*LIBRARY*
"Gosh! Ang daming libro!" Mangha si Dan sa madaming librong natatanaw na pumupuno ng 10 malalaking bookshelves. Kasama niyang namamangha sila Blake at Troy.
"Teka? Pero kung may 10 ring PC dito, ba't pa niya kakailanganin ng ganyan karaming mga libro?" Tanong ni Vonn kay Rei.
"Umm...may mga pagkakataon kasing di alam ni Lu ang ise-search niya sa net pag gusto niyang magpalipas ng oras, kaya sa mga librong 'yan siya tumitingin." Sagot naman ng isa.
"Teka? Si Shaun? Ba't di sumama?"
"Bad mood yun ngayon, kaya andun sa sala, nanonood."
"Ha? Ba't naman?"
"Gano'n talaga yun. Gusto niya kasing alam niya lahat tungkol kay Lu, kaya nung nagsinungaling si Lu kanina, ayun."
"Grabe naman, demanding siya masyado. Di naman sila ah." Singit ni Blake.
"May pagka-possessive talaga siya, kaya nga naiinis din si Lu sa kanya minsan eh." May ngiting sagot ni Rei.
Paglabas nila ng library ay nagsimula silang maglakad sa corridor. Sinalaysay ni Rei ang iba pang mga kwarto na nasa bahay na iyon.
Sa kanilang paglalakad ay nakapukaw ng pansin kay Blake ang isang kwartong walang label. Hindi niya alam kung bakit, ngunit may pwersang nagsasabi sa kanya na tingnan ang loob ng nun. Lumapit siya at sinubukan itong buksan pero mukhang naka-lock ito.
"Di mo mabubuksan 'yan." Sabi ni Rei mula sa di kalayuan.
"Ah, pasensya na. Ano ba 'tong kwartong 'to. Wala kasi akong nakikitang label?"
"Private room 'yan ni Lu... Prohibited ang kahit sino sa pagpasok dyan."
"Bakit naman? Ano ba'ng nasa loob?"
" Confidential. Ang sabi niya, dyan daw nakalagay lahat ng may kaugnayan sa thoughts at feelings niya."
"So, walang pwedeng pumasok dito? Kahit si Shaun?"
"Yup. Ayaw ni Lu na malaman ng iba yung mga kahinaan at kalakasan niya, at lahat 'yon nakalagay dyan."
"Ah, gano'n ba."
Napaisip si Shaun, meron kayang mga bagay sa loob na tungkol sa kanya? Di rin niya maiwasang matuwa, kahit pa'no pala ay may limitasyon din ang pagiging close ni Shaun at ng ex.
"Tara." Imbita ni Rei.
"Dito naman sa basement makikita ang swimming pool." Salaysay ni Rei habang bumababa sila sa hagdan ng basement.
"Bakit dito sa basement? Pwede naman sa labas, o sa rooftop din kung gusto niyo." Pagtataka ni Dan.
"May mga pagkakataon kasing gustong mag-swimming ni Lu kahit umuulan. At least dito, anytime pwede."
"Woow! Ang lawak!" Muli ay namangha si Dan nang makita ang mala olympic-sized na pool.
"Oo. Minsan kasi nagre-race kami." Sagot ni Rei.
Minamasdan pa rin nila ang kabuuan ng pool, nang biglang may umahon mula sa gitna ng tubig- si Lurie. Nagulat sila, samantalang bahagya lang ang sa dalaga.
"Ginagawa niyo dito?" Natural na tanong ni Lurie.
"Umm...pinapasyal ko lang sila. Pasensya na, di ko alam na andito ka pala.
Di na siya muling pinansin ng dalaga at nag-butterfly stroke na papunta sa kinaroroonan ng hagdan paakyat.
"Oh, ba't andito kayo?" Dumating si Shaun dala ang isang blue na bathrobe.
