Prologue

15 2 0
                                        

Errors ahead!

Prologue

Kyzha Ainsley's POV

"HELLO?" i answered the phone.

"Goodmorning! Is this Kyzha Ainsley Vergara who I'm talking to?" I sighed.

"What is it now Rhyleigh?" I rolled my eyes. Kagigising ko lang at wala ako sa mood. Ginising ako nitong babaeng 'to. Napuyat na nga ako kagabi tapos ang aga-aga pang nambulabog nitong si Praiddy.

"Maka-Rhyleigh ka naman!" asar na wika nito. Ayaw na ayaw niyang tawagin siya sa second name niya. Same as me. Well, halos kaming magkakaibigan ganoon. "I called to remind you yung tungkol sa outing natin mamaya--"

"Mamaya pa 'yon," I lazily said.

"Oo nga. Kaso dapat 9am ready ka na. Kung hindi sisipain talaga kita,"

"Okay okay," I assured her.

"7am na bruha ka! Dapat before 9 nandoon na tayo sa meeting place natin," paninigurado pa nito.

"Oo nga. Ang kulit,"

"Ha! Naninigurado lang ako 'no," buwelta nito.

"Psh. Kailan ba ako hindi tumupad sa usapan?" I asked her.

"Ikaw ang sumagot sa tanong mo," hamon nito. Nag-isip pa ako ng kaunti bago siya sinagot.

"Minsan?" patanong na sagot ko.

"Gaano kadalas ang minsan?"

"Psh. Tigilan mo na nga ako!" singhal ko. "Inistorbo mo ang pagtulog ko. Alam mo namang kapag friday e busy ako sa office kasama sina kuya kaya kulang ang tulog ko tapos eto ngayon at kinukulit ako--"

"Okay okay. Stop!" pagsuko nito. "Alam ko 'yon okay? Napangunahan lang ako ng excitement. Paano ba naman kasi e halos 10 years na yata ang nakalipas mula nang huli tayong mag-outing. Bawal na bang ma-excite ang magandang tulad ko?"

"Your exaggerating things, Praiddy," I rolled my eyes again. Kahit kailan talaga hindi na magbabago 'tong kaibigan ko. Reyna na ng ka-OA-yan.

"Alin ba don ang in-exaggerate ko?"

"LAHAT,"

"Grabe ka naman! Pati kagandahan ko in-exaggerate ko ganon? Sipain kaya kita. O siya sige na! Ibababa ko na. Mag-aayos na ako. Ikaw din ah?"

"Yup. Bye."

"Bye." she said bago tuluyang pinatay ang tawag.

She's looking forward for the outing. And so am I.

Build Me UpWhere stories live. Discover now