Chapter 2- Matteo

12 0 0
                                    

Matteo's POV

Ngayong araw ako na-hire, ngayong araw ko rin makukuha ang una kong sahod at ang aking condo.

Sinundo ako ng driver ni Miss Lorna para magtungo na sa condong titirhan ko.
Inabot rin sakin ni Manong Driver ang mga damit na susuotin ko sa araw-araw na paninilbihan ko kay Miss Lara.

Hindi pa naman ako nag-sisimula ngunit sinuot ko na ang isa sa mga damit na binili ni Miss Lorna.


I was wearing a POLO RALPH LAUREN WOOL TWILL SUIT... Black polo ang panloob... Actually black lahat para cool. Sinamahan ko na rin ng shades, for a cooler look.

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Habang nagba-biyahe patungo sa condo ay naisipan ko na lang muna magtanong-tanong kay Manong Driver.

"uhm, ahhh-  ano pong pangalan niyo?"

Binasag ko na ang katahimikan.

"Ricardo, anak." Sagot naman ni manong driver

"Ahhh." Saka ko siya nginitian

Anak... Ngayon lang uli may tumawag sakin ng anak.

"At ikaw nama'y Matteo, hindi ba?" Tanong niya habang naka pokus na nagmamaneho

"Ah, opo , Matteo po... masaya ho akong makilala ka."

"Ganoon rin sayo." aniya saka sya ngumiti

Hindi pa'ko nakuntento kaya nagtanong pa ako.

"Ilang taon na po kayong naninilbihan sa mga Araneta?"

Seryoso siyang nag-mamaneho ,ngunit tumutugon pa rin sa mga katanungan ko .

"Labin-limang taon na." Tumango na lang ako bilang pag-sagot

Labin-limang taon... Fifteen ,righ

Kung ganun marami na siyang alam tungkol sa kanila...
Mag-tatanong pa sana ako ng siya na mismo ang nag-kwento.

"Mababait ang mga Araneta, lalo na si Madam Lorna. May dalawa siyang anak, yung isa si Amanda , yung isa naman si Lara, si Amanda nasa New York. Mas nakuha ni Amanda ang ugali niya sa nanay nila.
Si Lara naman , hindi ko malaman kung kanino pinag-lihi ng sama ng loob, maaaring namana niya ito sa kanyang ama.
Eh hindi ko na naabutan ang ama  nung dalawa dahil ang kwento sakin ng mga katulong nila ay nag-hiwalay raw sila ni Madam Lorna.
Baka nga nag-mana talaga si Lara sa ama niya."  Kwento nya saka ako nilingon.

"Ahhh ganun po ba? Tumango na lamang din siya bilang pag-tugon.

"Kaya sana maka-tagal ka kay Lara , at palagi mo siyang tatawaging Miss Lara." bakas sa mukha niya ang pangamba na para bang binabalaan niya ako sa mga maaring gawin sakin ni Lara.

Andito na ako sa tapat ng lobby. Nag-paalam na ako't nagpasalamat kay Mang Ricardo sa pag-hatid niya sakin dito.
Bit-bit ko na rin ang mga gamit ko saka pumasok na sa loob.

Grabe , ramdam na ramdam ko ang pag-pasok ko rito. Pinagti-titinginan pa nila ako.
Haaaayst, ang hirap maging pogi, tas pag na-fall sila , kasalanan ko pa. OO NA, AKO NA, AKO NA ANG PINAKA-POGI SA BALAT NG LUPA. Mahangin na kung mahangin  pero totoo naman . Tsaka dapat kung magiging mahangin ka yung totoo na lang din para di mapahiya .

Malaki-laki rin ang sahod ko kaya kahit anong mangyari mananatili ako.

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

I Love You,Miss ( ON- GOING )Where stories live. Discover now