Malamig na Gabi ang sumalubong kay Jose, Isang batang paslit na inabandona ng kanyang mga magulang sa edad na 6 taon. Siya ay iniwan sa pangangalaga ng kanyang tiyahin na Abusado na wala na ibang ginawa kundi bugbogin at pahirapan si Jose, Kaya mas minabuti nalang ni Jose na lumayas sa poder ng kanyang Tiyahin. nung siya ay umalis pinili niyang mamuhay sa kalye ng Binondo sa Manila. Siya ay naging palaboy at siya ay naging magnanakaw upang mayroon siyang makain sa pang-araw araw ngunit siya ay tumigil din sa ganung gawain dahil siya ay nakokonsensiya sa mga taong ninakawan niya, Kaya siya ay naghanap ng mapagtratrabahuan. Sa loob ng 1 linggo ay palakad lakad lang siya dahil wala siyang mahanap na trabaho at kumakalam na ang kanyang sikmura, hanggang sa bigla na lang siyang natumba at napaupo sa harap ng isang Bahay na may nagaganap na handaan. Ang hangin ay napuno ng musika at halakhakan na nagmula sa Bahay na iyon hanggang sa marinig niya ang pagkanta ng isang batang Babaeng Mestiza. Nabighani si Jose sa Boses at Itsura ng Batang Mestiza kaya siya ay napatitig nalang. Hanggang sa nagkatinginan na silang dalawa ngunit di na kinaya ni Jose ang pagod at gutom kaya siya ay tumumba sa pagkakaupo, na agad na ikinagulat ng batang Mestiza kaya agad niyang pinuntahan ang gutom at pagod na si Jose.
Pagmulat ni Jose, napansin niya na nakahiga siya sa isang Kama na napakalambot at napakabango, agad siyang bumangon at tumingin sa kanyang paligid.
"Asan kaya ako? Ano Ang kaya ang nangyare sakin." nagtatakang tanong ni Jose sa kanyang sarili
Pagkatapos niyang tanungin ang kanyang sarili ay agad siyang tumayo at naglibot sa kwarto hanggang sa biglang nagbukas ang pinto Ng kwarto na kanyang tinutuluyan. Pagkabukas ng pinto ay naaninag niya ang mukha ng isang Babaeng Maputi at mapulang ang pisngi na matangos ang ilong.
"Ohh Gising ka na pala, maayos na ba ang iyong kalagayan? Wari ko'y Hindi ka pa nakain kaya't dinalhan kita ng agahan" Wika ng babaeng pumasok sa Kwarto.
"Maraming salamat, halos ilang araw na rin akong hindi kumakain. Maraming salamat sa pagkain." sagot ni Jose
Naluluhang sinabi ni Jose ang kanyang pasasalamat sa Babae. Kinain ni Jose ang agahan habang siya ay naluha, gutom na gutom ang kawawang paslit kaya hindi na niya napansin ang Babae habang kumakain, Hanggang sa matapos na siya sa pagkain.
"Maraming salamat sa pagkain na ibinigay mo sakin, Ako nga pala si Jose." wika ni Jose habang nakatingin sa Babae
"Ako naman si Esperanza, kinagagalak ko na makilala ka." sagot naman ni Esperanza
Pagkasabi ni Esperanza ng kanyang pangalan ay bigla itong napangti. Ang kanyang mga ngiti na halos abot tenga mga ngiting kasing liwanag ng mga bituin at buwan sa isang madilim na Gabi.
" Esperanza? Base sa iyong pangalan, mukhang ikaw ay isang Kastila? Tama ba?"
Ang tanong ni Jose
"Oo tama ka. Galing ang aming Pamilya sa Espanya pero lumipat kami sa Pilipinas dahil sa trabaho ni Ama." ang sagot ni Esperanza
"Ganun ba? Kaya siguro ganto kalaki ang inyong Bahay dahil mayroong pwesto da Gobyerno ang iyong Ama." ang tanong ni Jose
"Tama. Teka madami ka na natanong tungkol sa akin ngunit kahit Isa ay wala pa akong Alam tungkol sayo." Wika ni Esperanza
"Wala din naman akong maikwekwento sayo Esperanza."
Sinabi ni Jose ang mga salitang Ito habang siya ay nakamot sa kanyang ulo.
"Kahit anong ikwento mo, ayos lang handa ako makinig." sinabi ito ni Esperanza na may halong pag - pupumilit.
"*Buntong hininga* Ako ay nangaling sa isang mahirap na Pamilya. Lima kaming magkakapatid at Ang aming mga magulang naman ay hindi kalakihan ang mga sweldo kaya't hirap kami sa pang-araw araw namin. Kaya napagpasiyahan Ng aking mga Magulang na ipaampon ako sa aking Tiyahin na walang ginawa kundi magsugal at saktan ako. Kaya't lumayas ako sa lugar ng aking Tiyahin at sinubukang maghanap ng trabaho dito sa Binondo, kaso walang gustong kumuha sakin."
kinwento niya ang kanyang buhay gamit ang malungkot na tono ng kanyang boses. Kaya't medyo naawa si Esperanza
" Ganun ba, pasensiya na at medyo nagpumilit ako." malungkot na sagot ni Esperanza kay Jose
" ayos lang yun, siguro yun na rin yung paraan ko ng pasasalamat." nakangiting sagot ni Jose
"Nabanggit mo kanina na naghahanap ka ng trabaho diba? Gusto mo ba magtrabaho para samin?pagiging Hardenero at Taga-linis ng Bahay Ang magiging trabaho mo. Ano sa tingin mo??" Sinabi ito ni Esperanza habang may ngiti sa kanyang mukha
"Mukhang maganda ang Ideya mo. Ngunit hindi ka ba nagaalinlangan? Dahil Hindi mo naman ako ganun kakilala." sagot ni Jose.
"Totoo na Hindi pa kita kilala masyado ngunit nung marinig ko ang iyong storya. Doon ko napagtanto na mayroon kang mabait na kalooban." wika ni Esperanza
mangiyak-ngiyak na nagpa-salamat si Jose kay Esperanza.
"Salamat sayo Esperanza" wika ni Jose
"Wag ka magalala, kakausapin ko si Ama upang ikaw ay mkapag trabaho dito." ang sagot ni Esperanza kay Jose habang tinatapik ang balikat nito.
Sobrang saya ni Jose nung mga Oras na iyon dahil doon lamang siya naka-kita ng ganoong kabait na Tao.
"Oh siya sige, magpahinga ka na muna ulit para bumalik na ang lakas mo."nakangiting sinabi ni Esperanza kay Jose. Nung palabas na
si Ezperanza sa Kwarto ay Bigla siyang tinawag ni Jose.
" Esperanza" sabay tayo ni Jose at tumingin kay Ezperanza.
"Ano yun Jose? May kailangan ka pa ba?" pagtatakang tanong ni Ezperanza sa Binata.
"Maraming salamat." Wika ni Jose kay Ezperanza.
Nagngitian ang dalawa hanggang sa umalis na si Ezperanza sa Silid dala dala ang almusal na kanyang inihain sa Binata.
*End of Chapter 1*
YOU ARE READING
Esperanza
Historical FictionTamang Pag-ibig sa maling panahon Tamang Tao sa maling situasyon
