Prolouge

11 0 0
                                        





"Maam andito na po tayo" nakangiting sabi sakin ng driver.


"Mm" nakangiting tungo ko sakanya. lumabas agad ng kotse yung driver at agad akong pinagbuksan ng pinto at pinayungan ako.



Nang makababa ako ay agad akong pumikit at ninamnam ang simoy ng hangin. Dumilat ako at pinagmasdan ang mga puno at ang mga ibon na naglilipadan sa harap ng isang simple ngunit eleganteng bahay na nasa harapan ko




Finally..



Tinignan ko yung driver at halatang nagulat siya nang bigla ko siyang tignan at ngitian. Kinuha ko yung payong na hawak niya at muli kong sinulyapan ang simpleng bahay na nasa harapan ko


"A-ahm m-maam?" nagtatakang tanong ng driver kaya maraan ko ulit siyang nilingon

"Take a rest, I know you're tired" nakangiting sagot ko sakanya

"Pero maam binilin po kayo sakin ng ma-"


"It's okay, I can handle myself" putol ko sakanya

"S-sige po maam, salamat po maam" nakayukong pasasalamat niya


"No..thank you" nakangiting sabi ko 'tsaka ako nagsimulang maglakad papunta sa pintuan bahay.


Nang makarating ako sa pintuan ay huminga ako ng malamim 'tsaka ko binuksan ang pinto

"Look who's-"natigilan ako sa pagsasalita nang biglang may pumutok na dalawang confetti popper sa harapan ko

"WEEEELCOOOMEEE HOMEEEE KYLENEEEE!!! WE MISS YOUUU SOOO MUUUCH!!" sigaw ng lahat ng tao sa loob ng bahay


Isa isa ko silang tinignan at onti onti akong naging emosyonal nang makita kong nandito ang buong pamilya namin, may isa lang na kulang. Mas lalo ako naging emosyonal nang makita kong papalapit sakin sila mama at papa na may dalang cake.

"Maligayang pagbabalik pinakamamahal at pinakapaborito kong anak na babae" nakangiting pangaasar ni daddy sakin


Tsk! wala pading pinagbago HAHAHAHA

"Welcome home anak! sobrang namiss ka namin!" emosyonal na sabi ni mama


"Ako din po ma! sobrang namiss ko po kayong lahat!" niyakap ko siya dahilan upang mas lalo siyang maging emosyonal.


Naramdaman kong yumakap din samin si papa at hinalikan ako sa ulo. Kumalas ako sa mahigpit nilang yakap at pinunas ko yung mga luha ko.


"Haaay nakooo! tama na nga po 'tong kadramahan masyadong nakakapanget sayang lang po tuloy yung pagmemake up ko!" pabiro kong sabi


"Tsh! Seryoso? Yan na yung pinakamaganda mong mukha? haha" biglang tanong si shai na animo'y dismayado sa mukha ko "Wala na bang igaganda 'yan? Yan na yun? todo na?" mayabang na sabi ni shai habang naglalakad papalit sakin

Anlaki ng ipinayat ni shai....



"Kaya nga Kyleanna Hann Silvanya?" maarteng sabat ni Aless



Mas lalong gumanda naman si Aless..


Hinawi ko yung buhok ko at taas noo ko silang nilapitan


"Yes! hmmm... I don't see any problem with my face. Actually... I found out that it's more beautiful than yours" huminto ako sa harap nila at pinagkrus ko ang dalawa kong braso sa dibdib "How about you Ms Sheireign Ann Montesilla and Ms Alessandria Roice Levasco?" nakataas kilay na tanong ko sakanila


"Ay shet inenglish na tayo sis, ikaw na bahala diyan" tulak ni ales kay shai


"Oh bat ako?"nagtatakang anong ni shai kay Aless habang sinisiko niya ito sa tagiliran. Natawa kaming lahat sa akto nilang dalawa


"Magtuturuan pa kayo kala niyo naman ibibigay ko yung mga pasalubong niyong dalawa!" sabi ko sakanila at nilingon ko si Tori at Chezka na pasimpleng pinagtatawanan ang kanilang mga ate "Bigay ko nalang sainyo 'no?" nagliwanag naman agad ang kanilang mga mukha at mabilis na tumungo ang dalawa dahilan para maasar sila Aless at shai


"Hoy Tori! tigil tigilan mo ha! baka gusto mong masapok?" pananakot ni aless sakanyang kapatid
"Eto naman joke lang naman ate k eh! joke lang! char! charot! eme! ganurn!" nakangusong lumapit sakin ni Aless at hinawakan ako sa braso


"Hoy kylene! pitong taon kong inantay yang pasephora mo tas di mo lang ibibigay saken ha? Baka nakakalimutan mong madami kang utang saken ha?" taas noong sabi ni Shai habang magkakrus ang dalawang braso dahilan para matawa ako


"Nagasaran ang mga bata tsh" natigil kami sa pagaasaran nang biglang may nagsalita kaya agad kaming napalingon kaming lahat sa pintuan kung saan nangaling ang isang malalim na boses


Onti onting nawala ang ngiti labi ko at napalitan ng pagkagulat at pagtataka sa taong nakita ko sa pintuan. Naestatwa ako sa aking kinatatayuan habang nakatulala sakanya.



Anong ginagawa niya dito?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 03, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love ChancesWhere stories live. Discover now