang sixty percent na share sa kompaniyang iniwan ni Papa sa amin ni Astrid ay kinailangan kong maging babad sa mga bagay na makakatulong sa akin. Lalo na sa personal development.

But I'm not always like that. Sinisiguro ko rin naman na may oras ako sa pamilya. I spend most of my time with my family during weekdays at sa kanila Tanda naman ako nakiki-sleep over tuwing weekends. 

Abala ako sa pag-i-scan ng mga dokumentong i-si-nend sa akin ni Astrid sa kama nang mag-ring ang cellphone ko na nakapatong sa bedside table.

Napalingon ako roon at nang makitang si Chase ang nasa screen ay kaagad kong pinindot ang answer button.

"Hello!" Nakangiti at masigla kong bungad-bati sa kaniya with matching kaway pa.

"Kamusta po?" Tanong niya kaagad. Kinusot niya ang kaniyang mata, halatang inaantok pa.

Hindi man lang nag-hi? Tss.

"Natututo ka nang mag-Filipino, ah? Magaling siguro iyong nagtuturo sa'yo?" Mapanuya kong tanong. Nanguya ko pa ang labi ko.

"Of course naman po. You're a great and uhm..." ngumiwi siya. "Vulgar teacher!"  He exclmained. Parang sinisisi pa ako.

I sported an offended look. Napahawak pa ako sa dibdib ko. "Bakit naman ako naging vulgar, aber?" My brow shot up because of what he said.

"You said t*ngina is just a word to compliment someone. That's why I used that word to compliment Papa and now I'm grounded!" Naiiyak niyang sumbong sa akin.

Mas lalo tuloy akong natawa. Lalo pa noong nag-pout siya habang ang kilay ay magkasalubong.

Kaunti na lang talaga ay ki-kidnap-in ko na 'to kay Tanda eh.

"Kasi ayaw kitang matuto ng gan'on. Alam mo na, ha? Huwag mo nang gagamitin iyon." Pangaral ko sa kaniya.

Tumango naman siya kaagad. "Okay po. I won't use it again. Same to g*go and p*ta."

Natulugan niya ako. Hindi ko nga lang pinatay dahil gusto ko talaga siyang pinapanood kapag tulog siya. Nailayo niya naman kanina ang cellphone sa kaniya kaya ayos lang. It seems like he predicted that he'll fall asleep while we're talking. 

Napagtuloy ako sa pagbabasa at pag-re-review ng mga files. Pasilip-silip lang sa screen para makita si Chase na mahimbing ang tulog.

Malapit na akong matapos sa ginagawa ko, nangalay lang ang leeg kaya hinilot ko iyon. Pinasadahan ng tingin ang screen ng aking cellphone at halos atakehin ako sa puso nang makitang hindi na si Chase ang nasa screen kung hindi si Tanda na nakangisi pa sa akin.

Nakakagulat at nakakatakot naman itong isang ito! Nandiyan pala, hindi man lang nagsalita.

Umaalog pa ang cellphone, senyales na naglalakad siya.

"Ninakaw mo na naman kay Chase iyong cellphone." Pagalit kong sinabi sa kaniya.

He only chuckled. He extended his arm to reach the door handle of his room, nang mabuksan ay pumasok na siya roon.

Mukhang kagagaling niya pa lang sa trabaho dahil naka-suit pa siya. Bahagya siyang tumingala para luwagan ang pagkakatali ng kaniyang necktie.  Nang magawa iyon, humiga siya sa kaniyang kama.

"Maligo ka muna or mag shower." Wala sa sarili kong sinabi, naibalik na ang tingin sa patapos ng gawain.

May itinitipa pa ako dahil may kaunti akong ni-revise nang magsalita siya. q

"How are you?" He asked, ignoring what I just ordered him to do.

"Maayos naman ako. I spent almost of my time reviewing some files. Ang pabida kasi ni Astrid eh. Nakuha pang mag honeymoon gayong sobrang busy na nga," umirap ako dahil sa inis. "Ikaw ba? Siguro, marami ka na namang nabingwit na babae 'no?" Pinagtaasan ko siya ng isang kilay.

Tumagal ang titig ko roon sa screen para maghintay sa sagot niya. Isang tawa muna ang narinig ko bago siya sumagot ng maayos. "Do you really think I'm that easy? Kung gusto mo, sumama ka bukas sa akin para mapatunayan mong trabaho ang ipinupunta ko roon hindi kagaya ng iniisip mo, Tania." Muli siyang natawa.

Am I joking here? Mukha bang nakakatawa iyong sinabi ko?

I scoffed. "Palusot. Tss." Inirapan ko siya.

He just can't admit it. He's a man-walking magnet. Kapag napapadaan nga lang sa lobby ng Lim Empire (company name nina Tania), marami kaagad ang napapalingon niya kahit wala naman siyang ginagawa.

"You're jealous." Pag-anunsiyo niya kaagad.

Natawa naman ako dahil doon. "Kapal ng mukha mo," iling ko sa kaniya.

"I can see it. You're jealous." He concluded.

"Your confidence is way too up, Mr. Merell. Masyadong nasobrahan," pagak akong natawa.

"So you're not jealous?" Tanong niyang parang nangungumbinsi.

"Big deal ba sa'yo 'yon?" Salubong ang kilay kong tanong sa kaniya.

Napaka-unpredictable naman talaga ng tiwala sa sarili ng isang ito, ha?

He shifted on his position. Nang hindi makumportable, umupo siya sa kama. "It's the biggest deal for me, Tania. So please, tell me, nagseselos ka ba kapag may pumapansin sa akin?"

Umirap ako at naibigay pa sa kaniya ang buong atensiyon ko. Tapos na ako sa ginagawa kaya ngayon ay magtutuos tayo!

"Hindi." I noted. "Kahit maghubad ka pa sa harap nila, wala akong pakialam. Basta ito ang tandaan mo, sa oras na may malaman ako na kahit anong gusot mo patungkol sa mga babae, wala ka ng aasahan sa akin. Tandaan mo, nanliligaw ka pa lang." Mariin kong sinabi.

"Yes, Boss.  Noted." Determinado siyang sinabi.

A Hundred Million Worth of Love - (Book Extension of AHMWBS)Where stories live. Discover now