Prologue

80 5 1
                                        

"Oh umagang - umaga nakatunganga ka na naman sai" sita sa kanya ni Phoebe.

"napuyat kasi ako kagabi kakanood" nakapangalumbabang sabi ni Saifah.

"At ano namang pinanood mo ah?" taas-babang kilay na tanong sa kanya ni Daphne sabay tawa ng malakas. Nakaupo ito sa unahan nila Saifah at Phoebe.

"Nako ikaw saifah ah" biglang sulpot Mikazuchi na may balak ring asarin si Saifah.

"Ang dudumi talaga ng utak niyo eh no" sabi niya habang nagsusulat sa kanyang notebook kahit hindi naman talaga doon nakatungo ang atensiyon niya.

"Ikaw kamo yun, wala pa nga kaming sinasabi eh" Saad ni Daphne at tumawa ulit.

Magsasalita pa sana si Phoebe ng biglang dumating ang kanilang subject teacher, kaya bumalik na din sila Daphne at Mikazuchi sa kanilang kanya-kanyang upuan. Gustong makinig ni Saifah ngunit antok na antok talaga siya pero hindi niya pinahalata at baka sitahin siya ng teacher niya at tanungin ng kung anu-ano pa, kaya kahit inaantok siya ay nilalabanan niya iyon. Sumulyap siya sa kanyang teacher na si Ms.Heidi Duque, talagang hanga rin siya dito dahil sa husay nito pagdating sa history at tilang walang pagod ang bibig sa buong mag-hapon sa pagsasalita sa harap ng iba't-ibang klase. Kaya kung siya ay kukuha ng kurso sa susunod na taon ay siguradong hindi tungkol sa history ang kukunin niya dahil ayaw niya ng salita ng salita sa harap at ayaw niya rin talaga ng history.

Last school year narin naman ito ni Saifah kaya sinusulit narin niya kasama ang kanyang mga kaibigan dahil next year hindi niya alam kung mananatili pa ba siya dito sa Pilipinas, dahil pinipilit narin siya ng daddy at mommy niya na sumunod sa Amsterdam dahil andun ang kabuhayan ng daddy niya at doon daw siya mag-cocollege dahil yun ang bilin ng mga magulang niya. Kaya kahit andun ang kanyang mga magulang nagpumilit parin siya dito sa Pilipinas dahil mas at home siya dito at hindi niya rin alam kung bakit.

She's an only child, eighteen years old at since last year ay andito na siya sa Pilipinas at nakitira muna siya sa mga pinsan niya nung mga panahon na yun, kaya gustong-gusto narin siyang pasunurin ng mga magulang niya sa Amsterdam. Pero nung umalis na siya sa bahay ng mga pinsan niya ay mas sumaya naman siya dahil nakatira siya ngayon sa isang dorm apat silang nandun nila Phoebe, Daphne at Mikazuchi napagplanuhan narin kasi nila yun at mas komportable siya ngayon.

"Uy Saifah!" untag sa kanya ni Daphne.

"Ang layo na siguro ng nilakbay ng utak mo no" saad ni Mikazuchi.

"Kakain na po tayo, nakaalis na si ma'am lutang ka parin diyan" sabi ni Phoebe.

"Pasensiya na antok lang talaga ako" Pahikab na sabi ni Saifah at tumayo na sa upuan.

Nagsimula na silang maglakad papuntang canteen at madaming tao na nakapila ang bumungad sa kanila. Habang nakapila na sila ay bigla namang naghiyawan ang mga babae at kinilig.

"Aaaaah! andiyan na silaaaa!" sigaw ng isang babae malapit kela Saifah.

"Hala teka Anna ilabas mo yung cellphone mo dali!."

"Omg! Omg! I can't breathe."

Puro sigawan ang pumalibot kela Saifah at tila bang nairita ang apat.

"Anong I can't breathe, ang O.A mo sakalin kita diyan eh hindi ka talaga makakahinga" iritang sabi ni Daphne dun sa babae.

"Che! ang sungit mo naman ate" sabi nung babae at nag-taray.

"Talagang masungit ako!" sabay irap niya.

"Jusko! ano na naman bang meron?" tanong ni Saifah.

"Pst! Ate anong ganap?" Tanong ni Phoebe sa isang babae.

Until We Meet AgainWhere stories live. Discover now