CHAPTER 17: V

46 2 1
                                    

KITTY'S POV

Isang linggo na din ang nakakaraan simula nang nalusob ng mga kalaban ang EXO. Pero di pa rin sila pumapasok sa university. Nagtatanungan na saken ang mga teachers at classmates ko total ako naman daw ang laging kasama nila.

"Ewan. Di ko alam."

Yan ang laging sagot ko. Kahit ako di ko sila nakikita. Bumibisita ako sa exo house, pero wala sila dun. Tuwing vacant pumupunta ako dun at tumatambay para hintayin sila pero walang dumadating na mga gwapo.

"Kitty." Sabi ng kaklase ko habang kumakain ako mag isa sa canteen

"Oh. Bakit?" Tanong ko

"May naghahanap kasi sayo."

"Ha? Sino?"

"V daw? Infairness girl ha. Ang gwapo."

Napatigil ako sa pag kain ko.

"Ta-talaga? Asan sya?"

"Sa labas ng school. Sige girl. Una na ko. Bye." Sabay alis ng kaklase ko.

Totoo kayang andun si V? Isang linggo na din ang nakakalipas nang iligtas nya ko at nalaman ko pangalan nya.

Inayos ko ang sarili ko at lumabas ng canteen. Kilala naman ako ng guard sa front gate kaya pinayagan akong lumabas.

Nakatayo lang ako at hinahanap sya. Pero di ko sya makita.

"Ano bayan.. wala naman." Bulong ko sa sarili ko.

Babalik na sana ako sa loob, nang..

"Pusa!"

V'S POV

"Pusa!" Tawag ko sakanya

Mukang gulat na gulat sya. Lumapit ako sakanya at ngumiti.

"Anong tawag mo saken?" Tanong nya

"Pusa. Ikaw si Kitty diba?" Sabi ko

Tinuro nya ko ng hintuturo nya at nagsalita ng malakas.

"Are you stalking me?!"

"Megaphone! Hinaan mo lang."

Gusto nyo ba malaman kung bakit kilala ko si Kitty?

Flashback..

Nasa park ako dahil nabored ako sa tambayan namin. Nahiga ako sa damuhan at umiglip.

Maya maya ay nagising ako dahil sa ingay sa katabi ko. May mga babaeng maingay at nagpapapicture dun sa lalakeng may eyeliner. Gaya gaya yun ah. May eyeliner din ako.

Tinignan ko lang sila hanggang matapos. Umalis na ang mga babae at nakita kong may naiwang babae kasama nung may eyeliner.

Naglakad na sila palayo at sinundan ko sila. Di ko alam kung bakit ko sila sinundan pero yung paa ko yung nagsasabi saken na sundan ko sila.

Hanggang sa nagtago ako sa likod ng poste. At may narinig akong kausap nilang dalawang lalake. Tungkol sa kalaban ang pinaguusapan nila. Parang pamilyar ang tinutukoy nila.

"Hahatid na kita Kitty."

Sabi nung may eyeliner.

Kitty pala ang pangalan nya. Maya maya ay, wala nang nagsasalita. Lumabas ako at nakita ko si Kitty mag isa. Sinundan ko sya habang nagaantay ng sakayan.

Nagtago ako at tinignan ko lang sya. Hanggang nakita ko na may lalaking lumapit sakanya at kinukuha ang bag nya. Di makagalaw si Kitty.

Lumabas na ako at niligtas ko sya.

End of flashback..

"Ahhh.. Kaya pala." Sabi ni Kitty ng ikwento ko sakanya yun.

Kinuha ko ang kamay nya at hinila ko sya patakbo.

"Teka V! May pasok pa ko!" Sigaw nya

"Di ka naman babagsak for ditching class." Tawa kong sabi habang hinihila ko sya

Napangiti nalang si Kitty at saka tumakbo na din.

I HAVE 12 SUPER BOY"FRIENDS" [EXO] (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon