Chapter 1

421 1 0
                                    

Irina's POV

Nagising ako dahil parang may nakadagan sa hita ko. Tiningnan ko kung sino itong nakadagan sakin at laking gulat ko ng makita siya.

"What the fuck? Harry? Anong ginagawa mo dito?" nagugulohan kung tanong. Inaalala ko ang buong pangyayari kagabi.

"M-may nangyari ba satin?" nininerbiyos kung tanong. Please sabihin mo wala.

"Oo. May nangyari satin Irina. And i'm sorry kasi di ko napigilan ang sarili ko" isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi niya.

"Sinamantala mo ang pagkalasing ko? Walang hiya ka! Akala ko pa naman mapagkakatiwalaan ka" galit na galit kong sigaw sa kanya.

"Ehh ikaw kasi yung nauna. Hinalikan mo ako. Lalaki ako kaya di ko napigilan" paliwanag niya.

"Dahil akala ko ikaw si Jed" galit na galit na talaga ako.

"I'm so sorry Irina. Sobrang nadala ako kasi nakainom din ako"

"Umalis ka na dito. Alis!" agad naman siyang umalis.

Hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Paano kung mabuntis ako? I'm sure walang ginamit na proteksyon yun.

"Ano ba tong pinasok mo Irina" kastigo ko sa sarili ko.

Bumangon na ako at naligo. Sinabon ko talaga ng maayos ang buong katawan ko.

Pagkatapos kung maligo, sinuot ko ang aking 2 piece na kulay black. Saktong sakto sa aking katawan at lumitaw ang pagkaputi ko. Nagsuot ako ng roba bago lumabas. Hindi ako kumain ng breakfast kasi nakakawalang gana.

Andito na naman ako sa dalampasigan ngayon at kasalukuyang nilalagyan ng sunblock ang aking mga kamay at binti. Tinanggal ko ang aking suot na roba at sumisid sa dagat. Sobrang nag enjoy ako sa kakalangoy at somehow nakalimutan ko ang problema ko at ang nangyari kagabi. Umahon na ako dahil nauuhaw ako saktong saktong nagdala ako ng lemon juice pagkapunta ko dito.

"Irina" tinig pa lang alam ko na kung sino. Hindi ko siya nilingon

"Irina" tawag niya ulit pero this time nilingon ko siya.

"Ano?" galit kong tanong.

"Gusto ko lang mag sorry. Hindi ko naman talaga intensiyon eh kaya lang nung inakala mong ako yung ex mo at hinalikan mo ako, hindi ko napigilan ang sarili ko. Lalaki lang din ako Irina" paliwanag niya.

Sa halip na sagutin siya, tinalikuran ko siya.

"So ganun na lang yun tatalikuran mo ako?" sigaw niya ng hindi pa ako gaanong nakakalayo. Liningon ko siya.

"Anong gusto mong gawin ko? Magsaya at magpasalamat sayo kasi hindi mo napigilan ang sarili mo ganon? Alam mo tigilan mo na ako" sagot ko at nagsimula na namang maglakad.

Bwesit na bwesit akong pumasok sa kwarto. Imbes na magpakasaya ako, heto ako't nagmumokmok. Buong maghapon nalang akong nagkulong sa kwarto. Lumabas lang ako ng makaramdam ng gutom. Pumunta ako sa malapit na restaurant ng hotel. Nagsimula na akong kumain ng mamataang andito rin ang kumag at sa kasamaang palad ay papunta siya sa gawi ko.

"I-irina" sambit niya

"Ikaw na naman?" iritadong tanong ko

"I'm sorry" seryosong sabi niya

"Sorry? What the fuck! Anong magagawa ko diyan sa sorry mo? Maibabalik ko pa ba ang mga nangyari? Hindi na!" galit kong sigaw kaya naman nakaagaw pansin ito at pinagtitinginan na kami ngayon.

"Kaya nga tanggapin mo nalang kasi bali baliktarin mo man ang mundo nangyari na! Look, ayaw ko ng gulo kaya wag ka naman sanang magsisigaw" mahinahon niyang sabi

Isla Del Fuego (Island of Fire)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon